CHAPTER 20: CHAOS

Start from the beginning
                                    

"Cassandra." Tawag ko sa kanya nang maghello siya sa kabilang linya.

"Hello, Quebec. Napatawag ka? Kamusta ang triplets?"

I smiled even though I'm not happy. "They're fine. I called because I need your help." Tinibayan ko ang loob ko para hindi ako maiyak sa kausap ko.

"Help? Para saan? May nangyari ba?" Nahimigan ko na parang nag-aalala na siya sa kabilang linya.

"Mom was arrested while daddy is...is in the hospital. He's now dead and I'm now on my way to the hospital to get his body and to organize his burial."

Narinig ko ang pagsinghap nito sa kabilang linya. "What hospital?! I'm coming! Wait for me." Tarantang sabi nito sa kabilang linya.

"Victory Hospital." Sagot ko at sakto naman na papasok na kami sa Victory Hospital.

"I'm coming." Pinatayan na rin niya ako ng tawag pagkatapos non.

Nang makapagparking si Oscar ay nanghihina akong lumabas ng kotse. Naiisip ko pa lang na makikita ko ang katawan ng daddy ko na wala ng buhay ay pakiramdam ko mababaliw ako. Nung mamatay si Qeena at Queenie ay nadepress talaga ako at ilang beses ko na ring pinagtangkaan ang sarili ko na sumunod sa kanila.

Qeena, Queenie and now daddy. Kami na lang ni mommy ang natitira. Talagang bang ito ang plano ng maykapal sa amin? Tapos nakakulong pa si mommy. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin.

"Quebec be strong. Nandito naman kami ni Arthur kapag kailangan mo ng tulong." Sabi ni Oscar nang makalapit siya sa akin.

Tumango ako at nagpasalamat saka humakbang na pero nanlalambot talaga ang mga tuhod ko. Gulong-gulo na rin ang pakiramdam ko. Sa pagkamanhid ko sa mga nangyari ngayong araw ay hindi na ako makaiyak pa.

Inalalayan naman ako ni Oscar hanggang sa makapasok kami sa hospital. Hindi muna agad kami pumunta sa lugar kung nasaan ang bangkay ni daddy. Hindi ako hinayaan ni Oscar dahil mukhang mahihimatay daw ako ano mang oras.

Nagpalipas muna kami ng ilang minuto bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na kunin na ang katawan ni daddy. Nakatakip na ito ng makapal na kumot habang nakahiga ng payapa sa kama. Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot sa mukha niya para malaman kung siya nga 'yon at napaiyak na lang ako nang makumpirma ko nga na daddy ko itong nasa harapan ko.

Tinakpan ko ang bibig ko para makontrol ko ang ingay ko. "Daddy." Mahina kong sambit habang pinakatitigan ko siya. Hindi magtatagal ay magiging ala-ala na lang ang mukha niya sa akin.

"Daddy. I'm sorry." Sa dami kong gustong sabihin ay 'yon na lang ang nasabi ko. Hindi ko alam na ang huling pagkikita namin ay nuong nagkaroon pa ng maliit na tensyon sa bahay dahil sa pagsetup sa akin ni mommy kay boss sa Guam.

Dahil wala naman akong ibang karamay ay pinagkasya ko na lang ang sarili ko na yakapin si Oscar. "Ganon talaga Quebec. Kapag oras na natin, oras na natin. Wala na tayong magagawa kung hindi ang ipagdasal na lang si daddy mo." Mahinang bulong nito sa akin.

Ilang minuto pa ay dumating na rin ang funeral service na kinuha ko para maasikaso si daddy. Nang mailabas si daddy ay sumunod na rin kami ni Oscar at sakto naman na papunta na sa gawi namin si Cassandra.

Niyakap ko siya agad at mas lalo akong naiyak. Sa lahat ng tao, sa kanya lang ako komportable maliban syempre kay Qeena at Queenie. "Cassandra, hindi ko na kaya." Mahina kong bulong sa kanya.

Niyakap niya lalo ako nang mas mahigpit. "Huwag kang susuko. Nandito lang ako. Saka ang mommy mo, kailangan ka pa niya. Ang triplets, isipin mo sila." Sabi niya habang panay ang haplos sa buhok ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang sumuko. Pakiramdam ko kahit anong laban ko sa buhay parang wala namang patutunguhan.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now