CHAPTER 12: BEACH

Start bij het begin
                                    

"Sure baby." Natuwa naman ito sa sinabi ko at tinuruan na ulit ang mga kapatid kung paano lumangoy kahit na mukhang hindi naman tama ang mga pinagsasasabi niya.

Nagdala ko ng isang pares ng rash guard at isang pares ng swimsuit na kulay red. Baka kasi mamaya ay ma-out of place ako kung puro nakabikini sa pupuntahan namin. May makailang beses na rin kasi akong nakapunta sa ganong mga beach. Kaya itong swimsuit ko ay second option ko lang naman. Hanggat maaari mas gusto ko ang rash guard kahit na maganda naman ang kutis at hubog ng katawan ko. I'm not the kind of lady that will always grab the chance to wear revealing outfits. Mas gusto ko yung mga damit na komportable ako.

"I'm done packing. Come on outside. Lagay na natin yung mga dadalin natin sa sala para wala ng maiwan o makalimutan."

Excited naman silang lumabas at dahil hindi pa kami pwede umalis agad ay nag-umpisa na silang mainip. Maya't-maya ang tanong nila kung aalis na ba kami o kaya naman ay sinasabi nila na nag-umpisa na ang debut celebration ng tito nila at late na sila.

Tinatawanan lang sila ng daddy nila na panay pa rin ang luto at laging sinasagot ang mga bata na hindi kami makakaalis hanggat hindi pa tapos ang niluluto niya. Ilan daw kasi ang mga niluluto niya sa mga handa sa birthday kaya hindi kami pwedeng umalis nang wala ang mga pagkain.

"Here. Para kahit papaano matanggal ang inip niyo." May nilapag ang lolo nila sa sahig na ilang salbabida at isang pambomba.

Agad naman nag-agawan ang tatlo sa mga salbabida lalo na sa design. Pagkatapos nilang makuha ang mga salbabida na gusto nila ay binombahan 'yon isa-isa ng lolo nila habang inaalalayan namin. Habang palaki nang palaki ang mga salbabida ay mas lalo silang nasasabik pero medyo nawala na sa isip nila ang inip.

Pinaglaruan tuloy nila ang mga salbabidang ngayon ay may hangin na para pampalipas oras. Nang matapos si Xenon sa niluluto ay kumain muna kami bago pumunta sa resort. Sa sobrang excitement ng mga bata ay hindi na sila makakain ng maayos kaya naman napilitan pa si Xenon na takutin sila para lang kumain sila ng maayos.

Dalawang kotse ang ginamit namin paalis. Isa para sa mga magulang ni Xenon at sa likod nakalagay ang mga niluto ni Xenon. Habang sa isang kotse naman ay kaming lima. May kalayuan ang resort kaya nakatulog si Landon at Lanaia sa byahe.

Pinagtawanan tuloy sila ni Xenon. "Hayan kasi. Mga hindi mapakali kanina. Ayan di pa nakakalangoy mga knockout na. Paano pa kaya mamaya pag-uwi."

"Siguradong knockout sila mamaya pag-uwi. Kung alam mo lang ang mga pinaggagagawa nila kanina nung sinabi mo sa kanila na maggayak ng gamit pangswimming. Si Lanaia, tinuturuan pa niya yung dalawa kung paano ang tamang swimming at diving. Kahit na halatang hindi rin naman siya sanay."

Lalong natawa si Xenon sa kwento ko. "Ganyan talaga sila. May pagkasabik kapag sa swimming. Ilang beses ko na nga rin naisipan na paggawan ng pool ang garden ni mama pero hindi niya ako pinayagan. Baka raw kasi magbabad lagi sila nang magbabad sa pool o di kaya baka kapag walang nakatingin, bigla na lang silang lumusong sa pool. Kaya hindi ko na rin tinuloy yung plano na 'yon. Saka na lang kapag malalaki na sila."

Nag-iwas ako ng tingin. Gusto kong masilayan na lumalaki ang triplets. Pero sigurado ako na hindi mangyayari 'yon dahil hindi ako pwedeng magtagal na babysitter nila dahil sa illegal na trabaho ko. Pero sana lang naman e. Wala naman masamang mangarap.

Maging ako ay nakatulog sa byahe dahil sa layo kaya nang gisingin ako ni Xenon ay ginising din niya ang mga bata dahil tulog na tulog din ang triplets sa likod. Halos isang oras din kasi ang byahe namin.

"Dadalhin ko muna kayo sa malaking cottage kung saan nirentahan ng tita ko para sa ating lahat. May isang room na nakalaan para sa atin nila mama. Babalikan ko kasi sila mama para tulungan sa ilang gamit."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu