Chapter 42

57.8K 1.1K 136
                                    

"Bakit ba kasi pinag-iinitan mo ang mga tauhan mo?" Miracle asked her husband while carefully preparing the dishes she brought.

Mabilis na umiling ang lalaki at hinalikan pa siya sa noo. "Sit down baby, I'll do that."

She hit his chest with her elbow. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko, Trigger. Ano ba kasing problema ng kompanya ngayon?"

Mahinang napabuntong hininga ang asawa.

"It's not that fatal. You don't have to worry about it anymore, baby."

Wala nang nagawa si Miracle kung 'di ang tumango na lang. Kilala naman niya ang asawa niya, kapag ayaw nitong pag-usapan ang isang bagay, hindi na dapat ipilit.

She just smiled a little after preparing the dishes she cooked for him. "Umupo ka na nga diyan, kumain ka muna. Pagkaalis mo kasi sa bahay hindi ka man lang nag-breakfast."

He let out a chuckle as he sat down on his swivel chair. Hinila ni Trigger ang upuan para itabi sa upuan nito.

"Sit beside me, baby. Subuan mo ako," parang bata na saad nito.

Miracle flashed a sweet smile before shaking her head a little. Hindi na siya umapila pa, she just sat down beside her husband who's smiling at her.

"Oo na, isip bata ka talaga. Samantalang kanina para kang papatay sa galit. Umayos ka nga ng upo!" Pinalo niya pa ang hita nito.

Trigger let out a laugh with that. "Ito na po, aayos na."

Wala sa sariling napangiti si Miracle habang sinusubuan ang lalaki. Ganadong-ganado ito sa pagkain.

"By the way, I'm planning to take you to a vacation next week. Somewhere in Pampanga. I think it would be a good idea also if we'll invite Enica and Shanelle. What do you think, baby?" malambing nitong tanong.

Binaba ng babae ang kutsarang may lamang pagkain bago excited na tumango.

"Okay, sasama ako. Basta kasama ka rin," she said.

Ginulo ni Trigger nang bahagya ang buhok niya atsaka siya hinalikan sa noo. Pagkatapos ay isang tunog mula sa cellphone ng lalaki ang narinig nila.

"My dad's calling," she said.

Tumingin muna sa kaniya ang asawa bago nito sagutin ang tawag at i-loud speaker.

"Why?" bungad na tanong ni Trigger sa malamig na boses.

Miracle can't help but to stare at her husband, confused. She's wondering why Trigger acts like this whenever her parents are around. Ito pa nga ang magkakakampi dati sa pang-aapi sa kaniya, pero ngayon, parang iba ang pakikitungo ng lalaki sa mga ito.

"Ijo, kailangan ko ng tulong mo. All of the investors in our company suddenly pulled out their investments without any reasons!"

Naningkit ang mga mata ni Miracle sa narinig.

"What kind of help you exactly need?" may bahid pa rin ng galit sa boses ng lalaki nang sumagot ito.

"I want you to convince those people to invest again! Kung hindi ay mawawalan kami ng kompanya ni Olivia. And I'm sure that Miracle would go crazy if she found out about this. Gusto mo bang lumala nag isipin ng asawa mo?"

Hindi napigilang umawang ang mga labi ni Miracle sa narinig. Hindi talaga siya nagkakamali. Kaya naging mabait ang mga ito sa kaniya ay dahil lang sa pagpapakitang tao, at balak pa siyang gamitin.

She looked at Trigger who's clenching his fist in anger. Dahan dahan niyang hinaplos ang kamao ng asawa bago tumayo sa kinauupuan.

"CR lang ako," she mouthed.

Hindi na niya ito hinintay pang sumagot, dire-diretsyo lang siyang pumasok sa banyo sa loob ng opisina ng lalaki.

Nang masigurong naka-lock ang pintuan ay mabilis siyang napangiti sa harap ng salamin. She didn't expect that those investors are easy to get.

Nilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan ang doktora. When the other line answered the call, she immediately lessen the volume of her voice.

"Mission accomplished. My parents' business is now in chaotic situation." Tumawa pa siya matapos sabihin 'yon.

"I'm glad that it worked. Kinausap ko na rin si Aldrei tungkol doon and he said that those people would invest in your company instead. How perfect," sagot ni Dra. Haley.

Miracle flashed an evil smirk. "I told you to trust my plans. Sabi ko naman sa 'yo ay paonti-onti mong makikitang bumabagsak ang mga tarantadong tao na sumira sa buhay ko."

"You're a very clever woman. Kaya nga humahanga ako sa 'yo. You just came back in their life three weeks ago but your plans are upgrading."

Nawala ang mga ngiti sa labi ni Miracle. "Three weeks?"

"Yeah. You've been there for three weeks. You lost count already?"

Napailing siya. "No."

"By the way. How's the progress between you and Trigger? May naiisip ka na bang plano ulit para sa kaniya?" Mas lalo siyang natahimik sa tanong ng doktora.

She shut her eyes before answering. "Wala pa. Wala pa sa n-ngayon. But I'll surely find a perfect way to execute my plans against him. I'll just stay here for another two weeks before we proceed to the original plan. I assure you. I'll m-make Trigger suffer also."

"Nauutal ka, Miracle. Is there something wrong with what I asked? Baka naman mamaya wala ka na palang pinaplano laban sa asawa mo at nakatuon na lang ang atensyon mo sa mga magulang mo? Remember? It was Trigger who hurt you the most. Don't fall in love with him again."

Mabilis na binaba ni Miracle ang tawag. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nairita nang mapag-usapan nila ang asawa niya.

She faced the mirror again before composing herself. Nang matapos ay mabilis na siyang lumabas sa banyo at naabutan ang asawa na nililigpit ang mga pinagkainan nila.

She smiled sweetly when Trigger flashed a smile at her direction.

Nang makalapit ay hinila ng asawa niya ang baywang niya at hinalikan siya sa labi. "I'll tour you around the company, baby. Let's go."

Nginitian niya ulit ito habang patuloy pa rin sa pag-iisip sa sinabi ng doktora kanina.

Miracle stared at Trigger's face. Hindi niya maiwasan ang kabahan sa sariling nararamdaman.

Alam niyang may iba sa tibok ng puso niya tuwing makakalapit niya ang asawa. But she knows that she's just confused. Baka nalilito lang siya kaya nararamdaman niya 'yon.

Bumuntong hininga siya bago tumingin sa kawalan.

Two more weeks. Just two more weeks, Trigger.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon