IKA-LIMANG KABANATA

74 3 0
                                    

Kinabukasan, inayos ko na ang isu-submit ko na letter kay Ma'am Lina para sa leave of absence ko ng dalawang buwan. Hindi pa naman ako kaagad magre-resign sa resto bar, siguro aabot pa ako hanggang sa pagkatapos ng bagong taon dahil sa maraming bagay pa ang aasikasuhin ko bago ko simulan ang pagtatrabaho bilang isang Architect.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na pumasa ako, hindi ko alam baka kapag nag-apply na lang siguro ako doon pa lang ang magigising sa katotohanan na Architect na ako.

Hindi pa alam ni Mama na nakapasa na ako at uuwi na ako sa Pampanga bukas dahil binalak ko na sorpresahin siya.

"Aya, anong sasakyan mo pauwi sa inyo?" pumasok si Ma'am Lina sa quarters pero nasa pinto lamang siya at nakasandal doon. "Ipapahatid kita kay Clarence."

Hindi ko pa alam kung papaano ako uuwi pero balak ko na talaga ang mag-commute nalang dahil wala naman akong ibang pagpipilian.

"Po? Huwag na po, nakakahiya naman po," ang totoo ay nahihiya ako sa anak niya dahil hindi naman kami ganoon ka-close no'n at sigurado akong tahimik 'yon dahil lagi siyang nakatutok sa cellphone niya kapag nasa resto siya.

"Ano ka ba, wala 'yon. Kinausap ko na ang anak ko at ayus lang daw sa kaniya na ihatid ka hanggang sa bahay mo sa Pampanga."

Isang bagay pa ang kinahihiya ko dahil minsan na akong tinanong ni Clarence na kung pwede ay ligawan niya ako pero hindi ako pumayag hindi dahil sa anak siya ng boss ko o dahil sa matanda siya ng tatlong taon sa akin, dahil sa wala pa sa isip ko ang mga gano'ng bagay nung mga panahon na 'yon.

"Matagal na kayong hindi nag-uusap hindi ba?" hinabol ako ng tingin ni Ma'am Lina dahil kanina pa ako yuko ng yuko.

Nahihiya man, pilit ko pa rin siyang hinarap. "Opo. Mga tatlong taon na po."

Totoong tatlong taon na kaming hindi nag-uusap dahil sa ginawa ko sa kaniya-binusted ko.

"Hindi na 'yon galit sa 'yo, don't worry. Mukhang naka-move on na," sambit ni Ma'am Lina bago siya lumabas.

Nagpaalam na ako kina Dalia at Fatima dahil dalawang buwan ko silang hindi makikita o baka matagalan pa.

Kaagad akong umuwi sa bahay dahil may mga hindi pa ako naayos na i-empake dahil pumasok ako sa trabaho.

Mabuti na lang at may maghahatid sa akin sa Pampanga dahil napakarami kong dala at mahihirapan akong mag-commute. Hayun nga lang, medyo awkward dahil si Clarence ang makakasama ko.

"Iyan na ba lahat ng gamit na dadalhin mo?" tanong ni Clarence kinabukasan.

Alas kwatro palang pero nasa bahay na siya, buti na lang naka-handa na lahat ng dadalhin ko pauwi ng Pampanga kundi nakakahiya sa kaniya.

"Ah, oo. Salamat. Pasensya na sa istorbo," kamot ulong sagot ko.

"It's okay doon din naman ang punta ko," aniya saka niya binuksan ang shot gun seat. "Pasok ka na."

"Uh, salamat."

Hindi ko alam bakit ganiyan siya makangiti sa akin pero ang alam ko para sa akin ay awkward pa rin kami dahil sa biglaan namin na pagkikita.

Hindi ako sigurado sa mga ekspresyon na pinapakita niya sa akin dahil palagi siyang nakangiti at mukha siyang masaya.

Baka may girlfriend?

Oh, baka nag-ooverthink lang ako.

"Bakit ang tahimik mo yata?" pagbasag niya sa katahimikan.

Mag-iisang oras na kami sa biyahe at puro katahimikan lang ang namumutawi sa pagitan namin. Naisip kong magsuot ng lang ng earphones para hindi mainip pero baka mabastusan siya kung iyon nga ang gagawin ko. Open naman ako if gusto niyang makipag-usap.

Accident BabyWhere stories live. Discover now