Masyadong mabilis ang pangyayari naramdaman ko nalang ang labi nya sa labi ko. Nagwawala na ngayon ang puso ko. Nang humiwalay sya ay tulala parin akong nakatingin sa kanya. Unti-unti naman sumilay ang ngiti sa kanya.

"I'm sorry kung hindi ako katangkaran para mayakap ka." agad nagwala ang puso ko ng mahigpit nya akong niyakap at hinawakan ang ulo ko. "But I can also give you tight hugs just like tall guys"

"I will not promise you that I can protect you. But I will fight for you" bulong nya. Papatayin nya ba ako sa kilig? Pusa naman ang puso ko, nagwawala na! "Teka anong shampoo mo? Ambanngo" what the heck?!

"I'm small but I can give you my big world. I don't care if people make fun of us, because what matters for me is you." bulong nya ulit habang yakap ako. "I swear, ayokong matapos 'to."

"But I need to let you go, baka di ka na makahinga" natawa pa ako ng bitawan nya ako saka sya ngumiti. Nagugulat ako dahil mabilis nyang kinuha ang kamay ko at pinagholding hands. Halos di na ako makahinga dahil sa tibok ng puso ko! Gosh, ano bang ginagawa nya?!

"Matagal ko nang gustong gawin 'to. Yakapin ka, makipag-holing hands sayo. Walang araw na di ka sumasagi sa isip ko, Mayumi. Kahit sa pagtulog, damn. What did you do?" tanong nya habang tumitingin sa kamay naming magkahawak. Nang di ako sumaagot ay tumingin sya sakin. Napaiwas ako ng tingin.

"E-ewan ko"

Nanlaki ang mata ko ng ilapat nya ang labi sa kamay ko. "I love you"

"B-bansot" utal na sabi ko. Grabe na ang pagwawala ng puso ko. I can't take this anymore.

"I love you, Mayumi" nakangusong aniya kaya napaiwas ako. Nahihiya ako. Namumuo narin ang luha sa mga mata ko.

"Totoo na ba yan? Baka mama---"

"I love you," pigil nya. Nakanguso parin.

"Hindi kasi,naniniguro lang---"

"I love you, how many times do I have to tell you?!"

"Eh kasi baka mama---"

"Come here" seryosong aniya. Kinabahan naman ako.

"B-bakit nanaman?"

"I will land you a thousands of Kisses if you---"

Pinamulahan ako! I hate you Bansot! I hate you!

"I love you, Mayumi" malambing nyang sabi. Kainis.

"I- I love you too"napapaiwas na sabi ko.

---

Hindi ko alam ang gagawin habang nakahiga sa kama. Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa nangyari kahapon. Hanggang ngayon naalala ko na totoo na ang lahat. Hinalikan nya ako ng hindi aksidente. Napahawak ako sa labi ko. Hindi na mawala sa isip ko ang ginawa nya. Napatakip ako sa mukha dahil sa sobrang init ng mukha ko!

"Ate,may bwisita ka" kunot-nuo akong napatingin kay kisig na ngayon ay bihis na. Naka-uniform narin ako pero bumalik ako sa pagkakahiga.


Lumabas ako sa kwarto. Unusual 'to na may buwisita kami nang ganitong oras. Pagkalabas ko sa kusina agad kong naabutan si Kisig na nagsasapatos na. "Alis na ako Ate!"sigaw nya. Agad akong tumakbo para sana sumabay sa kanya nang napahinto ako at napatingin sa mesa. Laking gulat ko ng makita si Bansot na prenteng nakaupo habang nakatingin sakin. Bigla itong ngumisi ng makita ako. Nagwala agad ang puso ko nang makita sya.

"Good afternoon"ngiting aniya saka tumayo. Napaatras naman ako "Bakit ka nandito?"sinikap kong wag mautal sa tanong na yun. Napangiti sya.

"Susunduin kita" maya maya pa ay gulat akong napatingin sa kanya ng lumuhod sya at sinuot ang sapatos ko. Feeling ko tuloy ako si Cinderella.

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now