19

107 6 5
                                    

Chapter 19

"I've seen him inside the hall. How come he's one of the Buenvenidez's men?" Turo ni Yohan sa isang lalaki na nasa video.

Nakailang ulit na kami ni Yohan sa footage na pinapanood. I immediately went here to see it but something is really off with the video. Bukod sa hawak nina Hale ang buong function room na 'yon, bakit naman makakaligtaan ang parteng ito?

Two men walked past one of our cars, the footage seemed to be distracting. Para bang sinadya talaga ng iba pang tao na lituhin ang manonood ng footage habang may gumagawa noon sa sasakyan ng mga kasama namin.

It only happened for a minute. The next footage they got is already the CCTV from the inside kung saan kasama na si Timothy Buenvenidez. I watched intently and saw how Timothy nodded at the two men.

Napailing ako at natawa sa reaksyon niya nang harapin niya si Ojisan matapos umalis noong dalawang lalaki. I also saw that they walked past me but I am already on my way outside. So basically, it happened before we are alerted to go to our own post.

"Are you able to identify them?" I gazed at Yohan.

Apat palang kami na may alam sa footage na 'to ayon kay Yohan. It isn't disclosed to the other member yet until Hale comes back. Hindi ko alam kung nasaan sila ng kapatid niya dahil hindi ko na sila inabutan nang dumating ako.

"Lucas Cabrera and Ramos Villegas. I did a research and found out that they belong in the overseas team for the Buenvenidezes. They're working for them for more than 20 years," Ani Yohan.

"How about their flights and their next destination? For sure sa loob ng isang linggo, pwedeng wala na sila dito."

"Currently in Toledo,"

Nanliit ang mga mata ko at hindi napigilan ang pagtaas ng kilay.

"The ancestral house of the Buenvenidezes is located in Granada," Dagdag pa ni Yohan.

I scoffed and shook my head.

"So kilala mo personally itong bunsong Buenvenidez na anak ni Timothy Buenvenidez?" Kuryosong tanong niya.

"Medyo." Kaswal kong sagot sa kanya.

"Mukha pa ngang close raw kayo sabi ni Hale. Nakita ka niyang pumasok sa sasakyan noong batang Buenvenidez na 'yon habang naninigarilyo siya sa exit," Natatawang sabi niya. "Okay sana. Pasok sa banga ang itsura, mukhang mabango at obvious namang mayaman base sa pangalan.... kaso Buenvenidez tapos ex pa ni Astrid," She chuckled.

Umiling ako at inirapan siya. Tumawa naman siya at pinause na ang pinapanood namin dahil halos masaulo na naming dalawa 'yon. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang mga paa sa table.

"Alam mo ba kung bakit nag break si Astrid at Jace?" Tanong ni Yohan.

Umiling ako kahit alam ko naman dahil minsan na ring nasabi ni Jace sa akin 'yon. It's because he thinks he's being unfair to her since he loves someone else.

"Kasi may mahal na iba si Jace. Kaya kung ako sa'yo, nako magingat ka na-"

"Bakit ako mag-iingat?" Taas kilay kong tanong.

"Kasi baka magustuhan mo?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. "I won't," I told her.

Ngumuso siya at kalaunang naging ngisi 'yon. I rolled my eyes again.

"Baka ikaw pa kay Hale," Ani ko.

Kaagad na nagbago ang ekspresyon niya at halos magtagpo ang mga kilay niya. See? Halatang halata siya. I never failed at this. Bukod sa may tiwala ako sa instincts ko, malakas rin naman akong makaramdam.

melt in the fireplace | Buenvenidez Series #5 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon