Kaagad niya itong dinaluhan. "Luhence!"

Napatingin si Rhea sa paligid at nakitang si Adam naman ang nahimatay. Kaagad na tumayo si Rhea. "Sha---" Ang dalaga naman ngayon ang nahimatay. Hindi na nito natawag ang matalik na kaibigan upang humingi ng tulong.

Sa kabilang banda, sabay na napalingon sina Angela, Shawn at Alyson sa may parte ng backyard.

Napakunot-noo si Shawn nang mapansin na tahimik ang likod-bahay.

"Titingnan ko lang sila." Paalam nito sa dalawang babae.

Mas lalong napakunot-noo si Shawn nang paglabas sa backdoor, wala siyang nakitang tao roon. Kaagad na umusbong ang kutob ng binata. Pabalik na siya sa loob, paatras ang gamit niyang paglakad habang nakatingin pa rin sa backyard.

*bogshhh*

Hindi naiwasan ni Shawn ang suntok na nagmula sa lalaking nagtago pala kanina sa gilid. Kaagad na yumuko ang binata nang mapansin na umatake ang kalaban. Kaagad niyang binigyan ng suntok sa may tiyan ang lalaking nakaitim ngunit parang wala 'yong epekto sa huli dahil umatake na naman ito. Malakas ang lalaki, mabilis ang kilos at mapapansin na sanay na ito sa pakikipaglaban.

Nang makita ni Shawn na napaatras ang lalaki sa sipang ibinigay niya sa tiyan nito, kinuha na ni Shawn ang pagkakataon na iyon para bigyang muli ng tadyak ang lalaki, sa tiyan pa rin at kaagad na ikinulong ang leeg nito sa mga braso niya.

"Anong pakay mo." Seryosong tanong ng binata rito.

Ngumisi lang ang lalaking nakaitim kasabay niyon ang pagbigay nito ng isang malakas na siko sa tiyan ni Shawn na naging dahilan para mapaatras ang huli. Napahawak sa tiyan si Shawn, pero hindi iyon naging dahilan para hindi niya mabigyan ng malakas na sipa ang lalaki at parang hanging napunta nalang sa likod nito. Sisikuhin na sana ni Shawn ang spine ng lalaki nang may maramdaman siya sa leeg niya. Napahawak siya roon kasabay niyon ang pagkahimatay ni Shawn.

Samantala, nagtataka na sina Alyson at Angela nang mapansin na hindi na bumalik si Shawn.

"Nautusan na naman ba ni Rhea?" Biro ni Alyson.

Napanguso ang dalaga nang makitang hindi manlang tumawa si Angela. Bagkus, lumabas ito para tingnan ang mga kasama. Nakangusong sumunod ang dalaga.

Gulat ang sumalubong sa dalawa nang makitang wala ng tao roon.

"Dapa!" Sigaw ni Angela nang mapansin ang lalaking nagtatago sa puno.

Napatingin si Angela sa gilid niya at nakitang bumagsak si Alyson doon na hindi nakadapa kaagad matapos siyang sumigaw kanina. Kaagad niyang nilapitan ang katawan ni Alyson.

"Tsk!"

Tiningnan ng dalaga ang lalaki sa may puno pero wala na ito roon. Papatayo na si Angela para sana sundan ang lalaki na tumatakas na nang makaramdam siya ng presensiya mula sa likuran. Kaagad na humiga patihaya ang dalaga at isinipa ang paa sa lalaking nasa likuran niya kanina. Papa-atake na ito sa kanya, mabuti nalang at naramdaman niya ang presensiya nito sa likuran niya.

Matapos masipa ang lalaki, sunod nitong pinuntirya ang paa nito dahilan para madapa ang lalaki. Papalapit na si Angela para sana sakalin ang lalaki nang maramdaman ang bagay sa may leeg niya, kasabay niyon ang unti-unting pagkawala ng malay-tao ng dalaga.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now