Napangisi naman ako nang sumimangot siya at nagmamaktol na bumulong, "Ang daya ni Miss Keith."

"Okay, for our first player. Truth or dare?" tanong ng host.

Tumikhim si Gemma. "Dare!"

"For your dare, ako muna mag de-decide. The next person na hihintuan ng bola ay ikaw naman ang tatanong ng truth or dare," wika ng host. "Okay. You said dare. My dare for you is to hug someone you like."

Namula naman kaagad ang pisngi ni Gemma at napayuko. "Paano kung hindi ko gagawin?"

"You have to take the consequences. Drink three glasses of this hard drink!"

Nagulat ako nang mabilis tumagay si Gemma at tinunga ang tatlong baso ng alak. Pikit-mata niya itong inubos.

"Next player!"

The song continues and the ball dropped on Leslie. Napangisi naman ako nang tumigil sa kanya ang music. Tatayo sana si Gemma ngunit gumewang ito kaya't umupo na lang siya sa tabi ko.

"Truth or dare, Chairman?" she asked.

"Dare," he replied.

Humagikhik si Gemma. "Ano po, 'yung dare ko ay halikan mo sa noo 'yung maganda rito."

Nanlaki ang mga mata ko at bumaling kay Gemma na talagang may tama na. Of course, that's three glasses of hard drinks. Wala na sa katinuan ang sekretarya ko.

"Uhm," ani ng host. "I think that's a little bit beyond the line dare since we all know you're marrried. You have a choice, Mr. Chairman."

His jaw clenched. Nagbaba naman ako ng tingin dahil ayokong makita ang babaeng hahalikan niya sa noo. I'm hurt, okay?

Anong magagawa ko? Mahal ko pa, e.

Napasinghap ako nang may humigit sa braso ko at hinila ako patayo. The next scenes went in fast pace when a hand wrapped around my waist and his lips landed on my forehead.

Dilat na dilat ang mga mata ko habang dinadama ang labi niyang na sa noo ko. 

Rinig na rinig ko ang malakas nilang tilian ngunit ang atensiyon ko ay naka-focus kay Leslie. Ang mga tingin nitong parang kinikilatis ang buong pagkatao ko.

"Lace..." I breathed.

He smiled and kissed my nose.

Tangina, tama na...

--

"Sigurado ka po, Ms. Keith? The trip to Alegria Beach is hours away. At isa pa, may activities tayo mamaya. Baka hindi ka makasipot," wika ni Gemma.

I smiled at her. "Nakahanda na ba ang bangka? Gusto ko munang mapag-isa ngayong araw, Gemma. About attending the activies tonight, it would be my choice if I'll attend or not."

"What about the surfing?"

Bumaling ako kay Gemma. "Bakit parang pinipigilan mo ako?"

Naglikot ang mga mata nito. "H-hindi naman sa ganon, Miss Keith."

Ngumiti ako ng matamis dito. Kinuha ko ang sling bag na pinagsidlan ko ng mga importanteng bagay at nilisan ang hotel suit na tinutuluyan ko. Babalik rin naman ako mamayang gabi. Masyado lang over reacting si Gemma na parang hindi na ako babalik mamayang gabi.

Gusto ko lang ng tahimik na lugar, and I think Alegria Beach would suffice the pleasure I've been looking for.

Gusto ko munang mapag-isa. Magulo ang isip ko ngayon at mas nagulo pa dahil sa ginawa ni Leslie kagabi. Hindi ako pinatulog ng halik na 'yun kahit na sa noo lang. Damn.

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now