PROLOGUE

25 1 0
                                    

Sabi nila Ospital daw and isa sa lugar kung saan mararamdaman mo ang lahat ng emosyon. At totoo ito, dahil sa muli kong pagbalik sa lugar na 'to. Napatunayan kong nakakulong pa din ako sa nakaraan ko.

Kakatapos lang namin kumain ng lunch ng mga kaibigan ko sa mall na malapit din sa ospital na pupuntahan namin for our medical. 

"Sana naman may poging nurse diba" saad ni kylie, kasalukuyan kaming papunta sa hospital for our medical requirements sa work namin

"Beh! Ipagdasal mo na sana wala kang sakit, mamaya malaman namin na hanggang bukas ka na lang pala" biro ni Azi malakas ang tawanan naming at bahagya siyang hinampas ni kylie

"hayop kang bakla ka! Susunod ka sakin" nagtatawanan kaming tatlo at masayang nagkukwentuhan. Tirik ang araw napagmasdan ko na sa malayo ang ospital ngunit parang may kurot sa aking dibdib. Hindi ko ito ipinapahalata dahil ayaw kong masira ang araw ng bawat isa samin

"Tara na nga ang kukulit niyo haha" akit ko sa kanila at pumasok na sa hospital

Ngunit pag pasok namin sa ospital tila nabago ang masayang mood ko. Naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam, at tila kinakapos ako ng hininga. Nasa likod lamang ako ng mga kaibigan ko patuloy pa din sila sa paglalakad at pinapanatili ko ang pagiging kalmado.

"Good afternoon po Nurse, may i ask po kung saan floor po yung procedure for our medical sa company namin?" tanong ni kylie sa nakasalubong namin na nurse

"Hello po Ma'am sa Third Floor po sa dulong kwarto yung may pinaka malaking pinto ho, nandun na din po yung ilan sa mga kasamahan niyo." Saad nito ng nakangiti

"Thank you so much po" Sagot ni Azi.

Ngumiti na lamang ako sa kanya at tumuloy na kami sa paglalakad papunta sa elevator ngunit napatigil ako ng bigla na lamang naamoy ko ang pamilyar na pabango at hindi ako pwedeng mag kamali. Siya yun at nararamdaman ko na nasa paligid ko lang siya.

" Teh anyare sa 'yo mahahati ka na jan sa gitna ng elevator, bet mo pa ata maging manananggal pero lengthwise ang hati" Singhal sakin ni Azi narinig ko ang tawanan nila at napangiti na lamang ako. At nakaratin na kami sa 3rd floor kung saan kami itnuro ng Nurse.

Pamilyar na pasilyo, pamilyar na pakiramdam. Ngunit sa isang banda napag tanto ko na nakatayo na ako sa mag kasunod na kwarto kung saan  naramdaman ko na naman ang bigat, at ang sakit, andito pa rin. Akala ko'y Malaya na ako ngunit nakakulong pa din pala ako sa nakaraan.

"Ayun mi oh may poging nurse anlaki pa ng biceps grabe!!!! mag donate na kaya ako ng 5 liters na dugo" ani ni kyle na medjo napalakas ang boses.

Patuloy pa din sila sa pagkukwentuhan ngunit hindi ko na maintindihan ang pinag uusapan nila

Ang pasilyo na nilalakaran namin, ito yung pasilyong tinakbuhan ko habang naka paa non habang umiiyak. Bigla na lamang ako nakaramdam ng takot nanginginig na ako at sobrang kinakabahan.

Hanggang sa nadaanan namin ang dalawang kwarto ang isa ay nakasarado ang isang kwarto naman bahagyang nakabukas at nakita ko ang pasyente sa loob, may nurse na nag aasikaso sa kanya. Ito yung kwarto kung saan sa bawat sulok ay masakit tingnan ang higaan kung saan naaalala ko ang imahe ng muka niya. Naaalala ko na naman ang pag iyak ko ng malakas, nagmamakaawa. Ang tunog ng mga machine sa loob nito ay parang ikakasira ng pandinig ko.

Maya-maya lamang ay iniluwa na nito ang isang pamilyar na lalaki, nagulat ako ng Makita siya at tila biglang nanumbalik ang galit at sakit saakin.

"Xyy?.. ahh anong ginagawa mo ditto?" tanong niya sakin

"ahmm... may aasikasuhin lang" Malamig kong tugon at lumakad na para umiwas sa kanya

Nag-lakad na ako at sumunod sa mga kaibigan ko. Ngunit napahawak ako sa may bakal ng hagdan dahil sa hindi ko malaman na dahilan ng aking panghihina.

Napa upo na ako sa sahig at tuluyan na ako na control ng aking emosyon nararamdaman ko ang hilo at panginginig ng katawan sobra akong natatakot, nararamdaman ko na din ang mga luha sa aking pisngi, tila natataranta ako.

Tumakbo pabalik saakin si kylie at Azi

" Zielle anong nangyayare sayo" alalang tanong nila ngunit iling lang ang maisagot ko maya-maya ay nahihirapan na din ako sa paghinga. Sinusubukan nila akong pakalmahin

"NURSE TULONG PO" sigaw ni kylie at Azi sa sobrang pag-aalala

"Maverick?!?" Gulat na tanong ni Kylie

Lumapit ang ilang nurse Narinig ko din ang boses ni Maverick" Anong nangyayare sayo Xy?" ramdam ko ang pag-aalala niya at  agad niya akong binuhat. Ang pag tawag niya sa pangalan ko ay tila mas naging dahilan ng pagkadurog ko. Maya-maya lamang ay nandilim na ng tuluyan ang aking paningin.

Napagtanto ko na, akala ko Malaya na ako, ngunit nakakulong pa din pala ako sa nakaraan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm a Virgin But life F*cked me HardWhere stories live. Discover now