IKA-SIYAM NA KABANATA

81 3 2
                                    

"At ngeni, pangadian taya ing amanung tiru na kecatamu ning Ginu," anunsyo ng Pari.

Ibpa mi, atsu banua...

Duda ako sa katabi ko dahil simula kaninang mag-umpisa ang misa ay naka-kunot na ang noo niya, tanging sa homilya lamang siya naka-ayos ng hitsura dahil doon lamang nagsalita ng tagalog ang pari.

Habang ako naman ay hindi magkanda-ugaga at halos hindi ako makatulog dahil sa nangyari kagabi. Wala namang literal na nangyari sa amin, ang sa akin lang ay hindi ko nakalimutan at patuloy kong naririnig ang boses niya nang sabihin niyang...

"I'm here, for you."

"I'm here, for you."

"I'm here, for you."

Hindi ko maintindihan bakit niya sinabi iyon pero sa mga oras na 'yon ay nakaramdam ako ng kaunting kislot sa puso ko. Pinipigilan kong makaramdam ng ganoon lalo na kapag magkalapit kami at seryosong nag-uusap tungkol sa iba't ibang bagay.

Pasimple ako kung sumulyap sa katabi ko dahil baka kung ano ang isipin niya sa pagtingin-tingin ko sa kaniya.

Hindi ko maitatanggi na sobrang lakas ng dating niya at siguro kahit nasa 50 na ang edaran, mapapalingon sa kaniya.

Ikaw ba naman biyayaan ng ganiyang mukha!

Pino, bagsak, at kulay itim ang buhok. Magulo at makapal na kilay, mahaba at makapal rin ang kaniyang pilik mata na naka-arko pa-itaas. Kung susuriin pati ang kaniyang mga mata ay bilog na bilog at kulay itim ang mga ito na parang kapag matatamaan kaa nang tingin niya ay buo na ang araw mo. Ang katawan niyang maskulado ngunit hindi ganoon kalakihan ang katawan niya, iyon bang sakto lamang ang pagkakadepina ng kaniyang braso, dibdib, maging ang kaniyang tiyan. At ang labi niya na hindi ko maipaliwanag at hindi ko rin mawari kung saan ko ba maikukumpara, kung sa bulak ba o sa cotton candy dahil sa sobrang lambot na parang gusto ko pa.

Hay! Ano ba naman 'yan! Nagmimisa, kung anu-ano ang nasa isip ko.

"Ing Guinu, manatili ya keca yu."

"At keka anti mu rin..."

Natapos nanaman ang misa. Nasa ika-limang araw na kami ng simbang gabi, apat na araw na lamang at matatapos na. Teka, hindi ba uuwi si Laert sa kanila? May pamilya naman siya, hindi ba?

Nahihiya akong magtanong sa kung bakit hindi pa siya umuuwi sa kanila dahil sa ilang araw na lang ay pasko na dahil baka naman isipin niya na pinapalayas ko na siya, e sa katunayan nga kaninang madaling araw ay napaka-aga niyang gumising at nagluto siya ng kung ano mang mayroon sa kusina na puwedeng kainin sa almusal.

Tuwang -tuwa si Mama dahil hindi niya inasahan ang ginawang iyon ni Laert dahil sa gwapo na nga siya, masarap pa siyang mag-luto, parang si Papa.

"Isha, tara na at marami pa akong lulutuin," tawag sa akin ni Mama at nagpauna na siya sa paglalakad pauwi ng bahay.

Birthday nga pala ni Mama!

Bakit ba sa lahat ng pupwede kong makalimutan ay iyon pa?!

Wala akong nabiling regalo dahil aalis sana ako kahapon papuntang mall pero na-cancel dahil nagpunta si Gab kaya nakaliktaan ko na ang magpunta sa mall. Ngayon na lang siguro ako makaka-alis, pagkatapos kong tulungan maghiwa si Mama ng mga rekados na gagamitin niya.

"Isha, iyapsu mu na ing gigilyan a rekadus," utos ni Mama sa akin na ihanda na raw ang mga rekados para sa iluluto niya.

Umabot kami ng halos isang oras sa paghiwa ng iba't ibang mga sahog at saka sa pag-boil ng mga manok kaya naman mag-aala una na nang matapos kami sa kusina at saka pa lang ako nagpahinga ng mga kinse minutos dahil hindi maganda na kaagad kang maligo kapag galing sa pagod na gawain.

Accident BabyWhere stories live. Discover now