Kitang-kita ko ang leeg niya at ang bawat paggalaw ng Adam's apple niya. Medyo brown ang buhok niya at sobrang puti niya. His skin is even fairer than mine! Shet, wala rin siyang bahid ng kahit anong blemishes sa mukha!


I like his fashion taste, too. He's wearing a navy blue coat and black pants paired with black combat boots. Shet. Artistahin ang dating din ng isang 'to. Baka model 'to?


Then I decided to take the seat beside him. He's such a bae! Ito talaga yung crush-material! Sana maging close kami omg, omg! For sure magagandahan eto sa akin pagkagising niya at magpapasalamat na magkatabi pa kami hehe.


Halos napupuno na ang room ng mga estudyante. May 5 minutes na lang before the bell rings. Baka free cut? OMG kung free cut man, sasamahan ko pa rin ang cutie na 'to dito hanggang sa magising siya! Tapos mag-uusap kami, tapos magiging close kami, and then kukunin niya ang number ko!


Cheska, you'll be married soon!


Okay, so my conscience interfered. Eh bawal bang magka-crush bago ako ikasal? As if may feelings naman kami sa isa't isa ni Sir 'di ba? We're just legally tied by a contract. Damn it.


Pasimple ko lang na tinitigan ang gwapong nilalang na natutulog sa tabi ko. Ano kayang pangalan nito? Ano kayang course niya? How old is he? I feel so excited to talk to him! Thank heavens, isang sem ko siyang makakatabi! Hihi.


The bell rang. Nagtataka na ang mga kaklase ko kung bakit wala pa ang prof. Baka kailangan pang umalalay sa kanya mula sa office niya dahil nga matanda na?


The room is starting to feel restless.


"Sana free cut."

"Oo nga, free cut na lang! I'm hungry and it's lunch time!"

"Can someone contact the department? Baka absent ang prof."

"Easy lang guys, kaka-bell pa lang oh!"

"Yup, let's just wait for another 10 minutes, di ba nasa school handbook kapag wala pa ang prof 10 minutes after the bell free cut na?"

"Ay oo nga!"


Nag-uusap ang mga nasa likod. Well, andito ako sa harapan katabi itong bae na eto kaya hindi makasali sa conversation nila. Anyway, hindi ko naman kailangang ipagsisikan ang sarili ko sa kanila. Tsk.


5 minutes after the bell and I'm getting bored.


"Ano ba 'yan, ang tagal ng prof," I said thoughtlessly. Sakto lang ang pagkakasabi ko pero hindi naman rinig ng lahat dahil nagsasalita ang lahat.


Napansin kong naalimpungatan ang gwapong katabi ko. Humikab siya at kinusot-kusot ang mata niya. Tiningnan niya ako. Humaygad! He's so handsome!


Inayos ko ang takas na buhok ko sa mukha ko at inipit sa likod ng tainga ko. "Hi, I'm Cheska, your seatmate," sabay ngiti sa kanya. Tinitigan niya ako at iginala ang paningin niya sa buong kwarto. Mabe he's adjusting from his surroundings?

My Professor is an EyesoreWhere stories live. Discover now