IKA-LABING TATLONG KABANATA

77 3 0
                                    

"Ay palakang kuba!"

Napasigaw ako nang makita ko si Laert sa harap ng apartment ko na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya at mukhang kararating lang niya. Napatingin ako sa orasan ko sa loob ng bahay at makita kong 8:30 palang ng umaga. Ang usapan namin ay alas nuebe bakit narito na siya ng ganitong oras at ng ganito kaaga?

"Bakit ang aga mo naman masyado? Akala ko ba 9 pa ang punta mo?" tanong ko sakaniya saka ko na binitawan ang basura na dapat ay ilalabas ko lang para makaligo nako dahil halos kakatapos ko lang walisin ang bahay. "Hoy!" pagtawag ko sakaniya. "Ano?"

Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay niya saka niya itinuro ang katawan ko at doon ko lang naalala na naka sando at maikling cycling lang ako dahil init na init ako kagabi. Nakakahiya!

"'Yung suot mo. Hindi ka ba nilalamig?" walang ano ay sabi niya saka siya lumapit saakin at hinubad ang suot na jacket saka iyon ipinatong sa balikat ko. "Don't wear something like this again whenever you're going out, kahit sa labas lang ng bahay, kuha?" pagtitig niya sa mukha ko habang abala pa rin ang pareho niyang kamay sa pag-aayos ng jacket niya sa katawan ko at napatango nalang ako dahil hindi ko malaman kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya.

"Magandang umaga, bun..tis" gulat na napatingin si Nanay Gina sa karap kong lalaki. "Siya ba 'yung asawa mo, Aya?" tanong niya.

"Ako nga po. Magandang umaga po, sainyo," magalang na bati ni Laert.

"Pasok na po kami," paalam ko kay Nanay Gina saka ko na hinila si Laert papasok ng apartment ko.

Pinaupo ko na muna siya sa may sala saka na ako umakyat para makaligo na dahil hindi ako kaagad nakaligo ng dahil sakaniya. Minadali ko ang pagligo dahil nakakahiya namang maghihintay pa siya ng matagal sa ibaba.

Nagsuot lang ako summer dress na hanggang ilalim ng tuhod, sleeveless iyon at kulay black saka lang ako nagsuot ng sandals na babagay sa damit ko dahil sa hindi ko kayang mag-heels o kahit wedge man 'yan.

Tinignan ko ang oras sa celphone ko. Saktong 9:10 ay natapos ako sa pag-aayos ng lahat lahat kaya naman bumaba na ako at nadatnan ko si Laert na nakaidlip sa may sofa. Inalog ko siya ng kaunti upang magising siya. "Laert," pagtawag ko rito.

Nauna na akong lumabas dahil hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin dahil medyo awkward sa lagay ko at iniiwasan kong matarayan ko siya dahil sa mood swings na mayroon ako.

Pagkabukas niya ng sasakyan ay kaagad akong pumasok sa shotgun seat at marahang hinila ang seatbelt.

Nahihiya ako dahil sa tinagal-tagal naming hindi nagusap ay sa ganitong sitwasyon pa kami nagkita.

Hindi ko naman balak na itago na ng tuluyan ang magiging anak namin sa kaniya dahil may karapatan din siyang malaman niya na may anak na siya pero sa lagay kong 'to ay hindi pa ako handang harapin siya.

Hindi ko rin alam ang mararamdaman ko dahil siya naman ang nang-iwan sa akin noong gabing iyon at hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas na itanong sa kaniya kung bakit nga ba niya ako iniwanan noong gabing iyon.

"Ang lalim yata ng nasa isip mo," sabat niya.

"Hindi naman," pa-utal na sabi ko.

Sandaling katahimikan pa ang nangibabaw nang makalabas kami sa highway at bigla siyang tumigil sa tabi ng daan.

"Saang OB tayo?" tanong niya.

Oo nga pala! HIndi ko pa nasabi sa kaniya kung saan ako napapatingin dahil gaya nang sinabi ko, sanay na akong mag-isa.

Itinuro ko sa kaniya ang daan papunta sa clinic ni Daneila.

At hayun nanaman ang matagal na katahimikan na bumabalot sa sasakyan. Medyo malayo pa iyong pupuntahan namin kaya naman kung tatagal pa ay aatake nanaman ang mood swings ko kaya naman humugot ako ng malalim na hininga para kalabitin siya.

Accident BabyWhere stories live. Discover now