"Ah Lola," putol ni Janelle,"Dati po ba walang mga kabahayan diyan sa bukana? Eh ano po ang pangalan ng Baryo ninyo?,"

"Tama ka, apo," ani ni Lola,"Walang kabahayan diyan sa bungad, puro damuhan at mapuno diyan sa bungad, hanggang isang araw may nagtayo ng isang kubi, tapos pagkalipas ng isang araw naging dalawa, tatlo hanggang sa dumami na sila sa loob lamang ng isang taon," paliwanag nito,"Baryo Mapayapa ang tawag sa amin, pero simula ng dumating sila at nagkaroon na ng mga huni ng tiktik, kaya tinawag na iyong baryo naman na Baryo Tiktikan, simula noon ay iniwasan na kami ng lahat," sabay inom ng tubig

"Kaya po pala," napatango sila

"Kumain na kayo para makapagpahinga na din tayo," ani nito sa kanila

Kaya binilisan na nila ang pagkain ng hapunan

Ilang sandali pa ay tumulong na sila sa pagliligpit, pero si Yuri na ang naghugas habang silang dalawa ay sinamahan naman sa dalawang silid para makapagpahinga na din

**********

Nang matapos makapag linis sa kusina at mailigpit ang mga pinagkainan ay sinundan niya ang dalawa sa isang silid

Pero nakita naman niya na nakatulog na ang mga iyon kaya napapailing nalang sila

Nagpasya nalang siya na pumunta sa maliit na sala at naupo s aisang upuan na yari sa narra

"Hindi ka ba magpapahinga, apo?," tanong naman ni Lola Luciana,"Hindi ka ba makatulog?,"

"Ikaw pala, Lola," ani niya,"Hindi po eh, baka namamahay lang po ako,"

Naupo naman sa harapan niya si Lola Luciana na naupo din sa solohang upuan

"May kakayahan ka, apo," ani nito sa kanya,"Mana ka sa iyong Lola na magaling na manggaggamot, kagaya ng apo ko na katulad mo din na kakaiba, pero dahil sa mga tiktik ay namatay siya, dahil sa kaibigan niya na isa din pala sa mga tiktik,"

Hindi siya nakakibo dahil sa nadinig niya, alam niya na malungkot ang matanda

"Inalay at kinain siya," sabi nito,"Nakita nalang namin na patay na siya kinabukasan,"

"Lola," ani niya sabay yakap doon sa matanda na umiiyak, inalo niya ito at hinagod ang likod

Ilang sandali pa sila sa ganoong posisyon bago na naghiwalay a nagkatawanan

Nahulog ang loob ni Yuri sa matanda dahil kagaya din nito ang kanyang Lola Maria na mapagmahal na Lola sa kanyang apo at maalalahanin

"Samahan mo ako sa aking silid, apo," ani nito,"May ipapakita ako sayo at may ibibigay ako sayo,"

Napatango nalang siya sa matanda bago sumunod ang sa matanda na papasok sa loob ng silid nito

Nang makapasok siya doon ay nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam, para siyang nakalutang at napakapayapa ng kanyang pakiramdam kagaya mg silid ng kanyang Lola Maria

Napapikit pa siya sa bango na kanyang nasamyo na galing sa may altar nito

"Isa iyang banal na langis o lana," ani ng matanda,"Heto kunin mo," sabay abot ng isang bote na isang dangkal ang laki,"Isang banal na lana iyan,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora