CHAPTER 14: HIDDEN AGENDA

Start bij het begin
                                    

Naglakad ako palayo sa kanya at nagpunta ako sa pinto ng balcony. "Bakit hindi mo man lang ako tinanong tungkol sa bagay na 'to?! Binilog niyo ang utak ko na pupunta lang ako rito sa Guam para dalhin ang lintik na maleta na 'yan."

"Bakit, kung sinabi ba sayo ng mommy mo na ang pakay ko talaga ay ikaw, anong gagawin mo? Syempre hindi ka papayag diba?" Nang-uuyam na sabi niya.

"Paano kung ayoko?! Gusto ko ng umuwi ng Pilipinas ngayon mismo!" Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Madali naman akong kausap Quebec Martinez. Basta madali rin kayong kausap."

"Anong kapalit kung ganon?" Nanghahamon kong sabi sa kanya.

"Tataasan ko ang interest ng utang niyo sa akin. Akala niyo ba magpapalamang ako sa inyo? Eh kayo na nga itong may atraso sa akin."

Huminga ako ng malalim. "Madali lang naman ang pinaggagagawa mo sa akin dito sa Guam. Ang makasama ako rito sa bansa na 'to. Pero itatanong ko muna kung ano ang kondisyones mo bago ako pumayag sa setup mo."

"What changed your mind?"

Sinalubong ko ang tingin niyang nakakalambot ng tuhod. "Kahit ano naman ang piliin ko, talo ako. Kaya mas mabuti pa na pakinggan ko muna 'yang ideya mo bago ako magdesisyon na umuwi na ng Pilipinas ora-mismo."

"I like you, Quebec. Doon ako magsisimula para hindi ka maguluhan kung ano nga ba talaga ang rason ko at ikaw ang gusto kong isama rito sa Guam."

"I don't like you." Walang kagatol-gatol kong sabi.

"I know. Pero hindi naman ako umaasa na gugustuhin mo ako pabalik. I can work on that one. Ang gusto ko lang naman talaga ay ang magbakasyon dito kasama ka. Naisip ko na magagawa ko lang 'yon kung gagamitin ko ang mga magulang mo."

Tumawa ako ng peke. "Lalo kitang hindi magugustuhan dahil sa mga pinaggagagawa mo."

"Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na ipakita ang tunay kong pagkatao sayo, saka mo ako husgahan."

"Drop that topic! Now I wanna know what are we going to do here in Guam! One night stand?!" Hindi ko na mapigilan ang mga lumalabas sa bibig ko dahil sa wala na ako sa mood.

Narinig ko siyang natawa. "You gave me a great idea." Tapos ay humiga pa ito sa kama ko at niyakap ang isang unan.

Hindi ko na lang siya kinibo at pumunta na lang ako sa labas ng balcony. Ano gagawin namin dito sa Guam? Tatanga ng limang araw?! Nahihibang na yata si boss? Saka paano siya nagkagusto sa akin, gayong madalang naman kami magkita. Bilang na bilang ko nga sa daliri ko kung ilang araw ko lang siyang nakita. Huwag niyang sabihin na pinamanmanan niya ako o di kaya ay siya mismo ang nagmanman sa akin?!

"Let's go. We need some meals. Past lunch na." Narinig ko ang papalapit niyang yabag sa akin.

"Ayoko."

"Why? Hindi ka pa ba gutom? Kumain ka ba sa eroplano?" Tanong niya at tinabihan ako sa railings ng balcony.

Umiling ako. "Hindi ako aalis hanggat nandito ang maleta na binigay mo sakin kanina sa airport."

"Akala mo ba talaga droga ang laman ng maleta na 'yon?"

Hindi ko siya sinagot. Malamang! 'Yon ang sabi sa akin ni mommy saka pati niya.

"Come. Let's open the luggage." Hinawakan niya ako sa balikat at marahang hinila pero hindi ako nagpatianod. Kaya lang ay hindi siya sumuko kaya sa huli ay ako na lang ang nagpadala sa paghila niya sa akin.

Nilapitan namin ang maleta na dala ko kanina sa flight at binuksan niya ito sa harapan ko. Nakangiti pa siyang humarap sa akin nang tuluyan na niya itong mabuksan at puro mga damit na pambabae ang tumambad dito.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu