"Eto naman galit agad"

"Palibhasa kasi,matalino ka na. Hindi mo na kailangan pang mag-aral ulit katulad ko" inis kong sabi habang naglalakad palabas. Maya-maya ay kinuha nya sakin ang bitbit kong maliit na case  na nilalagyan ko ng mga reviewers at requirements para sa clearance.

"Ako na"ngiting aniya. Inirapan ko nalang sya. Mayamaya pa ay nakarating na kami sa waiting shed.

"Mayumi"

Hindi ko sya sinagot. Iniisip ko parin kung paano ko ba mairaraos yung huling exam! Sana mataas grade ko!

I fliched a little when he grabbed my hand. Wow! English! Yan nagagawa ng nag-aaral!

"A-ano nanaman!?" para kasing timang 'tong si Bansot! Tingnan mo naman ang ngiti. Para nang si joker!

"Pakilala kita sa parents ko" nagulantang ako sa sinabi nya! A-ano daw?!

Mabilis kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya. "P-pinagsasabi mo!"

Lalo pa syang napangiti ng malawak! "Kung ano man yang iniisip mo, wag mo nang gawin!"

"I already told them" ngiting aniya. Naistatwa naman ako sa sinabi nya. "And gusto nilang makilala ka." biglang nawala ang kaluluwa ko. Ba-bye Bansot. Alis muna ako sa earth.

"Mayumi? Mayumi! Tara na" hindi ko namalayang nahila na nya ako papuntang jeep. Bigla kaming huminto. " Ma-ma, sandali lang po"

Tumingin sya sakin. "Sakay na"

Kahit papaano nawala ang kaba ko. Napalitan ng kilig, enebe! Hahaha! Naalala nya siguro yung nangyari last time na sumakay kami nang jeep!

"Bakit ngayon pa! Kasagsagan pa naman ng pag-rereview ko! Tapos hindi mo pa sinabi sakin! Leche ka talaga!"sa inis ko hinampas ko sya sa braso nya. Tawa lang sya ng tawa samantalang ako,kinakabahan!

"It's okay. Kasama mo naman ako. And also, tutulungan kitang mag-review. Saka, yes. Gusto ka nilang makilala. Pero hindi ko akalaing ngayon. I was thinking na, doon ka nalang sa bahay mag-review tapos opportunity na yun para makilala ka nila"

Pusa. Lalo akong kinabahan.

Hinawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya "Sabi nang nandito ako eh"

"Paano pag di nila ako magustuhan?" nakanguso kong tanong.

"Nagpapa-cute ka ba, ha?" nakangiting aniya. Imbis na kiligin napasabunot ako sa isip ko. "Hindi 'to tamang oras para sa landian Bansot! Saka kailan ka pa na-kyutan kapag ngumunguso ako? Lagi mo nga akong sinasabihang Titan o kaya ang pangit ko!"

Natawa naman sya na ikinainis ko. "Hindi ah"

"Ano?"inis kong sabi.

"I always find it..cute" nakangising aniya habang nakatingin sakin. Nag-init naman ang mukha ko. Agad kong ibinaling sa labas ang paningin ko.

"And alam kong magugustuhan ka nila" dagdag pa nya kaya naman napalingon ako sa kanya.  "Paano mo nasabi?"

"Kasi mahal kita, enough na yun"natigilan ako sa sinabi nya. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Ayoko nang makipag-usap sa kanya. Nagwawala nanaman ang puso ko. Baka mamaya atakihin ako dito, wag naman sana.


"Oh, Mayumi! Magpa-part time ka?"

"Sirboss!"nakangiting kaway ko ng makalapit sa kanya. Kasalukuyang inaayos ni Sirboss ang motor nila.

"Pa," agad nagmano si Bansot. Napangiti naman ako. Napakagalang naman. Agad din akong lumapit kay Sirboss.
"Sir" saka ako nagmano.

"Good afternoon po" dagdag ko pa nang nakangiti. "Ano ka ba, Papa nalang din itawag mo sakin"

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now