"Damn it! Next time magdahan-dahan ka nga!" Sigaw ko pa na ikinabigla nila, especially siya sa biglaang outburst ko. Hindi ko nalang sila pinansin at umopo nalang pabalik.

"Dahan-dahan lang kasi Raine. Ikaw talaga hindi ka naman namin uubusan tsk." Sermon ni Francisco sa kanya. Napayuko naman ito bago kumamot sa kanyang batok.

"P-pasensya na masarap kasi masyado at nakakatakam. Sino po ba ang gumawa nito?" Kinuha ko naman ang bag ko at kinuha doon ang tissue bago ibigay sa kanya.

"Take this and wipe your lips. Ang kalat mo tss." She hesitated, nung una, but nung ilalayo ko na sana ay kinuha niya lang ito.

"T-thank you." I nodded as a response. Bago ulit kumain at hindi na umimik pa. Hinayan ko nalang silang mag-usap habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig.

"So, do you have a boyfriend now, Rainey cutie?"

Pansin ko naman na natigilan ang katabi ko sa tanong na yun habang ako naman ay hindi nagpapa-apekto sa tanong na iyon ni Athena na ramdam ko na kanina pa nakatingin sa akin.

This bitch at parang sinadya niya talaga na lakasan ang tanong na yun tsk!

"Actually, wala pa and I have to focus on my career, since dito na kami mag stay sa Pilipinas ngayon for good." Damn ewan ko ba, pero nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi niya. Baliw na ba ako? Tss.

"Wala pa daw, so may pag-asa ka pa babe." I look at Andrew, na naka ngisi ngayon sa akin. I mouthed him, Shut up, na ikinailing niya lang. That jerk! Nagulat naman kaming lahat sa biglaang pagtayo nito na tela nagmamadali.

"U-uh, sorry guys, may kumagat kasi sa akin kaya ayon hihi." I look at her intently at bahagyang napangisi sa rason niya. You're not good at lying, Dela Cruz. Not good.

I looked at Andrew, and I took his hand. Ibabaw nang lamesa na ikinagulat niya. Ramdam ko naman na nakatingin sa akin ang katabi ko ngunit hindi ko nalang sila pinansin.

Let's see if you're not affected by what you witnessed now, Dela Cruz.

"What the heck are you doing?!" Andrew said at pinanlakihan ako ng mata. Ngumiti naman ako sa kanya bago bumulong.

"Just go with the flow, you dumbass," I said and smirked. Ramdam ko naman ang tingin sa amin ngayon ng lahat lalo na diyan sa isa.

"Tsk ipapahamak mo pa ako. Ang sama tuloy makatingin." I innocently look at him, bago kumuha ng cake at itinapat ito sa bibig niya.

"Who? And please eat this for me? Hmm." Pinalambing ko naman lalo ang boses ko na ikinairap niya. Natawa naman ako ng lihim dun habang napakagat sa ibabang labi ko.

"Fine! Pasalamat ka at wala dito ang fiancé ko tsk." I smile in victory, nang ibinuka niya ang kanyang bibig. Hindi paman siya natapos sa pagnguya ay nagulat nalang kaming lahat na biglang tumunog ang cellphone nito na nakalagay sa ibabaw ng lamesa.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang nakalagay na pangalan sa screen nito.

Alexander Calling...

Who is that guy? Akala ko ba wala siyang boyfriend? Bakit teka, why am I so affected? Tsk edi magsama silang dalawa tss.

"Excuse me guys, sagutin ko muna."

Tinanguan naman nila ito habang ako naman ay sinundan lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Ewan ko, but namalayan ko nalang ang sarili ko na tumayo.

"I'll just go to the comfort room. Excuse me." Paalam ko pa sa kanila at hindi nalang pinansin ang mga tingin nilang may ipinahiwatig.

I just shrugged my shoulders at agad sinundan ang daan na tinahak ni Dela Cruz, which is sa likod ng mansion nila Aphro. Hindi ko pa man ito nakikita ay narinig ko na ang mahina nitong pagtawa.

"Really? Haha, sige bukas at doon nalang tayo magkita sa hotel." Dinig kong sabi niya. Nagtago naman ako sa likod ng malaking halaman para hindi niya ako makita.

I know listening to someone's conversation is bad, but hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ako nakakasigurado kung sino ang lalaking tumawag sa kanya.

"Sige na babe at baka hinahanap na ako sa loob. Bye, I love you."

Napakuyom naman ako sa aking kamao matapos marinig ang sinabi niya sa lalaking yun. Babe? I love you. Tsk. Akala ko ba wala siyang boyfriend? Bakit maypa, I love you, pa. Tss! Pero ano bang paki ko? Edi magsama silang dalawa, grr!

"Oh, nandiyan ka pala."

Napakurap-kurap naman ako nang makita ko siyang nasa harapan ko na pala. Damn. Ilang beses ba akong matutulala ngayon? Tss. Tinignan ko naman ito ng mataman bago nagsalita.

"I thought you didn't have a boyfriend?" Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi ko na ikinagulat niya.

I cursed myself dala ng pagkatanga ko. Damn you, Astrid!

"S-sorry if I ask, it's okay naman if hindi mo sagut-" When I was about to finish what I said, nang pinutol niya ito.

"I don't have one. Kaibigan ko lang siya." Kunot noo niyang sabi na tela nagtataka sa kinikilos ko. Kaibigan? Pero, may I love you? The hell!? Pinagloloko niya ba ako?

"If you say so." Walang gana kong sabi at nilampasan siya. Umopo naman ako sa bench malapit sa gilid ng pool at bumuntong hininga sabay tingala sa langit.

"Okay, hindi ka ba muna papasok?" Nilingon ko naman ito sa kinatatayuan niya kanina. I thought she'd be leaving already. I look away. Bago pa ako ulit magday dream sa harap niya. Mahirap na at baka mapahiya na naman ako.

"You can go first. Pakisabi nalang sa kanila na mamaya na ako papasok." Saad ko at ilang sandali pa ay narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Okay." Hindi nalang ako sumagot at narinig ko nalang siyang pumasok sa loob.

Napabuga nalang ako ng hangin at namalayan ko nalang na may tumulong luha na pala sa kaliwang mata ko.

Damn it! Ang sakit parin talaga at hanggang ngayon ay ikaw parin. Siya parin. Damn. Ano na ang gagawin ko ngayon? Ano na ang gagawin ko para maalala niya ako ulit? Susugal pa ba ako o tanggapin nalang ang katotohanang hindi kami itinadhana sa isa't-isa?

What should I do to make you remember me and to make you mine again, Dela Cruz?

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now