"Okay, sorry. Magtitino na...... bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nya at bigla akong napakagat sa ilalim na labi ko. Kainis! mula sa mapang asar na boses ay bigla naman syang naging sweet!

"Nagising kase ako... ikaw bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ng kalmado lang baka magmukhang naglalambing ako ng pabalik sa kanya.

"Hmmm.... namimiss na kita eh. Baka sa party na tayo magkita kase sasama ang mga magulang ko sakin dyan sa Cebu." saad nya. Ang sinungaling ko kung sasabihin ko na hindi ko hinahanap hanap ang presensya ng barabas na 'to!

"Ipapakilala kita..." excited na sabi nya na syang kinakabog ng puso ko sa samut saring emosyon. Hindi ko alam bakit na-touch ako kay Roi sa idea na ipapakilala nya ko sa mga magulang nya. Kaso......

"Nakakahiya..." halos pabulong na sabi ko habang kagat ko na yung kuko ko sa kamay ko. Hindi akma ang kagaya ko na isang rape victim kay Roi. Hindi matutuwa ang mga magulang nya.

"Huh? Bakit naman? They will like you... ikaw pa lang yung ipapakilala ko sa kanila... kaya kilabutan kang busted-in ako!" masaya at mayabang nyang saad kaya napaikot sa ere ang mga mata ko. Napakayabang!

"Bakit parang utang na loob ko pa?" sarcastic na tanong ko na syang kinatawa nya ulit sa kabilang linya. Napaka talaga wala na kaming normal na usapan sa totoo lang.

"Daph bawasan mo nga yang kamalditahan mo..." pang aasar pa nya. "Wag ng magsungit... Miss mo na ko?" usisa nya at parang umurong ang dila ko sa biglang paglukso ng puso ko sa kaba at taranta.

"U-uuwi ka naman eh..." nasabi ko na lang.

"Gusto mo umuwi na ko dyan ng mas maaga?" masayang tanong nya.

"Spend more time with your family..." mahinang pagalit ko na kinatawa nya.

"Tinatakwil na ko ng Dada at Mommy ko at sabi nila kapag niloko kita ay wag na wag na daw ako babalik dito sa pamamahay namin.... " tuwang tuwang kwento nya na kinangiwi ko. "Sabi ko papaampon na lang ako sa mga magulang mo para habang buhay na tayo na magkasama."

"Ayos may taga laba kami..." sabi ko para panlaban sa emosyon na dumadapo sa puso ko sa mga oras na ito. Hindi kase ako karapat dapat sa kagaya ni Roi. Kawawa sya dahil magiging tampulan sya ng lait kapag naging kami.

................
Anong klase ito?

Heto lang yung ginagawa ko for 3 days straight! Ang samahan itong si Kaia sa unit nya dito sa hotel habang busy sya sa pagtatrabaho. Wala akong ginagawa.

Napasunod ang tingin ko sa kanya ng ilabas nya yung sampung bote ng wine na may iba't ibang label date. May magnetic aura ang babaeng 'to na tipong ang hirap ignorahin. Maganda sya. As in maganda kahit na anong anggulo at kahit sa mga oras na ito na gulo gulo ang buhok nya dahil sa bara barang pagtali nya sa mahabang buhok nya.

Mukha syang modelo na susundan mo talaga yung bawat kilos nya. Ang lakas pa ng dating dahil isa syang wine maker.

Mayamaya ay may binaba syang dalawang wine glass.

"Try natin...." saad nya at naupo sa katapatan ko.

Pinagsalin nya ko ng wine sa wine glass na nilagay nya sa harap ko.

"Naniniwala ka ba sa kasabihan na yung lasa ng first kiss mo sa taong mahal na mahal mo ay parang lasa ng isang matamis na wine?" tanong nya na kinatigil ko. Hindi ko alam. Wala naman akong naging karelasyon. Bigla ko tuloy naalala si Roi. Hahalikan daw nya ako kapag naging kami.

Ang lakas makademonyo ng isip talaga!

Napaangat ang tingin nya sa akin ng hindi ako nakasagot.

"Hindi pa?" tanong nya kaya nahihiyang napailing ako. Napatawa sya.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now