Chapter 11: Reminice

797 30 1
                                    

Chapter 11: Remince
Pretzel's POV

Nang magising ako sobrang sakit na ulo ko. Nakita kong pumasok si Mama, may dala dala syang planggana at pamunas.

"Oh, anak. Gising ka na pala. Kamusta na pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong sa akin ni mama.

"Ayos na ako ma, medyo mabigat lang po yung pakiramdam ko." Sagot ko habang sapo sapo ko yung noo ko.

"Ganun ba. Halika punasan muna kita para gumaan ang pakiramdam mo. Nilagnat ka magdamag pagkatapos mo himatayin." Sabi sakin ni mama at inumpisahan na akong punasan. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Anak pagpasensyahan mo na ako. Sa sobrang takot ko na mawala ka sakin gumawa ako ng bagay na alam kong makakasakit sa inyo."

"Ayos lang ma. Wag lang mag alala gagawin ko po ang lahat para maitama ang lahat ng ito. Kaya natin to ma, malalagpasan natin to." Sabi ko kay mama. Ngumiti lang sya tapos niyakap ako.

"Nagpapasalamat ako sa Dyos at nagkaroon ako ng anak na tulad mo." Emosyonal na sabi sakin ni mama. Humiwalay ako ng yakap kay mama at ngumiti.

"Tama ma. Kaya natin to. I love you ma." Sagot ko kay mama, pinahiga nya ulit ako at unti unti nakatulog.

- -

Kinabukasan

Papasok ako ng makita kong may nagkakagulo. Tinignan ko kung ano meron, nakita kong nag aaway yung dalawang babae. T-teka. Si Treshelle yun at Honey aa?

Sumiksik ako sa mga nanonood sa gulo nila, pumagitna ako sa kanilang dalawa .

"Pretzel??!!" Gulat na tanong nilang dalawa.

"Ano ba naman kayo? Talagang dito pa kayo gumawa ng eksena. Gosh!!" High blood na sabi ko.

Nakita kong nagkatinginan sila. Yung tingin na parang nangungusap. Sigurado akong alam na nila na bumalik na ang ala ala ko.

- -

Honey's POV

Pumunta ako sa school ni Pretzel. Kailangan malaman na nya ang lahat bago pa mahuli ang lahat.

Gumagalaw na ang kabilang kampo at sigurado akong sisiguraduhin nila na sila ang mananalo sa laro na to. Pero ang nakatakda ay nakatakda. Ang nakatadhana ang nakatadhana.

Pagkadating ko sa school ni Pretzel kaunti pa lang ang tao. Pero sa tingin ko wala pang tao sa mga room at ang mga estudyante ay nasa labas pa ng kani-kanilang room.

Pumasok ako sa loob at hinanap ang hinahanap ko. Papasok na sana ako sa building ni Pretzel ng may humawak sa braso ko.

"Bakit ka nandito?"

"Excuse me, dont touch bitch." Sagot ko kay Treshelle. Ang dakilang wicked wick bitch na ex bestfriend ko.

"Huh! Ang kapal naman ng mukha mong pumunta pa rito."

"Bakit? Sayo ba tong school? Sa pagkakaalam ko hotels ang business ng mga magulang mo at hindi sakop ng negosyo nyo ang school na to. Kaya wag kang bida bida na as if you own thus school."

"Hindi nga samin ang school na ito pero di mo ba alam nasa black list ang pangalan ng pamilya nyo?"

"Oh, ano naman? Kasalanan ko bang tatanga tanga yang mga guard-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya ako sabunutan. Aba! Ang walang hiyang to. Ang kapal ng mukhang hawakan ang buhok ko.

"Get off me bitch!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Hindi! Hindi kita bibitawan hanggat di ka umaalis dito!!!" Aba? Gago pala to ee pano ako aalis kung hawak hawak nya ang buhok ko. Syet >_

"Wahhhh!! Fuck! Get off me you psycho bitch!!" Sigaw ko sa kanya habang higit higit ko ang buhok ko dahil ang sskit nya manabunot. Kung sa sabagay wala namang masarap na sabunot.

Sisipain ko na dapat sya ng may biglang tumulak papalayo sa amin. Nagulat ako ng makita ko si Pretzel.

Pretzel??!!" Gulat na tanong naming dalawa.

Akala ko sisigawan nya ako dahil inaway ko ang magaling kunwarian bestfriend nya pero nagulat ako ng

"Ano ba naman kayo? Talagang dito pa kayo gumawa ng eksena. Gosh!!" Mataray na sabi nya.

Te-teka? Bu-bu-malik na ang ala-ala nya?

- -

Treshelle's POV

Nabwibwiset na ako dito sa Honey na to. Sya lang naman ang magaling na ex bestfriend ko.

Dati sya ang bestfriend, sobrang sya ko nun. Pero alam ko sa sarili ko na may kulang. Hanggang sa isang araw natupad ang pinakamatagal ko ng pangarap.

Isang araw nakita kong nag aaway si Jason at Denzel pero ang ikinagulat ko ay nandun si Pretzel para ipagtanggol si Denzel. Kakakilala ko lang din nun si Denzel. Naging magkakaibigan kaming lima pero ang ikinagalit ko ay mas naging close sila ni Honey.

Ginawa ko ang lahat para mag away sila ni Honey pero mukhang mas lalo silang nagiging close.

Lumipas ang panahon pero di ako tumigil. Hanggang naaksidente si Pretzel dahil sa pag aaway nila ni Sean. Pumunta agad ako ng ospital nung malaman ko ang nangyari.

Pwedeng maging paraan ito para mas mapalapit ako sa kanya. Pero ang ikinagulat ko ay pagkagising nya ay wala syang maalala.

-

Nagulat ako ng sumigaw si Pretzel samin. Y-yu-yung tono nya. Yung tono na yun ay yung tono nya nung bata pa sya.

"Pretzel."  Mahinang banggit ko sa pangalan nya. Tumingin sya ng masama sa akin. Kung ganon? Bumalik na ang ala ala nya?

Sana mapatawad nya ako.

- - - -
BabyChububu: Hello! Ang haba ng update ko ngayon. Salamat kay @ImMissSpecialA123 dahil pinahiram nya ako ng phone.

It started with my sketchy love story (Completed) #Wattys2015 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon