Minsan na ring sumagi sa isipan ko kung ano na ang mangyayari sa amin kapag bumalik na kami sa bahay. If ever we gonna stay like this, treat each other like how we treat each other here in his province, or go back to square one.

I should be celebrating victory. I made him fall for me. Umaayon sa plano ko ang mga pangyayari kaya dapat ay magbunyi ako. Ngunit bakit ganito? Bakit parang mas gusto ko pang manatili na lang rito dahil may kutob ako na sa oras na umapak kami ng Maynila, mayroong mababago.

"You're spacing out." He pecked on my lips.

Napakurap-kurap ako at tumitig sa kanyang mga mata. "A-ano? May sinasabi ka?"

"I already packed our things. May iniwan akong mga damit mo rito just in case you decided to have a vacation here."

Napataas ang kilay ko rito at napapantastikuhan siyang tinignan. "You didn't let me know a single clue on where we are at naisip mo pang baka magbakasyon ako rito?"

He chuckled upon my remarks and shrugged. "Ipaghahanda ko lang ang magkakain mo."

Tumango na lang ako. Napabaling naman ang tingin ko kay aling Aileen nang pumasok ito sa kusina na may ngiti sa labi.

"Lace, hijo. Nandito si Cameron. Nais ka raw niyang makausap," saad ng ginang.

"Tell him to wait in the living room," walang lingon-likod na sagot naman ni Leslie.

Tumago lamang si aling Aileen at muling umalis. Sakto namang tapos na si Leslie sa pagsasandok kung kaya't isa-isa na niyang nilapag ang mga pagkain sa mesa.

Nilapitan ako nito at inalalayang makababa ng high stool. Tinawid namin ang ditansiya patungo sa silyang kaharap ang mesa at umupo pinaupo niya ako.

"Kakausapin mo pa ang bisita mo?" I asked.

He nodded and kissed my forehead. "Mauna ka nang kumain. Cameron won't just drop by to say hello. Baka importante."

Tumango rin ako dito at ngumiti. Hinalikan niya ulit ang noo ko bago lumabas ng kusina.

As soon as he vanished from my eyesight, my hand reached for my chest. I bit my lip and questioned myself.

Why the hell is my heart beating fast with a single gesture from him?

Napakurap-kurap ako ako pinilit ang sariling kumain kahit na nasa malalim na pag-iisip.

I'm sure as hell... that this is not good anymore...

--

"Balik kayo dito sa fiesta, ha?" tugon ni mang Donny.

I smile and nodded my head. "Oo naman, mang Donny. Kukulitin ko po si Lace para makabalik kami dito."

"Ano ba 'yan, hija. Mami-miss ka namin," saad naman ni Dane.

Napangiti na lang ako. Nasa likod ng sasakyan si Leslie, inaayos ang dala naming bagahe dahil ngayon na ang alis namin. Sayang lang at hindi na kami nakabalik pa sa falls matapos nang nangyari sa'min doon.

"Mag-iingat kayo sa pag-uwi. Hihintayin namin ang pagbalik niyo," nakangiting usal ni aling Aileen at niyakap ako.

Mami-miss ko rin sila. Sa loob ng mahigit isang linggo kong pananatili dito ay napalapit na ang loob ko sa kanila. But now, I need to face my reality again. Gustuhin ko man talagang manatili ngunit ayokong pabayaan na lang si uncle Baron sa negosyo ni Daddy. Baka makurot na naman ni Bailey dugyot ang pisngi ko.

"We'll go ahead," sabat ni Lace sa usapan at hinawakan ang bewang ko.

Nagtanguhan naman sila kaya't inalalayan na ako ni Leslie papasok ng sasakyan. Nang makapasok ako ay umikot ito sa driver's seat at pumasok na rin.

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now