I inhaled deeply. Nanlalambot na ang puso ko pero ngayon ay tunaw na yata dahil sa mga narinig ko. Those were just my dreams but how could I ignore the trust in his voice when he said that he knew I could do it on my own?

Kalmado at tuwa ang isip ko nang makatulog sa ganoong posisyon. Nagising akong nakatalikod na sa kanya habang nakayakap siya mula sa likuran at nakabaon ang mukha sa aking batok. Doon nga yata ako naalimpungatan, sa hininga niyang nakakakiliti sa balat.

I bent my arm to look at my wristwatch. It's already four in the morning. Dalawang oras din pala akong nakatulog at pakiramdam kong iyon ang pinakakumportable. I should go home before Chique wakes up. Marahan akong kumawala sa mga braso ni Ajax at hindi naman siya naistorbo.

I sat up and looked at his peaceful face. His lips were slightly parted and his hair was on the down side—covering his eyes. I suddenly didn't wanna go home but I had to! Hinaplos ko ang pisngi niya saka yumuko para patakan siya ng malambot na halik sa noo bago lumabas ng kuwarto. Kinuha ko lang ang mga gamit ko at umalis na.

I slept again and woke up at ten in the morning with a comforted mind. I had an indistinct dream but never mind. I didn't wanna force myself to remember.

I texted Hera. May usapan nga pala kami ngayon ni L.

Ako:
Can I come over?

Nag-text din ako kay L kasi miss na raw niya si Hera.

Ako:
You coming with me?

L:
Yup! Sunduin na ba kita?

Ako:
Hindi na. Do'n na lang tayo magkita.

I swear to God, pag naabutan ko ulit ang lalaki niya roon ay hindi na ako magdadalawang isip na pagsalitaan iyon ng masama para magising siya sa kalokohan niya.

I took a bath for an hour and went out. I chose a peach knitted shirt and skinny ripped jeans, this was from Hera too. I dried my ginger hair and styled it in a one-light braid. Natira ang maikling parte at hinati ko sa sentro para manatili sa magkabilang gilid lamang. Sinuot ko na ang puting sneakers at saka umalis ng compound.

I really had a comfortable night and rest. Maybe I should just ask Ajax to be my cuddle buddy from now on. I smirked at the thought of his possible reaction.

He's gonna blush again and hide his face.

Nilingon agad ako ng mga taong nakakita sa paglabas ko ng gate nila Ate Anj. Hindi na bago iyon at nakasanayan ko na talagang maging atraksyon tuwing dumaraan.

"Hi, Sorcha!" Kumaway si Jin sa akin.

"Parang artista talaga si Sori, oh!" puri ni Ate Anj na naroon sa tindahan nila Jin at kumakain ng tinapay habang kausap ang Lola at Tita ni Jin.

Binati rin ako nila Nestor sa tapat ng gate. Tinanguan ko lang.

"Oo nga, eh! Apo, halika nga saglit!" tawag sa akin noong Lola.

Lumapit naman ako sa tindahan nila at medyo nahihiya. Madalas akong purihin ng mga matatandang kapitbahay at nangunguna ang lola ni Jin. Sa sobrang tuwa niya nga ay libre lagi ako kapag bumibili ng ice cream.

"Malapit na mag Santacruzan! Gusto mo bang sumali ro'n?"

I don't even know what that means. Hilaw lang akong ngumiti nang bigla silang mag-usap-usap tungkol doon at sumang-ayon. Sila-sila rin ang nagtatanungan sa sarili nila kung bagay sa akin maging reyna kasi halata raw na banyaga ako? I didn't get their topic at all.

To be honest, I don't care about it much because I'm not interested.

"Sige, apo! Mukhang may lakad ka!" puna sa akin ng Lola at hinawakan si Ate Anj sa braso. "Sabihin mo na lang sa akin kapag nakauwi na siya mamaya at makausap tungkol sa fiesta!"

Epicenter Tape #3: Wind Up MinutesWhere stories live. Discover now