"Tita! Galit po yan si Belle! Painumin niyo po yan nang malamig na tubig para hindi masunog!" Saad niya kay mama habang natatawa.

Tinitigan ko siya nang masama pero hindi parin siya tumitigil kakatawa.

"Ano na naman ang pinag-awayan niyong dalawa?" Tanong ni mama sa'min.

"Itanong mo diyan sa demonyong yan, ma!" Supladang sagot ko.

"Isabel! Yang bunganga mo!" Pagsuway ni mama sa'kin.

"Luh? Ang harsh tita, awayin niyo po siya para sa'kin" utos niya kay mama.

"Ma!" Sigaw ko nang kurutin niya ako sa tagiliran.

"Sige pa po tita!" Utos niya pa.

"Ma, sino ba anak niyo? Yang engkantong yan oh ako?" Tanong ko kay mama habang nakakunot ang noo.

Si mama kasi eh! Mas mahal ang engkanto kesa sa totoong tao.

"Umiwi ka na Paolo!" Utos ni mama sa kaniya.

"Luh? Pinagtabuyan!" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Sinong nasaktan?" Pang-aasar niya rin sa'kin at agad na tumakbo papunta sa bahay nila.

Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko para magbihis nang pambahay.

Nagsuot lang ako nang pink dolphin shorts at pink shirt na may halong puti. Inipit ko ang buhok ko at pinaandar na ang aircon para mag-aral.

May quiz kasi bukas eh! Baka ma zero ako!

Baka katapusan na nang mundo ko kapag nazero ako!

"Belle!" Saad ni Dave habang kumakatok sa bintana ko.

"Bahala siya jan! Ayaw niyang sabihin ang pangalan ni pogi, edi wag!"supladang pagbulong ko sa sarili.

"Aray ko Belle! Natapilok ako!" Pag-iinarte nang timang.

Buti nga sa'yo.

"Belle! Masakit likod ko," dagdag niya.

Anong akala niya sa'kin marupok ako? Na kapag nagkasakit lang siya ay kaya kung kalimutan ang mga pinanggagawa niya? Luh? Mas matibay pa ako sa relasyon nila nang ex niya no!

"Belle! Nasusuka ako," saad niya pa.

"Baka buntis kang hayop ka!" Sigaw ko sa kaniya.

Narinig ko ang pagtawa niya sa barumbadong sagot ko pero hindi parin niya ako tinigilan.

"Luh? Mainit ako! Masama ang pakiramdam ko Belle!" Pag-iinarte niya at umubo-ubo pa.

Agad akong tumayo para buksan ang kanan kong bintana para makita ko siya.

"May lagnat ka?" Mahinahong tanong ko pero plastik.

"Oo," saad niya at umubo ubo pa.

"Buti nga sa'yo!" Barumbadong sagot ko at isinarado na ang bintana.

Bumaba na ako nang kwarto dahil narinig ko rin na tinatawag na ako ni mama para kumain nang hapunan.

"Rinig na rinig ko ang away niyong dalawa," saad ni mama sa'kin.

Kami lang ngayong tatlo sa hapag kasi wala si papa, night shift siya sa trabaho.

"Pabayaan mo yun ma," sagot ko habang kumakain.

"Naku ma! Masanay ka na jan sa malaattitude na ugali nang anak mong yan," saad ni kuya.

"Luh? Bakit parang ako ang mali dito?" Pag-iinarte ko.

"Kumain ka na jan!" Utos ni mama sa'kin.

Kumain nga ako at tulad nang sabi ni kuya kahapon ako ang maghuhugas, kaya ang ginawa ko ay tumayo na ako sa may gilid nang lababo para hintayin ang mga pinagkainan nila.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon