"Xenon." Tawag ko sa kanya nang maisara niya ang pinto ng kwarto kung saan nakulong kaming dalawa sa loob.

"Pack your things."

Tuluyan akong nanghina sa sinabi niya. Ilalayo na niya ang mga bata sa akin dahil nalaman na niya ang totoo. Naupo ako sa higaan ko dahil pakiramdam ko ay mabubuwal ako ano mang oras.

"Hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to. Paano ang mga bata." Sagot ko sa utos niya.

Binigyan niya ako ng pekeng ngiti. "Tatlong taon ko silang napalaki ng wala ka Quebec. Kayang-kaya ko ulit gawin 'yon ng wala ka sa tabi ng mga bata."

"Hindi mo ako kailangan ilayo sa kanila. Nandito na nga ako oh! Pinipilit kong punan yung mga panahon na wala ako sa tabi nila. Saka pwede ba pakinggan mo muna ang paliwanag ko. Hindi yung ganito na paaalisin mo ako ng wala man lang hinihingi na paliwanag. Saka mo ako husgahan kapag narinig mo na ang paliwanag ko."

"Kahit anong paliwanag pa 'yan, hindi na ako makikinig sayo. Nagsinungaling na kayo sa akin ni Cassandra kaya nadala na ako sa inyo. Paano ko pa paniniwalaan 'yang paliwanag mo ngayon? Hindi mo na mababago ang isip ko. Umalis ka na at iwan mo na kami ng mga bata. Kalimutan mo na rin na naging anak mo sila gaya ng paglimot na ginawa mo sa kanila noon."

Tuluyan ng bumuhos ang mabibigat na luha mula sa mga mata ko. Walang pag-aalinglangan na lumuhod ako sa harapan ni Xenon. "Xenon, huwag naman ganito. Hayaan mo naman akong makasama ang mga bata kahit na hindi nila malaman na ako ang totoo nilang ina. Ginagawa ko naman ang lahat para maparamdam sa kanila na mahal ko sila."

"Sa tatlong taon na wala ka sa tabi nila, pinatunayan mo lang sa akin na isa kang walang pusong ina. Ni ha ni ho wala kang paramdam. Kahit man lang sulat o text na kamusta na ang mga bata kahit na hindi ka na sana magpakilala pa. Kasi ang tagal kong inasam na sana nagkaroon man lang yung nanay ng mga anak ko ng interes sa kanila. Tapos magpapakita ka sa ganitong paraan?! Na para kang isang ulirang yaya sa kanila? Para ano Quebec?! Para hindi na maungkat pa na ikaw ang ina ng mga bata?! Bakit kailangan mo pang magpanggap na mahilig ka lang talaga sa mga bata at tinalikuran mo na ang pagiging sekretarya para maging babysitter!"

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at umiyak na lang ako ng umiyak. Nararamdaman ko na sarado na ang isip niya para sa mga paliwanag ko. Saka kung magpapaliwanag man ako ay hindi ko alam kung maipapaliwanag ko ba ng maayos dahil sa hindi naman biro ang ilegal na trabaho namin ng pamilya ko.

"Hindi ka makasagot! Kasi ano?! Ayaw mo talagang malaman namin na ikaw talaga ang ina nila at gusto mo na habang buhay manatili ka na lang na babysitter sa mata naming lahat. Buti at maaga kong nalaman. Bago mo pa tuluyang mabilog ang ulo ko. Kalimutan mo na lang yung nararamdaman ko sayo. Sigurado ako na sa tindi ng galit ko sayo ngayon ay mawawala rin 'tong pagkagusto ko sayo sa lalong madaling panahon."

Hindi ako kumilos at iyak lang ako ng iyak kaya siya na ang naglabas ng mga gamit ko at basta na lang itong isinilid sa maleta ko. Siniksik niya nang siniksik ang maleta ko hanggang sa halos hindi na masara 'yon dahil sa mga inilagay niya sa loob.

"Babalik ako Xenon. Mag-usap tayo ng maayos. Hihintayin ko na humupa muna ang galit mo sa akin."

Hindi ito kumibo at hinila na ulit ako palabas ng bahay. Wala ng tao sa sala at mukhang tulog na ang lahat kaya madali lang niya akong nahilahod palabas ng bahay.

"Ang mga bata. Hayaan mo akong makita sila at mahalikan kahit ngayon lang." Pakiusap ko sa kanya nang umpisahan na niyang buksan ang gate.

"Stop the drama Quebec and get out of our lives. Hindi na mababago ng mga halik at yakap mo sa mga bata ang pagsisinungaling mo sa amin! Ako na ang bahala sa mga bata. Bumalik ka na lang sa dati mong buhay kung saan wala kang inaalalang mga anak."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now