Chapter 5

55.7K 1.3K 111
                                    

Chapter 5

Lumabas ako ng banyo habang tinutuyo ang aking buhok. Nandito kami ni Lace sa kanyang condo. Dito kami dumiretso matapos niya akong kunin sa bar. At kanina pa ako sa loob ng banyo.

I scrubbed my body just to erase the marks of that man in my body. Umiiyak pa nga ako kanina habang naliligo at nagsasabon sa 'king sarili. Kasi paano na lang kung hindi siya dumating? B-baka tuluyan na nila akong ginahasa.

"Are you okay now?" he asked and stood.

Pilit ko itong nginitian at tumango. Hanggang ngayon pa rin ay hindi nawawala sa isip ko ang baril na hawak niya kanina. Parang nawala ang kalasingan ko nang makita ko ang baril na hawak niya.

Umupo ako sa kama habang pinupunasan ang aking buhok. "Uhm... Lace," I called him.

He walked in my direction and sat beside me. Parang otomatiko namang umatras ang pwet ko palayo sa kanya.

"What's the matter?" he asked with his knotted forehead.

Napaiwas ako ng tingin dito. "T-tungkol doon sa mga lalaking humandusay sa women's comfort room. B-binaril mo ba sila?"

Napaangat ang kilay nito. "Are you afraid of me because of that?"

Hindi ako nakapagsalita. Natigilan ako sa pagpupunas ng aking buhok at nakagat ang aking ibabang labi. Gusto kong sabihin na hindi ako natatakot, kinakabahan lang.

Nagtaka ako nang tumayo ito at naglakad sa harap ko. Halos mapaigtad ako nang lumuhod ito sa harap ko at hinawakan ang pisngi ko.

"I didn't kill them," he murmured. "Madness drived me a while ago after hearing your scream inside that fucking comfort room. I just shot their knees and shoulders."

Napalunok ako habang nakatitig sa kanyang mga mata. "B-bakit ka may dalang baril? Bakit hindi 'yun tumunog?"

Tumayo ito at inagaw sa 'kin ang tuwalya at siya mismo ang nagpupunas ng buhok ko. "I have gun with me all the time, Kitty. That one was a silencer that's why it didn't create noise."

Hindi ako nagsalita. Umupo siya sa tabi ko at pinihit ang katawan ko patalikod sa kanya. He continued drying my hair silently using his black towel.

"Thank you," mahinang bulong ko. "I-I'm sorry for acting like a bitch in front of you and were here, genuinely protecting me from that j-jerks."

Rumagasa sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Ang mga mapangahas na paghawak nila sa dibdib at hita ko. Ang paghalik ng lalaking 'yung sa leeg ko, at ang pagpunit nila sa suot kong damit. Lahat bumabalik na hindi ko mapigilan ang aking sarili na humagugol habang nakatitig sa nightstand.

Lace held my shoulders and made me face him. Agad niyang pinunasan ang luhang namalisbis sa pisngi ko habang nagtatakang tinitignan ako.

"What's wrong?" he asked.

I sniffed. "Naalala ko lang kanina. 'Yung pahawak nila sa 'kin, 'yung kung paano nila ako bastusin. L-lahat parang sirang plaka sa utak ko. H-hindi ko na alam. P-papano kung hindi ka dumating paano kung—"

Naputol ang paghi-histerikal ko nang dampian niya ng magaang halik ang labi ko. "I arrived because I don't want anyone touching my property, Kitty."

Nakatitig lang ako sa kanya. My heart suddenly felt the longing. Bigla akong nakaramdam ng pagka-miss sa hindi ko malaman kung sino. Siguro kay daddy.

"Are you fine now?"

Umiling ako at umiwas ng tingin. "P-pakiramdam ko nanatili ang mga hawak nila sa katawan ko."

I saw how is eyes darken with raw anger. "Where did they touch you?"

Napalunok ako bago sumagot, "S-sa bewang, hita malapit sa kaselanan ko, sa d-dibdib ko-"

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now