"You're awake." Ramdam kong lumubog ang kama at ang kamay na humaplos sa pisngi ko. "How are you feeling?"

Inalalayan ako nitong makaupo at dinaluhan ako ng tubig. Ininom ko ito at muling binigay sa kanya ang basong wala ng laman. "I-I'm fine."

"You fainted last night." He eyed me suspiciously. "You sure you have migraine?"

Tumango ako dito habang hawak ang ulo ko. "My mom always let me take a single tablet everyday to avoid migraine attacks."

Nakatitig lang ito sa akin. His eyes were blank but I can perfectly feel that his mind is thinking about something that he can't spit out loud. "Is that so?"

I nodded my head and forced a smile. "Nga pala, anong oras na?"

"It's nine in the morning." He blew a loud breath. "I'll be out today. I'm going to take Sawyer out of my—"

"Sawyer?" I cut him. "You mean, your horse?"

Tumango ito. "Did Sharon tell you?"

Tumango rin ako rito at humikab. "Sasama ako. Miss ko na mag-horseback riding."

"You're not in a good shape, Kitty," he contradicted.

Inirapan ko ito at inalis ang makapal na comforter na tumatabon sa katawan ko. He tried to stop me as I got off from the bed and faced him.

"Migraine attack is just normal to me, Leslie. Don't be so over-reacting." Nag-inat pa ako ng katawan.

Napatili ako nang bigla ako nitong hinila at bumagsak ako sa kanyang kandungan. He snake his arms around my waist and put his chin on my shoulders.

"You made me worry, Kitty," he murmured.

Hindi ko alam kung bakit ngunit nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti sa sinabi nito. I feel something warm inside me that seems familiar.

"I'm fine, Leslie," I replied. Hinawakan ko ang pisngi nito at hinalikan ang kanyang ilong. "I'm good. Let's go?"

Parang napilitan itong tumango kaya tumayo na ako. Mabilis niyang hinuli ang kamay ko at sinabayan ako maglakad palabas ng silid na inuukupa ko. His hands holding my waist that I find territorial.

"About last night," he thrilled. "I already talked to Aling Aileen about that."

Napayuko naman ako habang pababa kami ng hagdan. Hanggang ngayon ay tinatablan pa rin ako ng hiya sa nangyari kagabi. She caught us!

"T-that's good," mahinang usal ko.

Silence filled us until we reached our destination, the kitchen. Namataan ko naman ang babaeng nakahuli sa'min kagabi na busy sa paglalapag ng pinggan sa mesa.

"Oh, Lace. Kain na kayo," pag-aaya nito nang mapansin ang pagpasok namin ng kusina.

"Thank you, Aling Aileen," wika ni Lace.

Inilapag ni Aling Aileen ang isang basong may lamang tubig sa gilid ng isang pinggan bago nag-angat ng tingin sa amin. "Ayos lang, Hijo. At isa pa, matagal-tagal na rin nang huli kang bumisita dito."

Tipid na ngumiti si Leslie sa kanya at muling nagpasalamat. Nagpaalam naman ang ginang na aalis dahil mamamalengke pa raw ito sa bayan.

"Eat up now, Kitty. Stop staring at the plate," he said after putting many vegetables on my plate.

Sinamaan ko ito ng tingin. "I don't like vegetables."

"Don't lie to me I know you like it," he replied. "Here. You love eating cabbage."

Pinanliitan ko ito ng mga mata. "Did you hire someone to investigate me?"

Kita kong natigilan ito. His gaze lifted at me. "What?"

I bit my lip. "First, you knew my second name. That's weird, you know. Only Dad and my uncle's family knew and call me that name. How come you know that, too?"

"Wha—"

"Second, you knew my favorite dish is chicken adobo. Even my Mom didn't know that one so it's impossible that it was her who tell you all that," I cut him. "And now, you said I love cabbage. We never talked about our favorites."

Natahimik ito. Pinanood ko kung paano naging blanko ang expresiyon nito at kung paano nawalan ng emosyon ang mga mata nito.

"Think what you want to think, Kitty." His voice came out cold. Tumayo ito at tinitigan ako. "I lost my appetite. I'll be at the farm."

Walang lingon itong umalis ng kusina habang ako ay pinanood siya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Mapakla akong natawa nang ako na lang mag-isa ang nandito sa dining room.

Bakit ayaw niyang sagutin ang tanong ko? It's just between yes and no. What's so hard about that?

"Keith, hija."

Napakurap-kurap ako at nabitawan ang kutsarang mahigpit ko na palang hinahawakan.

Nilingon ko ang nagsalita at pilit na ngumiti. "A-aling Aileen..."

She smiled and went to me. "May problema ba kayo ni Lace?"

Kahit gusto kong magsinungaling, nakita ko na lang ang sarili kong tumango. "Opo, e."

"Kaya pala." Umupo ito sa inupuan ni Leslie kanina. "Akala ko pa naman maayos na kayo."

"A-akala ko rin po," I replied. "Aling Aileen, t-tungkol po kagabi—"

"Ano ka ba naman, hija. Ayos lang 'yun. Sa susunod, doon niyo na sa kwarto gawin. Huwag na rito sa kusina," pagpuputol nito sa sasabihin ko.

Namula ang pisngi ko sa narinig kaya napayuko na lang ako. "O-opo."

Natawa ito ng mahina. "Nga pala, hindi ka ba bibisita sa farm mamaya? Doon ang punta ni Lace dahil gusto niyang ipasyal dito sa bukid si Sawyer."

Tumango ako. "Mamaya na po siguro. Hindi ko rin po alam nasaan ang farm ni Lace, e."

"Paanon hindi mo malalaman? E, pagkalabas mo ng mansiyon na 'to, sa kabilang banda naman ang farm ni Lace. Gusto mong samahan kita?"

"Huwag na po, Aling Aileen." Umiling-iling ako. "B-baka may lakad pa po kayo sa bayan."

"Ay, oo nga pala!" Napakamot ito sa kanyang kilay. "Basket pala ang pinunta ko dito sa kusina. Pasensiya ka na, Hija. Nagiging makakalimutin ka talaga kapag may edad ka na."

Natawa ako dito at pinanood siyang kunin ang basket na pagsisidlan daw niya ng mga gulay para mamalengke.

"Aling Aileen, malayo po ba ang bayan? Pwede pong sumama?" I asked.

Tumingin ito sa akin at umiling. "Mahigpit na tugon ni Lace na huwag kang paalisin. Dito ka na lang. O 'di kaya, magpasyal kayo ng asawa mo sa bukid. May falls naman dito."

Napasimangot ako nang tuluyan nang lumabas ng pinto si Aling Aileen. Bumaling ako sa aking plato at nagsimula nang sumubo.

Kainis naman! Daig ko pa ang preso.

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now