Chapter 1

61 40 26
                                    

So ngayon grade 6 na kami. This is my first time to go in big school, kasi yung school ko dati maliit lang siya pero marami rin naman kami, pero ngayon ang dami namin sa isang room. Hindi ko naman ata sila magiging kaclose kasi masyado silang marami at hindi naman ako maingay, baka ayaw nila sa tahimik na katulad ko.

Sana hindi nila ako mabully kasi once na mabully ako sasabihin ko na isa akong anak ng mafia, kahit hindi totoo char joke lang.

Kasama ko yung ate ko papasok kasi hindi ko pa kabisado yung school kasi malaki to. Yung ate ko alumni siya dito sa school na 'to kaya alam niya pero may kaonting pagbabago kaya hindi niya na tanda kung saan.

Iniikot namin yung school kasi maaga pa naman at hinahanap namin yung section ko. Hanggang sa nahanap namin ang nakadikit sa pader na 6-America, sabi nila eto daw yung section 1.

Dapat may service ako ngayon pero di na ginawa kasi transfer kami at first day.

Pinapasok na ako ng ate ko sa room, bigat na bigat ako sa libro ko kasi naman sobrang dami pero nag rent na kami ng locker kaya, mamaya ay magaan na to dahil magagamit ko na ang locker ko.

Nakatayo lang ako sa pinto. Bahagya akong nagulat dahil konti pa lamang sila, like isa pa lang yung nasa room, dahan-dahan akong pumasok kasi kahoy ang sahig namin at natatakot ako dahil baka masira aba wala akong pambayad sa school kung ganon. Baka singilin ako ng 5000 mahal pa naman yun.

Hindi ko kayang kitain yon. One hundred  nga lang ang baon ko araw-araw.

So nag hanap ako ng bakante kahit sobrang daming bakante. Umupo ako sa gitna. Umupo ako doon at nagulat na lamang ako kasi nakatitig sa'kin yung babae.

Ang daming pumasok sa isip ko. Bakit sa akin siya nakatingin? May problema ba sa akin?

Ate wala naman akong ginawa sayo pero bakit ka ganyan makatitig. Hindi siya kagandahan pero cute siya. Biglang may pumasok sa room namin. Nagulat ako kasi tumabi siya sa tabi ko pero wala siyang bag na dala.

Napalingon ako sa gilid at nagulat na lamang ako kasi doon talaga yung upuan niya.

Tinignan ko uli yung babae. Iniisip ko na pwede ba akong lumipat pero nahuli ako kasi sunod-sunod silang nagsidatingan. Kaya hindi na ako tumayo pa sapagkat nahihiya na 'ko. Halos lahat nag sisidatingan na. Ang nangyare is yung sa side ko puro lalaki at  nasa likod ko kaya nagpanic nako ng kaonti.

Sino bang mabait dito na tatabe sa'kin na babae. Hanggang sa dumadami na kami. Wala pa din akong katabi sa kaliwa ko. May dalawang vacant seat sa tabi ko pero walang tumatabi. Tumingin ako sa likod kasi sobrang ingay nila. Tsaka may nag pst-pst kaya napapatingin ako sa aking likuran.

Ang iingay nila pero may ibang tumahimik nung lumingon ako pero may ibang nagtatawanan. Hinayaan ko na lamang 'yon.

Hanggang sa dumating na yung teacher ko at nag-check na ng attendance, pero wala pa ring tumatabi saken, panget ba ako? Kaya ayaw nilang tumabi sa akin? Masyado bang masungut ang mukha ko? Nakataas ba kabilang kilay ko? Hindi naman.

So habang nag sisimula nag attendance biglang may sumulpot sa pinto dalawa silang babae. Pinagmasdan ko sila. Nakita ko sa mga mata nila na naghahanap sila ng upuan pero nakita nila doon sa tabi ko, meron at magkatabi pa. Kaya naglakad sila papalapit sa upuan na 'yon.

Pinanood ko silang pumunta sa upuan na katabi ko lamang.

"Hi," sabi nung babae bago siya umupo sa tabi ko. Ngumiti lang ako kasi nga feeling ko magkakaplema ako. Kasi naman kinakabahan ako.

So nag simula na yung teacher ko kasi wala naman daw absent, so sabi introduced your self daw buti na lamang hindi ako sa dulo kasi uunahin yung nasa dulo. Kaya isa-isa silang nagpakilala pero hindi ko nakabisado names nila, sa susunod ko nalang alamin.

You're My Favorite ModelWhere stories live. Discover now