CHAPTER 26: HEAL

Magsimula sa umpisa
                                    

Ngumuso siya sa akin. "Pagagalitan mo na naman ako?" Parang bata niyang sabi.

"Alangan namang maglululundag ako rito sa tuwa habang ganyan ang lagay mo." Sarkastiko kong sabi saka ko tinitigan ang mukha niyang ang daming galos.

"Ang panget mo na tuloy." Inirapan lang niya ako. "Hindi ka makasagot kasi totoo?! Puro galos 'yang mukha mo tapos mukha ka ng robot dahil diyan sa neck brace at mga sinemento mong binti at braso."

Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ko naman kasi alam na aabot sa punto na maaaksidente ako." Mahina niyang katwiran.

Napairap ako sa ere. "Eh mukhang ikaw talaga ang naghanap ng aksidente. Ang layo ng narating mong babae ka. Kung hindi ako sinamahan ng kapatid ko at mga barkada niya, malamang hindi kita mapupuntahan dahil sa sobrang delikado ng daan dito. Sana inisip mo na may mga anak ka na panghuhugutan ng lakas. Hindi yung ganito."

Yumuko ito saka nagkwento simula nung dinalaw niya ang mommy niya hanggang sa napadpad siya rito at nalasing siya. Pati ang pagtugis sa kanya ng mga hindi niya kilalang lalaki at ang pagsalpok ng sasakyan niya sa mga puno.

"Ang huli kong natandaan bago ako magising dito ay tumilampon ako ng malakas mula sa loob ng kotse tapos may sumabog ng sobrang lakas." Pinunasan ko ang luha na nag-uunahan sa kanyang mga pisngi.

"That's your car?" I asked.

"Yeah."

"You're so lucky. Buti hindi ka napatay nung mga sumubok na habulin ka. O kaya naman ay buti tumilampon ka bago sumabog ang sasakyan mo." Naiisip ko pa lang ang pinagdaanan niya ay kinikilabutan ako.

"'Yon nga rin ang sabi sa akin nung mag-asawa na tumulong sa akin at dinala ako rito. Siguro hindi ko pa talaga oras. May misyon pa talaga ako rito sa mundo para mabuhay."

Tumango ako. "That's right. Think of the kids. I'm sure they misses you. Lumaban ka para sa mga bata. Hindi ka pusa, Quebec. Hindi siyam ang buhay mo kaya mag-ingat ka."

Natawa naman ito. "Oo tatandaan ko 'yan."

"Ililipat kita ng hospital. Masyadong malayo ang hospital na 'to at gusto ko pagkagaling ko sa trabaho, madadalaw kita. Para mamonitor ko kung makulit ka pa rin at hindi sumusunod sa utos."

Pumayag naman siya. "Okay. Sana mabilis akong gumaling kasi hindi ako pwedeng tumunganga. Marami pa akong kailangan gawin para makalaya na si mommy sa kulungan."

Napailing-iling ako. "Hindi ka kasi nag-iisip. Sana inisip mo 'yan bago ka bumili ng alak at nagmaneho hanggang sa mauwi ka sa ganito. Edi sana ngayon kahit papaano nakakatulog ka ng maayos sa bahay niyo."

***

-3 MONTHS LATER-
Quebec's POV
Mabilis akong pumunta sa pintuan nang narinig ko na may tumawag sa pangalan ko. "Kayo pala inang." Sabi ko nang makita ko siya sa pintuan habang may dalang tray at may mangkok sa ibabaw non.

"Nagluto ako ng ulam. Sana magustuhan mo." Sabay abot nito sa akin ng tray.

Kinuha ko naman ito at sinilip ang niluto niya. "Wow. Masarap 'to. Sinampalukang manok." Masaya kong sabi.

"Alam kong magugustuhan mo. Sa tatlong buwan mong nandito alam ko na mahilig ka sa masasabaw na pagkain." Sabi pa niya kaya natawa ako.

"Salamat inang." Masaya naman itong umalis.

Pag-alis niya ay nagtungo na ako sa kusina para ilagay doon ang tray na may lamang ulam. Isang oras pa naman bago ang tanghalian kaya umakyat na lang ako sa ikalawang palapag para magpahangin.

Pagkarating ko sa balcony, sa tapat ng dagat ay naupo ako sa duyan. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung maaksidente ako. Nung araw na pinuntahan ako nila Cassandra sa hospital kung saan ako dinala ay inilipat din nila ako sa hospital na mas malapit sa amin.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon