Chapter 9: Problem

997 40 4
                                    

Chapter 9: Problem
Treshelle's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula nung maospital si Pretzel. Sa loob ng isang buwan na yun kahit kailan di sya nagkwento kung ano ang nangyari nung araw na iwan ko sya sa library. Pero tuwing tatanungin ko sya kung anong nangyari nung araw na iniwan ko sya sa library, ang parati lang nya sinasabi wala daw talaga syang maalala. Ang naaalala lang daw nya yung pagkaalis ko and the rest di na daw nya alam. Tinanong nga din nya yung mama nya kung ano ang nangyari, ang palagi na lang daw sagot ay ewan. Minsan tuloy naiisip ko na ako ang may kasalanan kung bakit sya naospital. Pero parang may mali dito. Habang nasa ospital ako nung araw na yun bago sya naaksidente tumawag si Tita El sakin.

[Flashback:]

Andito kami ngayon ni Denzel sa labas ng ER. Inatake na naman kasi si Wendell ng sakit nya sa puso. Seven years old lang si Wendell pero mulat na sya sa katotohanan sa estado nila sa buhay. Pagkapaanak kay Wendell noon ay iniwan sila ng nanay nila. Ang tatay nila patay na nun. Naaksidente daw ang papa nila. Lumipas ng ilang buwan mula ng iwanan sila ng mama nila ay nabalitaan nila na patay na ito. Nagpakamatay daw. Natagpuang patay sa tapat ng libingan ng papa nila. 13 years old lang nun si Denzel pero sya na ang tumayong magulang kay Wendell. Nag-aaral sya sa umaga at nagtatrabaho sa gabi. Nagtatrabaho sya nun as cashier sa Jollibee. Dun din kami nagkakilala. Naging magkaibigan kami, inisuggest ko kila mama na bigyan ng trabaho si Denzell na nung panahon na yun ay nangangailangan sila ng magbabantay sakin dahil parati silang wala. Lumipas ang taon at nagkagustuhan kami at nung umamin kami kila mama ay ikinatuwa pa nila. Masaya daw sila at panatag dahil nasa mabuting kamay daw ako. Loko lang ee noh?

Namalayan ko na lang na lumabas yung doctor.

"Sino ang--"

"Ako doc! Kamusta na po ang kapatid ko?"

"Maayos na sya. Napagod lang sya at sa tingin ko ay medyo naistress kaya hinimatay pero maayos na sya ngayon
"

"Sige doc, salamat." Sagot ni Denzel s doctor. Mukha namang nahimasmasan naman na sya.

"Salamat sa dyos at maayos naman daw sya."

"Oo nga. Tara punta na tayo sa kwarto nya." Sabi ko at inakay siya papunta sa kwarto. Pagkarating sa kwarto nilapitan agad nya ang kapatid nya. Tinawagan ko sila mama na maayos na si Wendell. Pagkababa ko ng tawag, ibubulsa ko na dapat yung cp ko ng biglang magring.

Tita Elganda calling.....

"Hello Tita?"

"Sering bakit di na kayo magkasama ni Pretzel? Nag away ba kayo? Bakit ang bilis nyo atang nakauwi?"

"Naku Tita. Iniwan ko po kanina si Pretzel sa library kasi may emergency po. Naospital po kasi ang kapatid ni Deng."

It started with my sketchy love story (Completed) #Wattys2015 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon