Chapter 21

676 48 4
                                    


**********oo**********

Matapos makasakay ng sasakyan papunta sa lugar na kanilang pupuntahan ay tahimik na silang bumiyahe

Magkatabi silang dalawa ni Khael dahil nagkanya kanya ng puwesto ang anim nilang kasama

Magkakatabi sina Sister Janelle at Nena na nasa unahan nila, nasa likuran nila ang dalawang binata at nasa bandang kanan nila ang dalawa pa nilang kasama

Panay ang tukso sa kanilang dalawa na hinahayaan nalang nila

Nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Khael habang nakahawak o nakaakbay sa balikat niya ito

"Idlip kana muna," bulong nito sa kanya na hinahalikan ang kanyang ulo at buhok

"Hindi naman ako inaantok," sagot niya na pinaglalaruan ang isang kamay nito na nakahawak sa kamay niya

"Ang daming langgam," pang aasar naman ni Kevin

"Sana lahat may kaakbay," dagdad pa ni Bryan na ikinatawa nilang lahat,"Kakainggit kayo,"

"Aira, tabi tayo," ani ni Kevin

"Mukha mo," tugon nito kaya inasar lang sila ng dalawa na nasa harapan nila

Natigil lang ang pag iingay nila ng may mga sumakay na naka pang Madre at naka pang Pari ang mga suot, kaya nagkatinginan sila

Dahil kakaiba ang mga kasuotan ng mga iyon, nadinig nila ang sinabi ng isang Madre sa konduktor ng bus

Dahil nasa unahan lang nila ang mga iyon nakaupo, ang sinabing bababaan nila ay doon din baba ang mga iyon

Dalawang Pari ang kasama ng apat na Madre

Mga sinaunang ksuotan iyon ng mga Madre at Pari kaya alam nila na sa Baryo Banal pupunta ang mga iyon kagaya nila

Nagsenyasan sila sapamamagitan ng kanilang mga paningin, bago pa makakilos sina Aira at Trina na nasa kanan nila ay nauna ng tumayo sina Kevin na nasa likuran lang nila nakaupo

Doon sila umupo sa likuran ng dalawang Madre, nasa kanan naman ang dalawang Pari

Nasa unahan naman ng mga iyon ang dalawang Madre na medyo bata pa sa apat na kasama

"Ilang araw tayo sa Baryo Banal?," mahinang tanong ng isang Madre

Nagtulog tulugan naman ang dalawa para hindi sila mahalata na nakikinig sa mga iyon

"Hanggang sa malaman natin kung ano ang nangyayari sa mga taong nakatira doon," tugon ng katabi

"Nakakatakot magtagal doon, Sister," ani pa ng isang Madre na nasa unahan ng mga iyon

"Halos pinapatay nila ang mga nagkakasala at isang Pari pa ang nagpapatupad ng batas na iyon," dagdag pa ng katabi ng Madre

Nagkatinginan naman ang apat sa sinabi ng dalawang batang Madre

"Kailangan natin malaman kung paano at bakit ganoon ang batas na ipinatutupad nila," ani ng Pari

"Saka na tayo mag usap kapag nasa simbahan na tayo," saway pa ng isang Pari kaya nanahimik na silang apat sa pagku kwentuhan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon