UNANG KABANATA

188 4 0
                                    

"Aya, tapusin mo lang iyang mga table diyan sa itaas pagkatapos ay pwede ka ng mag-out ha?" sigaw ni Lina, manager at may ari nitong bar.

Usual bar lang pinapasukan ko iyun bang kalmado lang iyung paligid. No loud sounds, tanging classic music lamang ang bumabalot sa paligid at madalas walang tao dahil pang mayaman at mga business meetings ang tinatanggap namin dito.

Mag-isa lang akong nakatira rito sa Manila kaya kailangan kong magtrabaho para kahit papaano ay may maipadala ako kay mama sa probinsya dahil may maintenance pa siyang iniinom medyo mahal iyon kaya kailangan kong kumayod pa ng kaunti. Nasa ibang bansa naman ang kapatid ko pero hindi iyon sapat dahil may sariling pamilya at may sariling gastusin sila.

"Mauna na po 'ko," tipid ngiting paalam ko kay Ma'am Lina.

"Ayaw mong sumabay na sa akin para hindi ka na maglakad?" presinta niya. "Magaalas once na, Aya," tinignan niya ako ng may nagtatanong na mukha kaya tumango na lang ako saka na sumakay sa sasakyan niya.

Palaging ganito si Ma'am Lina sa akin kapag kaming dalawa na lang ang naiiwan sa bar dahil laging 8 PM nagsisi-uwian ang mga kasama namin sa trabaho. Sa loob ng halos limang taon, sa bar nila ako namamasukan. Nasa tamang edad naman na ako saka wala namang dapat ikabahala dahil waitress lang naman ang trabaho ko. Pero kahit ganoon mataas pa rin ang pasahod sa amin, nasa 10K a month dahil nga sosyal iyung bar, puro mayayaman ang mga nagpupunta ro'n.

"Alam mo, kapag ganitong oras ang out mo, isasabay na lang kita pauwi." sambit niya ng makarating na kami sa tapat ng gate ng apartment na inuuwian ko. Si Ma'am Lina rin ang naghanap ng safe na matutuluyan ko, kilala niya ang landlord dito kaya rito niya ako dinala.

"Nakakahiya naman po."

"Wala iyon ano ka ba! Para na rin kitang anak," hinaplos niya ang ulo ko saka tinapik ako sa balikat. "Kung narito lamang ang anak ko, siguradong kasinlaki mo na siya," nagbabadya ang luha sa gilid ng kaniyang mata kaya naman inabutan ko kaagad siya ng tiissue.

"Huwag na po kayong malungkot, Ma'am Lina," nginitian ko siya saka ako marahan na lumapit at niyakap ko siya sa abot ng makakaya ko dahil sa liit ng kamay ko ay hindi ko masasakop ang kabuuan ni Ma'am Lina.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka na nagpaalam dahil maghahating gabi na rin, kailagan na rin niya ng pahinga. Hindi naman ganoon ka-tanda si Ma'am Lina, nasa late 30s lang siya, hindi ko alam ang eksaktong edad niya pero hindi mo rin masasabi na nasa ganoong edad na siya dahil sa mukha niyang napaka-kinis. Ang ilong niya maliit at hindi ganoon ka-tangusan at ang labi niyang katamtaman lamang ang laki ngunit pulang-pula ito kaya minsan ay lip cream na lamang ang gamit niya dahil sa natural na pula ng kaniyang labi.

Pagkapasok ko sa apartment ko ay binagsak ko ang katawan ko sa akin higaan dahil sa sobrang pagod. Kahit ang mag-half bath ay tinatamad ko ng gawin dahil sa sobrang kapaguran.

Inalis ko ang pagkaka-ponytail ng aking buhok saka iyon inipitan ng pa-pusod saka na ako dumiretso sa banyo para makapaghilamos na lamang.

Kinabukasan, 7 AM pa lang ay nagising na ako dahil sa sinag ng araw. Sensitibo ang mga mata ko sa sobrang liwanag kaya ang salamin ko sa umaga ay kakaiba sa salamin ko kapag gabi na dahil magmumukha akong costumer kapag hindi ko iyon pinalitan.

Lumabas ako sa may veranda ng kwarto ko at saka ko diniligan iyong mga halaman ko pagkatapos no'n ay nagtungo na ako sa banyo upang maligo dahil alas dies ang pasok ko, baka mahuli ako.

Pagkatapos maligo ay nagbihis lang ako ng pang-trabaho ko na damit. Fitted gray na t-shirt na may nakaburda na pangalan ko sa may upper left part, tinuck-in ko lang sa black slacks ko na hindi fitted dahil straight cut siya 'tapos ay nag black doll shoes lang ako. Iyon lang ang suot namin sa bar buong araw saka lang kami naka-pusod pero dahil basa pa ang buhok ko ay umalis na ako sa bahay habang maaga pa.

Accident BabyWhere stories live. Discover now