"May family emergency daw sa kanila Xenon." Singit ni ma'am Sarah.

"And?" Xenon said while looking at me intently.

"Kaninang madaling araw lang kasi ako nasabihan ni mommy kaya hindi ako nakapagpaalam kagabi sayo. Balak ko rin sana magpaalam nung matapos akong tawagan ni mommy kaso nahiya ako kasi alam ko na kalaliman na ng tulog ang oras na 'yon. Kaya maaga na lang akong gumising para magpaalam."

"How about the kids? Magpapaalam ka sa kanila?" He added.

"I don't think it's a good idea. Siguradong maglulupasay sa kaiiyak si Lanaia kapag nalaman niyang aalis si Quebec." Sabat naman ng daddy niya na ikinatango ni Xenon.

"Baka hindi ka niya payagang umalis at madelay ka pa sa flight. Mas mabuti kung umalis ka na habang hindi pa sila nagigising. Ako na ang bahala sa kanila magpaliwanag mamaya."

"Thank you. Sige aalis na ako bago pa ako abutan ng triplets. Babalik din ako agad. Tatawag ako kung hindi ako makakabalik agad." Tumango si Xenon at nakisuyo sa daddy niya na ihatid ako sa airport.

Wala na akong nagawa pa kung hindi ang pumayag na lang. "Saan ba ang punta mo niyan Quebec? Gawing Visayas ba? Kasi sasakay ka pa ng eroplano." Tanong ni sir Michael habang nagmamaheno ng kotse.

"Hindi po sir. Sa ibang bansa po ang punta ko." Sagot ko naman sa kanya.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi rin naman kasi nila natanong kanina kung saan ang punta ko.

"Saan?" Usisa niya pa.

"Sa Guam po."

"Oh malapit lang pala. May kamag-anak ka sa Guam?"

Lumalayo na ang usapan kaya naman umoo na lang ako kahit wala naman. I felt bad for lying but I don't have a choice.

Nagtanong pa siya tungkol sa kamag-anak ko kuno sa Guam at ako naman ay gumawa na lang ng gumawa ng kwento. Kaya laking pasasalamat ko nang makarating na rin kami sa wakas sa airport.

"Hindi ako magpapabili ng pasalubong. Mas importante na mag-ingat ka." Sabi niya nang makababa na ako ng sasakyan at kinukuha na ni sir Michael ang maleta ko sa likod ng kotse.

"Opo. Thank you po sa paghahatid."

Nginitian ako nito at nang makasakay ng sasakyan ay umalis na rin. Ako naman ay tinawagan na si mommy para sabihin sa kanya na nandito na ako sa airport.

"Magaling. Pumunta ka muna sa food court at hintayin mo ang tauhan doon ni boss na magbibigay sayo ng plane ticket mo at pati ng mga dadalhin mo. Ano ang kulay ng damit mo?"

"I'm wearing a black dress, a black cap and a facemask to be unidentified." Sagot ko sa kanya.

"Okay. Mag-iingat ka. Ayokong maulila sa mga anak Quebec. Tama na, na nakuha sa atin si Qeena at Queenie. Mababaliw ako kung pati ikaw mawala sa amin."

"Yeah. Whatever."

Binabaan ko na siya ng tawag at pumunta nga ako sa food court habang hinihintay ang tao na lalapit sa akin. Wala pa yatang sampung minuto akong nakaupo sa inupuan ko ay may tumawag na sa akin mula sa likuran. Nilingon ko naman ito at medyo nagulat pa ako nang mapagtanto ko na si boss ito.

"Boss..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Si boss kasi may something sa tingin niya na nakakailang. Ang lalim na nakakatakot kasi. Hindi naman halos nagkakalayo ang edad namin pero yung presensya niya para ba siyang superior.

"Mag-iingat ka sa pupuntahan mo. Kapag nahuli ka, bahala ka na sa buhay mo. Kapag nailabas mo ng airport sa Guam ang mga dadalhin mo, ako ang bahala sayo makauwi. Pagdating mo sa Guam may sasalubong sayo at siya na ang bahala sayo. Tatawag ako sa oras na masundo ka na niya. Secure mabuti ang dadalhin mo kaya kampante naman ako na hindi ka mahuhuli."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now