CHAPTER 3: My friend•

9 1 0
                                    

Ostin Juaquin Velasquez sent you friend request.

Nakita kong notification sa fb. Dahil ibinigay ko na sakanya account ko, tutal kami naman na dapat mag level up na rin kung saan kami nag uusap noh.

Pinindot ko ang profile niya. At nakita ko ang profile picture niya. Ang pogi niya! Naka upo siya sa harap ng mesa at naka pangalumbaba. Na ang tingin ko ay kumain sila sa isang mamahaling resto dahil kita sa pagkain at sa paligid na maayos. Mukang dinner date. Malawak din ang ngiti niya- mukang natural sakanya ang pagiging masiyahin. Naka bagsak ang straight niyang buhok na hanggang noo niya lang, at dahil sa ngiti niya lumabas din ang dalawa niyang dimple sa pisngi. Maganda din ang mga mata niya at matangos ang ilong. Ang cute niya for real. He looks so soft.

Inaccept ko na ang friend request niya at wala pang isang minuto biglang nag ring ang cellphone ko at nag flash sa screen ang profile niya. Video call?

Agad akong napatayo at pumasok sa cr. Tiningnan ko ang sarili ko at mabilis na nag ayos ng muka. Nakakahiya baka makita niya akong dugyot noh! Inayos ko ang bangs ko at ang soot kong panjama unicorn.

Noong matapos ako ay bumalik muli ako sa pag kakaupo sa gaming chair ko. At inilagay ang cellphone sa harap ko, kinakabahan ako dahil ngayon palang kami mag faface time.

Noong nasagot ko na yon, bumungad sa akon ang malawak na pag ngiti ni Ostin. Kitang kita ko ang malalim niyang dimple,nakasoot siya ng kulay gray na hoodie habang kita ko naman sa background niya ang kulay blue na ilaw sa kwarto niya at mga anime na nakadikit sa wall niya. Looks like Rk!

Ang cute mukang perfect combination kami kase ako kulay pink naman ang mga gamit ko at naka soot naman ng unicorn pajama!

Nahihiya akong ngumiti sakanya.

"So cute." Mahina pero rinig kong sabi niya. Siya nga tong cute e!

"H-hi." Nahihiya kong bati. First time naming mag face time kaya hindi ako sanay!

"Helo baby." Sabi niya habang hindi parin naalis ang mga ngiti sa labi niya.

Napakagat ako ng labi, hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Mejo awkward pala sa umpisa pero noong nag tagal na, nagsimula na siyang gumawa ng topic dahilan para maging komportable at tumawa ako.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag tawa, narinig ko ang pag katok ng kung sino sa labas ng kwarto ko.

"Amira!"tawag ni mama mula sa labas. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling itinaob ang cellphone ko.

"Wag kang maingay." Mahinang sabi ko habang nakalapit ang muka sa cellphone ko. Iniwan ko yon doon sa table ko at mabilis na pinagbuksan si mama ng pinto.

"Bakit po?" Tanong ko sakanya at pilit itinatago ang kaba.

"Kakain na." Sabi niya at tila may sinisilip sa kwarto ko.

"Ahh opo susunod na po ako." Sabi ko

"Nak may kausap kaba? Narinig kitang tumatawa kanina." Tanong niya sa akin. Mas domoble ang kaba ko sa tanong niya.

"Ahmm...." Kailanga ko ng magandang palusot dahil narinig na niya akong tumatawa. "Ah! Si Lea po kausap ko." Nakangiti kong sabi. Pinsan ko si Lea at mejo close din kami non.

"Ganon ba." Napatango tango naman siya. Noong makumbinsi na ay bumaba na sya para mag hain.

Agaran naman akong pumasok ng kwarto ko at tiningnan ang cellphone ko. Pag kaharap ko sa screen nakita ko siya na naka harap na ngayon sa computer niya. Patagilid ang camera niya kaya kitang-kita ko ang side view niya. Maganda ang hubog ng muka niya kita ko din ang matangos niyang ilong.

Mr. Dating app (Internet Love)Where stories live. Discover now