CHAPTER 4: Brother Drake •

Start from the beginning
                                    

"Sige ipakita mo nang masumbong kita kay mama." Nakangisi niya sabi. Kumunot ang noo ko at padabog na naubo sa gilid ng puno. Hindi ko na siya pinansin dahil baka kung ano pa magawa ko sakanya. Nang gigigil talaga ako.

Nakaharap ako ngayon sa malawak na palayan sa lugar namin. Mas maganda pa tong tingnan kaysa sa pagmumuka ni kuya Drake.

Ilang minuto akong nakatingin doon habang nililipad ang aking buhok dahil sa hangin. Nang kumalma ako naramdaman ko na naupo sa tabi ko si kuya Drake.

"Oh ano?!" Ani ko sabay lingon sakanya. Nakatingin lang siya nang diretso kung saan ako nakatingin kanina.

"May tanong lang ako." Kalmadong sabi niya. "Pinapatanong lang ng kaibigan ko.

"Ano?" Tanong ko at ibinalik ang tingin sa palayan.

"Pano mo daw malalaman na gusto mo na yung isang tao?" Tanong niya kaya muli akong napalingon sakanya. Tinaasan ko siya ng kilay at napangisi. Kaibigan niya ba talaga nag papatanong neto, duda ako.

"Ano?! Pinapatanong nga lang, alam mo namang wala akong alam sa mga ganyan e." May kaunting pag kairita sa boses nya. Napatango nalang ako dahil totoo naman, wala pa talaga siyang nagiging Girlfriend.

"Ahm.... Siguro pag palagi mo siyang iniisip o di kaya pag gustong-gusto mo siya makita." Sabi ko.Ganon nararamdaman ko kay Ostin.

"Yun lang?" Parang bitin pa sya ah.

"Pag tumitibok din yung puso mo?" Sabi ko, hindi naman ganon kalawak ang kaalaman ko pag dating sa ganyang bagay. Siguro nag uumpisa palang akong matuto dahil kay Ostin.

"Aray!" Daing ko nang bigla niya akong batukan.

"Malamang tumitibok naman talaga puso natin, normal lang yon." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Hampas ko kaya to sa pader ng matauhan.

"Ano ba?! Ang ibig kong sabihin pag sobrang bilis ng tibok ng puso mo pag nanjan siya, in romantic way!" Hiyaw ko sakanya.

"Romantic way daming alam!" Ani niya sabay irap.

"Nag tatanong ka tapos ganyan ka naman." Sabi ko. Rinig ko ang pag buntong hininga niya, mukang problemado sa love life ng iba ah.

"Eh a-ano naman yung..." Tila nag aalangan pa siyang sabihin yon.

"Ano?" Sagot ko sabay lingon sakanya.
Tahimik akong nag hintay ng sagot niya.

"Ano naman masasabi mo sa mga LGBTQ+ pag dating sa pag-ibig nila?" Seryosong tanong niya

"Okay lang naman sakin yon. Choice naman nila yon, saka hindi naman natin pedeng pakielaman relasyon nila. Kung ano ang gusto nila at mag papasaya sakanila dapat suportahan nalang natin. Wala naman tayong karapatan na pigilan sila, lalo na kung pag dating sa pag-ibig." Sabi ko. Tiningnan kong mabuti ang muka niya. Napakagat siya ng labi at napatingin din sakin.Huminga siya ng malalim at napatango.

"Ikaw ah, san mo nakuha 'yang mga ganyang linyahan." Pang-aasar niya sakin. Siguro di niya tanggap na mas matino ako kausap kaysa sakanya.

"Tsk." Sabi ko saka iniwas ang tingin sakanya.

Wala naman talaga akong problema sa mga ganong topic. Hindi big deal sakin yon dahil marami akong kaibigan na gay sa rp, mas mabait pa nga sila kumpara sa ibang lalaki. Saka alam kong pinag kakatiwalaan nila ako dahil madalas silang mag sabi sakin about sa mga bf nila. Kaya siguro mas naging open minded ako pag dating sakanila. I always support them, dahil alam kong sila mismo ang pumili ng mag papasaya sakanila.


Nang matapos ang usapan namin ni kuya ay napag pasyahan kong bumalik sa kwarto ko.

Nung makapasok ay tiningnan ko agad yung cellphone ko.

15 missed call.

At muling nag ring ang cellphone ko at nakita ko sa screen ang pag mumuka ni Ostin. Sinagot ko na yon at nahiga sa kama ko.

"Eliii ko" May pag lalambing na tawag niya sakin.

Napansin kong naka upo siya sa kama at nakasandal sa headboard ng bed niya. Saka nakapatong ang loptop na gamit niya ngayon sa unan na nasa hita niya. Nakasoot siya ng white t-shirt at mejo magulo ang buhok.

"Ano?" Kunyaring inis na sabi ko. Pero ang totoo hindi na ako gaanong nag tatampo

"Sorry na hindi na mauulit." Ani niya at nag papa cute sa harap ko. Talagang di na dapat maulit!

"Sus sabi mo lang yan." Sabi ko sabay irap sakanya.

"Totoo nga. Promise mag uupdate nako palagi, hindi lang talaga ako nakatulog non." Pag papaliwanag niya.

Hindi ako sumagot at hinintay ang susunod niya pang sasabihin. Easy to get ako pero dapat matagal mag pasuyo noh.

"Eli" tawag niya sakin pero di ko siya pinansin.

"Amira?" Malambing na tawag niya sakin. No way, di mo makukuha sa ganyan mo.

"Baby?" Tawag niya sakin.

"Ahm?" Shit.

Rinig ko ang mahina niyang pag tawa kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin ulit. Kunyari pa syang napaubo dahil don.

"Sorry na kase. Bati na tayo please" ani niya.

"Dun ka mag sorry sa babae mo."sabi ko. Kumunot ang noo niya at maayos na napaupo.

"Baby wala akong babae."Mariin na pag kakasabi niya. " Kung nag ooverthink ka dahil don, tigilan mo na. Dahil wala akong babae okay? Talagang nag laro lang ako." Seryosong sabi niya dahilan para mapakagat ako sa ibabang labi ko, hindi ko alam ang isasagot ko sakanya.

"Don't worry I'll give you a extra assurance that you need." May ngiti sa pag kakasabi niya.

"Oo na." Pagsuko ko, ano pa bang masasabi ko don bibigyan daw ako ng extra assurance!

Tumingin ako sakanya at nakita kong naiiling siyang ngumiti sakin. Sabay kindat. Sus palibhasa alam mo kung pano ako paamuhin e!

"Kantahan nalang kita para mawala na sa isip mo 'yang mga negative."

Sexylove_

Mr. Dating app (Internet Love)Where stories live. Discover now