Napakamot naman ng ulo ang guard. "Pasensiya na ho ma'am, trabaho lang!"tumango naman si Kathleen."Ano hong pangalan niyo ma'am?"
"Kathleen Faye Agustin!"balewala niyang sagot.
"Sandali lang ho ma'am at papaalam ko kay boss" may tinawagan ito sa telepono, at ilang saglit pa bumalik ito."Tuloy na daw ho kayo ma'am!"
Bumaba siya ng kaniyang sasakyan, sinamahan siya nito hanggang sa loob."Hintayin niyo na lang ho ma'am.!" tumalikod ang guwardiya!Naghintay sandali si Kathleen, ilang minuto pa at nakarinig siya ng mga yabag, liningon niya iyon. Isang magandang babae ang nalingunan niya, tantiya niya ay kaedad niya ito. Napansin niya ang umbok nitong tiyan. "Marahil ito ang tinutukoy ni Kuya!Wala sa itsura nito ang maging mistress lang, sabunutan ko kaya ito at hilain palabas pero kawawa naman buntis pa!Bakit pumayag si Ate Max na dito pa tumira ang kabit na ito!"sa loob-loob niya.
"Hi!"bati nito,"You must be Kathleen!" sabi nito.Napamulagat si Kathleen, sabay taas ng kilay.
"Diyata't updated pa ang babaeng 'to!"sabi pa niya sa kaniyang sarili.
"Ehem.hmp!"tumikhim muna siya bago nagsalita dahil tila natuyo ang lalamunan niya. "Ako nga!"lumapit ito sa kaniya.
"I'm Carla!"sabay abot ng kamay nito, matagal bago siya nakipagkamay dito ngunit tinanggap niya din iyon!"Dante's fiance!" bigla niyang nabitawan ang kamay nito.Nagtaka ito.
Ngumiti siya."hehehe!gaspang kasi ng kamay ko, nakakahiya sayo!" sabi niya dito, linagay niya sa kaniyang likod ang mga kamay."Eh nasaan nga pala si Dante?saka tanong ko lang, ba't kilala mo ko?"
Ngumiti ng tipid si Carla."Nasa taas pa si Dante, kausap ang Daddy niya!Your Dante's friend, right?"tumango si Kathleen."Maxene's bestfriend and Johny's only sister too!" napamulagat na naman si Kathleen.
"Aba talagang updated ang buntis na ito!Tinalo pa si Boy Abunda!"sabi na naman niya sa kaniyang sarili.
"ah--eh, panu mo nalaman?" tanong ni Kathleen.
"Kinuwento sa akin nina Dante at Maxene!"sagot naman ni Carla.
"Kilala mo si Ate Max?"nagtatakang tanong ni Kathleen.Tumango naman itong si Carla."Eh, I thought Ate Max and Dante-----" hindi matuloy-tuloy na sabi ni Kathleen.
"Getting married?"dugtong ni Carla.At tumango si Kathleen."Gaya ng paniniwala ng kapatid mo kaya sinuntok niya si Dante.?" Napanganga na naman siya."naging magkaibigan kami ni Maxene mula ng magtrabaho siya sa restaurant nila Dante, that was 3 years ago!" napataas kilay na naman si Kathleen.
"Kami 4 years ng magbestfriend ni Ate Max, lamang pa rin ako ng isang taon at ngayong may pag-asa ng madagdagan yun!bleeh!She used to be my sister-in-law kung di lang umeksena ang fiance mo!"sabi ng utak ni Kathleen.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Carla." Kaya alam ko ang kuwento ng buhay ni Maxene, mula ng lokohin siya ng kapatid mo at magka----" naputol ang sasabihin ni Carla ng mula sa likod ay magsalita.
"Babe!" agaw-pansin ni Dante sa sasabihin ni Carla saka pasimpleng pinandilatan niya ito. Nakuha naman ni Carla ang mensaheng iyon ni Dante kay nag-peace sign siya dito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
Napatayo bigla si Kathleen pakakita kay Dante, susugurin sana niya ito at sasampalin dahil sa panlolokong ginawa nito ngunit agad siyang hinawakan ni Carla sa mga braso.Ngumiti ito ng tipid, "Look his face Kathleen, sariwa pa ang sugat na ginawa ng kapatid mo kaya huwag mo ng dagdagan, okey?" napatigil naman si Kathleen sabay wasiwas sa kaniyang braso na hawak ni Carla.
"Aba't ang tapang ng buntis ito!"sabi na naman ng maduming utak niya. Tumikhim si Dante.
"Long time no see Kathleen, how are you?"tanong ni Dante.
Tumaas ang isang kilay ni Kathleen."Aba't parang balewala lang kay Dante ang ginawa niya!" sambit na naman ng utak niya.Galit siya kay Dante,pero sa kaibigan na si Maxee, never siyang nagalit dito.Dahil hindi siya naniniwalang kayang gawin yun ni Maxene, gusto niyang marinig ang side ng kaibigan bago ito husgahan. Gusto niyang makausap si Dante ng sarilinan, para alamin ang katotohanan. Nakuha naman iyon ni Dante at Carla.
Si Carla ang unang nagsalita "Babe, I think magpiprepare lang ako ng makakain niyo!" lumapit ito kay sa lalaki at hinalikan naman ito ni Dante.
Napamulagat na naman si Kathleen. Labis na itong nagtataka sa nagaganap!
Matagal ng nakaalus si Carla pero ni isa sa kanila walang nagsasalita.
YOU ARE READING
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
Part 41
Start from the beginning
