**********oo**********"Tatawid tayo diyan?," may takot at pagaalala sa boses ni Aira
Sabay turo sa tulay na yari lamang sa mga lubid at ang babagsakan nila ay batuhan sa ibaba
"Nakakatakot," ani ni Nena sabay silip sa gilid ng bangin
Nakita nila na napakataas ng huhulugan nila kapag nadulas sila sa lubid na kanilang dadaanan
Isang mahabang lubid ang nasa gitna na siyang lalalaran nila at ang dalawang mahabang lubid na nagsisilbing hawakan nila
May mga maliliit naman na lubid na nakakabit sa hawakan at daanan nila pero hiwa hiwalay ang mga iyon
Sa baba naman ay batuhan, na dati iyomg ilog na natuyo sa pagdaan ng panahon at dahil sa madalang ang ulan na dumarating sa Baryo Tiktikan
Napaantada naman si Sister Janelle na napatingin sa pinaka babang bahagi ng tulay
"Diyos ko, kayo na po ang bahala sa mga kaluluwa po namin," dasal nitong nakapikit pa
"Tatawid ba tayo o hindi?," tanong ni Yuri sa kanila, hindi pa din sila nakakapag usap ng maayos ni Khael simula ng makita nito ang ayos niya,"Mag aalas kwatro na ng hapon, gagabihin tayo at mahirap maghanap ng matutuluyan,"
Nagkatinginan lang silang lahat dahil sa seryosong sabi nito sa mga kasama, nagkatinginan pa sila ni Khael bago siya tumalikod at nagsimula ng lumapit sa tulay
"Ako na ang mauuna," ani niya at nag umpisa ng humakbang ng dahan dahan sa tulay
Nagkayakapan naman ang mga magkakaibigan at kinakabahan sa maaaring mangyari kay Yuri
"Wala ng ibang daan kundi ito lang," pahabol nito bago sila nilingon at nginitian
Nasa kalagitnaan na si Yuri ng umihip ang malakas na hangin, napanganga sila ng muntikan na iyong mahulog dahil sa pag-uga ng tulay na lubid
"Yuri/Leigh!!," kuro ng pito ng makita iyon, kinabahan sila ng makitang umuga ng umuga ang tulay kaya nakaramdam sila ng takot para sa kaligtasan nito
"Sumunod na kayo kahit paisa isa lang," sigaw nito bgo ipinagpatuloy ang paglalakad ng dahan dahan patawid doon sa kabilang Baryo
Ilang sandali pa ay nakatawid ng ligtas si Yuri sa kabila
"Tara na!," kaway at sigaw nito sa pito na nasa kabilang Baryo
Nagkatinginan ulet silang pito bago naglakad si Bryan patawid sa tulay, napadasal muna ito bago nag umpisang maglakad
Humihiyaw pa si Bryan kapag hahangin at napapaupo sa kinatatayuan habang dinuduyan ng hangin ang tulay
Kinakabahan naman itong tinitignan ng mga naiwan sa kabila
"Kaya mo yan, Bryan!," sigaw ni Yuri na nakangiti habang pumapalakpak dahil sa katuwaan sa nakikitang pamumutla nito
Ilang sandali pa ay nakatawid din ito at napaupo sa lupa habang natatawa nalang sa sarili
Sumunod na din ang ilan sa kanila, ang ilan ay muntikan pang mahulog dahil dumulas ang suot na sapatos sa lubid kasabay ng paghangin at pagduyan ng hangin sa tulay
YOU ARE READING
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...