"S-sam?"

"Sige na, wag ka nang mahiya. Tumakbo ka matapos mo akong suntukin. Hindi naman kita babanatan Liam Vhile Mirandez." Nakangisi kong sabi. "Hindi ko rin sasabihin ito kay Ziel. Kung may galit ka sa akin bakit hindi mo ilagay dyan sa kamao mo--" nahinto ako sa pagsasalita nang idampi niya ang kamao sa pisngi ko. "Tumakbo kana, dahil sa oras na mahuli kita ngayong gabi hihiga ka sa kabaong na kulay pula." Saad ko habang nakatingin sa gilid ko.

"S---"

"Magbibilang ako simula isa hanggang lima dapat hindi na kita makikita sa harapan ko. Isa... Dalawa..." Bahagya akong natawa. "Itinuring kitang kaibigan pero kalaban ang tingin mo sa akin."

"Sam, let me ex--"

"Sabihin mo sa akin bukas kung ano ang dahilan mo, tatlo... Sayo ko sinabi ang mga bagay na hindi ko sinasabi sa iba, na dapat pala ay hindi ko ginawa. Apat... Umalis kana, dahil kung hindi baka matulad ka sa kanila." Pumatak ang luha sa mga mata ko "Lima..." Naramdaman ko ang pagtakbo niya, dahan dahan akong tumingin sa harapan ko. Tumingin ako sa dalawang lalaking nakahilata sa kaliwang bahagi ko.

Hindi ako makapaniwala, itinuring kong kaibigan tapos ang tingin sa akin ay kalaban. Pinakita ko sa kaniya ang ugali nang isang Shayne pero ang tingin niya sa akin ay Samantha. Maayos ang pag-trato ko sa kaniya pero kasamaan ang ibinalik niya. "Argh!!" Natigilan ako nang biglang dumaing sa sakit si Charles. Hinanap siya nang paningin ko.

Mabilis ko itong nilapitan at nakita ko ang kutsilyo ko na nakatarak sa gilid nang tiyan ni Charles. Narinig ko ang tawa nang boss ni Liam nang tanggalin niya bigla sa tyan ni Charles ang kutsilyo, nilapitan ko ito at kinapitan ang kwelyo nito. "Ako na ang bahala sa lamay mo! Magdasal ka nalang sa mga santong kilala mo na mabuhay ka sa gagawin ko sayo!!" Nanggagalaiti kong sabi. Rinig ko ang bilis nang tibok nang puso ko nang sumigaw si Charles.

Ikinuyom ko ang kamay ko at sinuntok ko nang walang tigil ang boss ni Liam, kinuha ko ang isa ko pang kutsilyo sa loob nang jacket at walang alinlangang itinarak sa dibdib niya. Sumigaw ito sa sobrang sakit. "Bakit hindi mo nalang a-ako b-barilin Argh!!!"

"Hindi ako gagamit nang baril sa lugar na 'to dahil pwede makabulabog nang mga tulog, gumagamit ako nang kutsilyo sa mga katulad niyo. Ang bala ko ay para sa taong pumatay kay mom. Kulang pa iyan sa katarantaduhang ginawa mo sa akin! Kung demonyo ang tingin mo sa akin ngayon hindi ko iyon maikakaila, papatay ako sa oras na gustuhin ko! At pasensya kana dahil ikaw ang nakaramdam nang sakit na dapat na dinadama nang lalaking tumakbo kanina" Ngumisi ako, tinadyakan ko nang limang beses ang tiyan nito dahilan para sumuka ito nang dugo. "Magdala kayo nang armas minsan para naman kahit isang patak nang pawis ko ay may makita ka! Kayo!" Itinuro ko ang lahat nang nakahilata. "Mukhang wala nang susunod." Natatawa kong sabi.

Kinuha ko ang kutsilyo na ginamit niya kay Charles at sininaksak iyon sa tiyan niya. Lumapit ako kay Charles at inalalayan ito na makatayo, malulutong na mura ang lumabas sa bibig nito.

"Sabi ko naman sayong wag ka nang sasali, yan tuloy ang napala mo." Umiiling kong sabi habang inaalalayan siyang pumasok sa kotse ko. "Pasalamat ka dahil sa gilid lang nang tiyan mo yan tumarak dahil kung hindi baka mamatay ka" nang hindi pa kita nababawi sa kaniya.

"I love you..." Saad nito

"Mahal ka rin nang mga bala at kutsilyo ko." Nakangisi kong sabi at ipinakita ang loob nang jacket ko. Kinuha ko ang necktie na ginamit ko kanina bago pumasok sa kotse. Itinapon ko ang necktie sa kaniya "itali mo yan, dyan sa tama mo! Ginamit ko ang kutsilyo na yun sa mga taong yun. Tapos pumayag ka na isaksak yun sayo! Nagiisip ka ba?!" Bulyaw ko sa kaniya. Pinakaba mo ako!!! Sipain kita dyan e!!!

Nagvibrate ang phone ko, tinanggal ko ang gloves ko bago sagutin ito. (I'm speechless.) Rinig ko ang pagpalakpak nito sa kabilang linya. (All I can say is... someone close to you, killed your mother) bumuntong hininga ito. (You didn't kill everyone so ...I won't tell you what I really know.)

I'M HIS SEX SLAVE, BESTFRIEND AND HIS FUTURE (COMPLETED)Where stories live. Discover now