- - -



[Yuki... salamat naman at sinagot mo na ang tawag ko.]



Naroon pa rin ang labis na pag-aalala sa tinig ni Giselle mula sa kabilang linya ng telepono. Napangiti agad si Yuki nang marinig ang boses niya.



"Nay... may sasabihin ako."



[Hmm? Ano 'yun? Bakit parang hindi ka masaya sa gusto mong ipaalam sa akin?]



"It's about my musical..."



[Anong nangyari?]



"No... don't mind it... Nanay. Will you walk me down the aisle?"



Yuki threw herself on the bed, spreading both arms and legs, phone's in speaker mode near her ear.



[Oo naman. Kahit anong mangyari, ihahatid kita sa araw ng kasal mo. Pero...]



"Hmm? Pero?"



[Ang tita mo. Ayaw mo ba siyang makasama sa araw na 'yun?]



"Nay... I'm getting married for real. Anytime soon. Tita Thea still has to serve a year in prison."



[Ah... tama... Huh? Sandali. Anong ibig mong sabihin? Ikaw? Ikakasal na? Anytime soon... Kanino? Hindi. Paano nangyari?]




Tinakpan ni Yuki ng kaliwa niyang palad ang mukha habang tinatawanan ang reaksyon ni Giselle. Kasabay pa ang tila malungkot na pagtahol ni Aki.



"Right. I haven't told you yet. Nay... bumalik na siya. One thing led to another and..." She tittered. "Right... he hasn't given me a clear answer yet..." 



[Kaya ba parang hindi ka masaya? O baka dahil ngayong nangyayari na lahat... nabibigla ka? Nagdadalawang-isip? Pinagdududahan mo ba ang nararamdaman niya para sa'yo?]



"You know, Nanay... I had always been afraid of starting a relationship of any form," tugon ni Yuki at tuluyang nawala ang ngiti. "But my relationships with you, Tito and Tita, and Jamie. They only became possible because I found courage."



[At ngayon? Nagsisimula na kayo ni Aciel. Ano naman ngayon ang ikinatatakot mo?]



"I feel like I know where this is leading. And right now, I'm most afraid of that. No... I feel... sad."



- - -



"Aciel..." bulong ni Hanz sa sarili habang ipinapara ang kotse sa tabi ng kay Aciel.



Tama siya sa kung saan mahahanap ang anak. Tanaw niya si Aciel mula sa kalayuan, nakaluhod sa harap ng puntod ng ina. Matapos makababa ng kotse, tinakbo niya ang natitirang distansya papunta kay Aciel. Doon, sinamahan niya itong lumuhod.



"Can't we just reopen the case?" agad na tanong ni Aciel. "Hindi ko pa rin talaga matanggap."



"Para saan? Para masaktan ka na naman kung hindi mo mahanap kung sinuman ang gusto mong makita? Kung sa loob ng limang taon, wala kang napala, ibig-sabihin lang no'n, wala ka naman talagang dapat hanapin."



"The incident that happened in the old company five years ago. Hindi sana siya namatay kung may tumulong lang sa kaniya agad. You saw it, too. How people ran for their lives and left her there. They must take responsibility for her death!"

See You Tomorrow, Yuki (Love Series 1)Where stories live. Discover now