Tumango lang ako saka magkasama naming dinala ang mga bata sa malaking cottage. Mukha itong bahay at maliit lang ito ng konti sa bahay nila Xenon pero maluwang ito sa loob dahil sa cottage lang naman ito, kaya walang kung anu-anong abubot ang nandito.

Binaybay ni Xenon ang hagdan paakyat habang hila si Landon at ang bag namin kaya sumunod na lang ako na akay naman si Lanaia at Lancelot. Pag-akyat namin sa taas ay may apat na pinto na sa tingin ko ay mga kwarto at binuksan ni Xenon ang isa sa mga 'yon. "Stay here and wait for us. Hindi pa pwede magswimming mga bata. Behave muna kayo." Sabi ni Xenon sa mga bata bago umalis para balikan ang mga gamit na naiwan.

Naintindihan naman ng mga bata ang sinabi ng daddy nila kaya naglaro lang sila sa loob ng kwarto habang hinihintay namin sila na makapunta rito. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ang mga magulang ni Xenon kung nasaan kami saka inaya na kaming maglibot sa resort.

Tuwang-tuwa naman ang mga bata sa narinig kaya nagmamadali silang sumama kay ma'am Sarah. Ang nangyari tuloy ay si Landon nasa akin, si Lanaia at Lancelot ay nasa lolo at lola nila. Konti lang ang nalibot naming
bahagi ng resort dahil sa kailangan ng bumalik ng mga magulang ni Xenon sa cottage para sa pagsesetup ng mga gamit.

Kaya ang ending ay naupo na lang ako kasama ang triplets malapit sa dagat kung saan tinatamaan ang mga paa namin ng agos ng dagat.

"Sandcastle! Sandcastle!" Sabi ni Lanaia nang mag-umpisa na siyang maghukay ng lupa at inilalagay ang ibang buhangin sa ibabaw ng ibang buhangin.

Ginaya naman siya ni Landon at Lancelot kaya pati ako ay nakisali na rin. "Look! This is an ice cream! I'm awesome, mommy, right?" Sabi ni Lanaia na may malaking ngiti sa labi habang panay ang pacute sa akin.

I pinched her cheek then I agree with her. "Yes baby. You're awesome."

"How about me mommy? Look at my sandcastle. It's a helicopter!" Landon said with full of confidence in his masterpiece.

Tumango ako at sumangayon din ako sa sinabi niya kahit mas mukha pa ngang malaking bato ang gawa niya kaysa sa helicopter. I will not do anything to hurt their feelings. Isa pa ay bata pa sila kaya alam ko na hindi pa nila kaya ang mga perfect na sandcastle.

Dito kami nagpalipas na apat sa pampang hanggang sa nilapitan na kami ni Xenon para magswimming dahil ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang simpleng party. Nakipaglaro siya sa mga bata ng wisikan sa pampang at tuwang-tuwa naman ang triplets.

Ilang sandali pa ay nabago na naman ang laro nila. Ngayon naman ay nagpapanggap na pating si Xenon kaya ang mga bata ay panay takbo kapag sinusubukan ni Xenon na hawakan sila sa mga paa nila para magulat.

"Mommy! Mommy!" Lakad takbo ang paglapit sa akin ni Lanaia dahil sa siya nga ang puntirya ni Xenon.

Yumakap ito sa akin ng mahigpit at nang makita ni Landon at Lancelot ang ginawa ni Lanaia ay ganon din ang ginawa nila. Kaya si Xenon ay mas lalong nag-anyong nakakatakot sa kanila.

"Sino ang uunahin kong kainin?!" May paninindak sa boses niyang sabi.

Kaya ang tatlo ay nagsumiksik sa akin lalo kaya nang lumapit sa amin si Xenon na akala mo ay mabangis na hayop ay hinila ako ng triplets. Kaya ang nangyari ay napahiga ako sa buhangin. Mabilis ang naging pangyayari. Hindi ko nasundan, basta pagdilat ko ng mga mata ko nang makahiga na ako sa buhangin ay nasa ibabaw ko na si Xenon.

Napatitig ako ng matagal sa mga mata niya. "A-Anong nangyari?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Umiling siya saka umayos ng upo sa buhangin at tinulungan ako sa pag-upo mula sa pagkakahiga ko sa buhangin. "Sorry mommy. Are you hurt?" Tanong ng isa sa kambal saka pinaghahalikan nila ako sa pisngi.

"I'm okay babies. Hindi naman nasaktan si yaya. Buhangin lang naman 'to kaya ayos na ayos lang talaga ako."

Pinagpagan naman nila ako ng buhangin sa rash guard na suot ko. Nagpalit ako kanina nung makarating kami sa cottage namin kasi sabi ni ma'am Sarah ay magswimming na kami bago pa lumubog ang araw.

"Do you want her to be your mommy?" Seryosong tanong ni Xenon kay Lancelot.

Tumango naman ito at naglalambing na yumakap kay Xenon. "She's very amazing. Can't she be a mommy to me?" Dagdag pa nito.

Niyakap naman ito pabalik ni Xenon. "Of course she can be. Basta payag naman siya na maging mommy niyo sa ngayon okay lang anak." Sabi niya rito.

"Yehey! We have mommy now!" Sigaw ni Lanaia at pumunta sa pampang para wisikan kami ng tubig.

Natawa na lang ako kahit na medyo naiiyak ako sa naging pag-uusap ng mag-ama. Siguro kasi dahil naoverwhelm lang ako na gusto talaga nila na ako ang maging mommy nila.

"I know that I'm not in the position to decide. I'm sorry Quebec that I dragged you into this mess. Hindi ko lang talaga kaya na maging malungkot sila. Lalo na ngayon na hindi ko pa naman maipapaliwanag ang kwento sa likod ng ina nila. Hindi pa rin naman kasi nila maiintindihan sa ngayon. Sa ngayon tiis ka muna na ikaw ang mommy nila. Dadagdagan ko na lang ang sahod mo."

Umiling ako. "Okay lang Xenon. Napamahal na rin naman sa akin ang triplets. Just like you, I always want them to be happy. Ayoko rin na nakikita silang malungkot o umiiyak. Maganda ang pagpapalaki mo sa kanila at alam ko na darating ang panahon na maipapaliwanag mo sa kanila ng maayos ang tunay na kwento. Kahit na ako mismo, hindi ko alam ang kwento sa likod ng pagiging single dad mo, hindi kita ni minsan hinusgahan. Kasi kagaya mo, niyo, may mabigat din akong pinagdaanan sa buhay."

"Parang ang bigat naman ng dinadala mo. Ang lalim nung sinabi mo." Sabi niya na may halong biro kaya parehas kaming natawa.

Nang manawa ang mga bata sa pagtatampisaw sa alon ay lumapit na sila sa amin para magpahinga. Humiga si Landon sa isang hita ko habang si Lanaia at Lancelot naman ay sa daddy nila.

"Dada I want to stay like this forever. May dada ako, may mommy ako at masaya kami ng mga kakambal ko." Lanaia said.

"Then stay a kid forever." Biro naman ng ama niya para maging light ang atmosphere.

Hinintay muna namin ang sunset bago kami bumalik na sa cottage. Tumulong na ulit si Xenon sa konting setup at ako naman ay inasikaso ko na ang mga bata. Gusto pa nga nilang magswimming pero hindi na sila pinayagan ni Xenon dahil kailangan ang presensya nila mamaya sa debut.

Kaya naman ang balak ni Xenon ay dito na kami magpalipas hanggang bukas para makapagswimming pa sila kahit sandali bago umuwi. Mukhang hindi na rin naman daw kasi kami makakauwi ngayong gabi lalo na at may inuman palang magaganap mamaya. May kalayuan pa naman ang bahay nila Xenon kaya mas mabuti pa nga na rito na lang kami magpalipas ng gabi.

"I'm very happy today!" Lancelot said while I'm cleaning them here in the bathroom.

"Me too!" Landon said half shouting.

"Me three!" Lanaia said.

"I'm glad that you're all happy." Sabi ko sa kanila saka ko sila hinalikan sa mga nuo nila.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora