Chapter 43

55.4K 1.3K 350
                                    

"Pero Trigger, sige na, gusto ko rin kasing kasama sila mommy at daddy," Miracle insisted while using her calm voice.

Kanina niya pa pinipilit ang asawa na isama ang mga magulang niya sa bakasyon, pero patuloy pa rin ang pagtanggi nito.

"Baby, they have a lot of works to do and they won't make it. I'm sure they want to be with you also but their schedule is tight," palusot nito.

She just pouted her lips. Pero sa loob loob niya ay alam naman niyang nagpapalusot lang ang asawa.

"Ako na lang ang k-kakausap sa kanila, baka pumayag sila," she said.

Trigger sighed as he sat beside her. Maingat na hinaplos ng lalaki ang buhok niya at ngumiti. "Gusto mo ba talagang isama sila?"

Miracle immediately nodded her head.

"Okay." Hinalikan siya nito sa noo at ngumiti. "I'll do my best to convince them. What my baby wants, my baby gets."

Her cheeks blushed with what he said. Natatawa niya pang pinalo ang dibdib ng asawa at yumakap dito.

"Thank you! I promise that we'll enjoy our vacation. Hindi na ako magpapasaway sa 'yo," saad niya.

"Kailan ka ba naging pasaway sa akin?" natatawa nitong tanong habang hinahaplos ang pisngi niya.

"Sa Cebu, pinilit kitang pumunta roon. Tapos pinilit pa kitang kumain ng kung anu-ano, hindi ko alam na may allergy ka pala," pagkukuwento niya.

Her husband just shook his head before letting out a laugh. "My allergy attack has nothing to do with you, baby. Stop blaming yourself about it. And I overcome my fear at Cebu because of you."

She smiled sweetly.

"Okay! Sige na, puntahan mo na 'yung kapatid mo. Magpapahatid na lang ako kay manong Cesar papunta kila Shanelle."

"You always want to see Shanelle. I'm starting to get jealous, baby."

Mahina niyang pinalo ang dibdib ng lalaki.

"Sabi kasi ni Shanelle ipapakita niya sa akin 'yung mga pictures namin dati. Hindi naman siya makaalis sa bahay nila kasi nandoon nga 'yung mga anak niya. Kaya ako na lang ang pupunta," she said excitedly. Pinisil niya pa nang bahagya ang pisngi ng asawa. "And don't get jealous over Shanelle, she's my friend and she's a woman. Ikaw ang asawa ko, 'diba?"

Parang bata na tumango ang lalaki bago ito sumuksok sa leeg niya. "I love you."

She hugged his body with the same felocity. "I love you too."

Humalik muli si Trigger sa pisngi niya bago ito tumayo sa kinauupuan.

"I'll go now, baby. Dagger is waiting for me already, baka mamaya barilin na ako no'n sa pagkainip. Just text me later, ako na ang susundo sa 'yo."

Mabilis siyang tumango sa asawa at humalik din sa pisngi nito. "Take care! Magbibihis na ako sa kwarto. Ingat ka."

Nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kwarto matapos magpaalam sa lalaki. When she sat down on the bed, she quickly took out her phone to call Dra. Haley.

"Hey."

"What's the matter?"

"I've already talked to Trigger. Sasama sila Olivia at Benedict sa bakasyon namin. You can make your move while we're away. Do everything to find those files regarding the case I said. Ako na ang bahala sa iba," she answered.

"Got it. Kami na ang bahala sa lahat."

"Take care, Haley. I can't wait to get out from this house also kaya minamadali ko na ang lahat."

"I know, Miracle. You can finally rest after our plans."

"Yeah. I'll hang up now."

Binaba niya ang tawag matapos sabihin 'yon. Dumiretsyo na siya agad sa walk-in-closet para magpalit ng damit. She almost forgot that she needs to meet Shanelle, baka mamaya ay magtaka ang asawa niya kapag wala siya roon.

Trigger bit his lower lip when he realized that he forgot the car key in their bedroom. Kaagad siyang pumasok sa bahay habang inaayos ang kwelyo. Ayaw niyang istorbohin ang asawa kaya dahan dahan lang ang pag-akyat niya sa hagdan.

He was about to enter the room when he heard his wife talking over the phone. Saglit siyang tumigil sa harapan ng pintuan para makinig dito.

He immediately heard Miracle's cold voice. "I've already talked to Trigger. Sasama sila Olivia at Benedict sa bakasyon namin. You can make your move while we're away. Do everything to find those files regarding the case I said. Ako na ang bahala sa iba."

Sumandal siya sa pader upang mas marinig pa ang mga sasabihin nito.

"Take care, Haley. I can't wait to get out from this house also kaya minamadali ko na ang lahat."

"Yeah. I'll hang up now."

His eyes wandered around as silence took over. Mariin niyang pinikit ang mga mata bago pumasok sa loob ng kwarto at nagmamadaling kinuha ng susi ng kotse.

Hindi na siya nagpakita pa sa asawa niya dahil baka magulat pa ito. Dire-diretsyo lang siyang lumabas at sumakay sa sasakyan.

His heart is still beating abnormaly, because of pain. The same feeling he felt over the past five years.

Nang makalayo sa mansyon ay mabilis niyang tinabig ang manibela at pumarada sa gilid ng kalsada. He held his chest while clenching his fists.

He knew.

Since the very start.

But he's still hoping.

Alam niyang nagpapanggap lang ang asawa niya simula pa noong una pero umaasa pa rin siya na magbabago ang lahat.

He can clearly recall that exact day when Shanelle visited her wife right after Miracle came back.

Trigger stood up to greet Shanelle. Bumati naman ito pabalik sa kaniya bago lumapit sa asawa niya.

"Hi, Shanelle!" masayang bati ni Miracle rito.

"Hello! Ako muna ang kakuwentuhan mo ngayon, ha? Aalis kasi 'yang asawa mo, eh sakto namang kasama rin si Eric," sagot ng babae.

"Paano 'yung mga anak mo? Sinong mag-aalaga sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Miracle. Shanelle immediately shook her head.

"Sila mama at papa ang mag-aalaga sa kanila. 'Saka huwag kang mag-alala, malalaki na naman 'yung mga anakis ko," natatawang sagot nito.

Trigger stared at his wife deeply who's smiling sweetly. Nang makitang lumingon ito sa kaniya ay agad niya itong nginitian.

He never mentioned anything about Shanelle's life. He warned Shanelle not to talk about her family and kids. Kaya alam niyang walang ibang puwedeng magsabi sa asawa niya na may mga anak na ang kaibigan nito.

That day, his mind just went blank. Hindi niya alam kung anong dapat isipin at intindihin.

He's doubting his thoughts but he finally confirmed everything when Miracle insisted to go to Cebu, when he heard her talking to Doctora Haley over the phone as she thought that he's not around, when she planned to trigger his allergies.

He knew everything

But he still did his best to give the perfect vacation for her even if he's suffering from the inside.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon