Chapter 49

616 58 2
                                    

**********oo**********

Baryo Dagit, Alas dose ng Tanghali

Nagising si Yuri na sapo ang ulo at halos pakiramdam niya ay hinanghina siya at pagod na pagod

Napaupo siya sa hinihigaan at napasapo ang ulo ng makaramdam ng pagkahilo

Naalala pala niya na ginamit niya ang isa sa mga matinding orasyon na ipinagbabawal gamitin

Pero sinubukan niya para pang mapatay ang ilang mga aswang na halos umubos ng kanilang lakas

Nahihirapan silang labanan ang mga iyon dahil sa nakakalipad ang mga iyon at mabibilis

Napatingin siya sa tutang umakyat sa kanyang mga bisig, kaya napangiti nalang siya

Nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala na iyon ang araw ng kabilugan at pagpula ng buwan

At mamayang madaling araw ang pamumukadkad ng bulaklak ng punong Arguas, kaya napatayo siya para hanapin ang mga kaibigan para yayain ng makaalis ngayon habang may araw pa

Naabutan niyang nasa sala ang mga iyon at nakikipagkwentuhan sa mga kapamilya ni Manuel

"Yuri!," gulat na sambit ni Nena ng makita siyang nagmamadaling bumaba ng hagdan

Napatingin naman ang lahat sa kanya ng madinig ang sinabi ni Nena, napatayo kaagad

"Kailangan na natin umalis," yaya niya ng makalapit sa mga iyon,"Maghanda na kayo,"

"Teka, teka," awat ni Kevin,"Relaks ka lang okey?," awat nito sa kanya,"Aalis tayo pagkatapos ng pananghalian, kamusta kana? Alam mo bang dalawang araw kang walang malay?,"

Nanlaki pang lalo ang mga mata niya sa nadinig

"Oo," sabi pa ni Sister Janelle,"Dahil sa ginamit mong orasyon, kaya pakiusap lang Leigh, wag na wag muna iyon gagamitin,"

"Depende," tugon niya,"Gagamitin ko lang kapag sa oras na ng kagipitan,"

"Apo," ani ng matanda,"Hindi pa kakayanin ng katawan mo kung uulitin mo iyon o kung gagamit kapa ng mas malakas na orasyon, mahina pa ang katawan mo lalo pa at ito yata ang kauna unahang pagkakataon na ginamit mo iyon,"

"Opo, Lola," tugon niya,"Unang pagkakataon ko lang po ginamit,"

"Mag iingat ka sa pag gamit at pagpili ng orasyon o dasal na alam mong gagamit ng lakas ng katawan at isipan mo,"

"Opo, Lola," tugon ulet niya,"Maraming salamat po sa pagpapaalala,"

Tumango lang ito sa kanila

"Kumain na tayo para makaalis na kayo ng maaga," yaya nito sa kanila bago nagpatiuna sa pagpunta sa kusina, kung saan nakahain na ang kanilang pananghalian

**********

Alas tres ng Hapon

"Mag iingat kayo sa inyong pupuntahan at daraanan," paalala ng matanda sa kanila

"Bumalik kayo dito ha?," paalala pa ni Lucy,"Hihintayin ko kayo,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now