"Mayumi, please... Sabihin mong oo."pagsusumamo ni Gelo. Napako ulit ang paningin ko kay Bansot. Hindi parin nya inaalis ang paningin sakin. "Hindi mo na ba ako mahal?"

Mahal na mahal pa rin kita.

Naramdaman kong namuo ang luha sa mata ko. Sh*t. Hindi pwede!

Naramdaman kong yumakap ulit sya sa likod ko.

"Thomas! May naghahanap sayo!" sigaw nung nasa pintuan. Agad na tumayo si Bansot at naglakad palabas. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko si Jella na sinalubong ng ngiti si Bansot. Nakangiti ding sinalubong ni Bansot si Jella. Para namang sinasaksak ng ilang beses ang puso ko. Doon na tumulo ang luha ko.

"Woaah"

Tumulo ng tumulo ang luha ko. Iyak ako ng iyak. Hindi ko na napapansin ang mga kaklase ko. Hanggang sa di ko namalayan na nagpupumiglas na ako kay Gelo.

"Bitiwan mo ko! Umalis ka na! Ayoko nang makita ka! Manloloko ka!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na kaya nasasaktan na ako. Akala ko ba kakalimutan ko na? Bakit ang hirap!

"Please... Wag mong sabihin yan alam kong mahal mo ako"

"Umalis ka na sabi eh! Ayoko na! Ayoko nang paulit-ulit mong masaktan! Paulit-ulit na maging tanga! Please umalis ka na... Kasi di ko na kaya"pagmamakaawa ko. At nanghihina ako lalo't nakita kong niyakap ni Jella si Bansot ng sulyapan ko sila.

"P-panagutan mo ang bata. Ayos lang ako. Wag mong pababayaan ang bata. Sana, wag syang lumaking walang ama. At lalong lalo na ang maging manloloko,katulad mo."






"Ayos ka lang?" tanong ni Gelo. Nandito ako sa rooftop,hindi ko alam na sumunod sya. "Ang galing mong umarte ah? Parang totoo"


Natigilan ako at napatingin sa kanya. Lumapit sya sa railings. "Kahit di mo sabihin, alam kong malungkot ka. Or iba..."

"Eto oh,palamig ka muna"inabot nya sakin ang magnolia. Tumingin nalang ako sa paligid habang sumisimsim. "I don't know if it makes you feel better if I share with you my same situation "

"Bakit? May nagugustuhan ka ba? Niloko ka?" dire-diretso kong tanong sa kanya. I feel bad kasi, I always see him smile. Saka lagi nya akong tinatanong kung okay lang ako pero ako hindi manlang magtanong kung meron ba syang problema. Napangiti sya saka sumimsim.

"Lately ko lang na realize , I have a huge crush to that weird girl" nanlaki ang mata ko. Sinong weird girl?

"S-si Shataff?!" gulat kong tanong. Natawa naman sya sa reaction ko. Anong nakakatawa?

" Am I not allowed to? Crush lang naman e." ngiting sabi nya. Pero duda ako. Sa ngiti nyang yan. "Pero I'm wrong."

"Bakit?"

"Akala ko, ako lang ang nakakakita sa ganda nya. Akala ko ako lang ang nakakapansin sa kanya. I didn't think to guard her kasi akala ko ako lang. Till I saw this guy, confessing to her."

Lalo akong nagulat sa sinabi nya! M-may nagkagusto sa kanya?!

"Yes. Sa inis ko,umalis na ako dun dahil ayokong marinig ang isasagot nya. But before I left, naunahan ako nung guy lumabas. There,I saw another guy. I saw them laughing. That's were I know na pinagloloko lang nila si Shataff so I immidiately walk to their direction and landed a straight hard punch to his damn ugly face!" galit na aniya. First time nyang magalit nang ganyan. Ang sakit din sa ilong ng pag-iingles nya pero nasanay na ako.

"Gelo, easy baka ako na masapak mo" sabi ko kasi grabe sya humawak sa railings. Baka ibaling sakin. Natawa naman sya.

"So,anong nangyari kay Shataff?"


Natigilan sya. "H-he saw that. I'm super embarassed. But, lumapit ako at hinila ko sya noon. No emotion as usual but I can tell that she's hurt."

"I don't know kung kelan nagsimula. Before kasi, I'm always with you. Tuwing dadating si Thomas,bigla nya akong hinihila para di makapag interfere sa inyo" nagulat ako sa sinabi nya.Napansin ko rin na parang sumusulpot nalang sya kung saan. Nagtataka ako kung bakit ginagawa yun ni Shataff? Anong reason nya?

" I ask her but she stopped me and ask me first."

"Gelo. Sandali. Pahinga muna ako. Nosebleed na e" kunwaring singa ko. Napailing nalang sya saka natawa. Pi-nat nya rin ang ulo ko. "Kung pwede nga lang sayo nalang ako magka-crush"

"Baliw ka!" hampas ko sa kanya. Natawa lang sya. Siraulo. "Yun na nga,she asked me kung meron daw akong gusto sayo. She's so annoyed kaya pinagtripan ko sya. So I said yes. I didn't fail, nakita kong umuusok ang ilong nya sa inis. Kung ano ano sinabi nya sakin so I asked her, bakit nya ginagawa 'to. Then she said, this is the way of her for saying thank you. Dahil daw kinausap mo sya nung first day of school." natigilan ako. Wala akong maalala pero may kinausap nga ako nung first day dahil natatae ako nun. Sinabihan ko sya na wag magsusumbong na nakautot ako. Napatakip ako sa labi.


"So sya yun?!" jeez... Nakakahiya pa naman ang eksenang yun. Napa-sigh nalang si Gelo at seryosong tumingin sa kawalan. "Kung may problema ka sabihin mo na"



Napangiti naman sya at tumingin sa kalangitan. "I think she's avoiding me now."

Nangunot ang nuo ko. "Bakit naman?"

"I confessed to her. Hindi ako nag-iisip." napapabuntong aniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam ang naging reaction ni Shataff nang sabihin nya yun. Kaya imbes na magsalita ay tinapik ko nalang ang balikat nya. Para naman maramdaman nyang nandito lang ako. Natawa ng tinapik nya rin ako. Para kaming mga tanga na kinokomfort ang isa't isa.

"Gagi ka. Sana pala sinabi mo agad sakin edi si Shataff yung naging leading lady mo!"

"It'll be awkward" tawa nya.


Nagpaalam na si Gelo na pupunta muna kay Ma'am Vasquez. Malapit na rin ang exam. May kumakalat na balita na magkakaroon daw ng prom ang mga grade 9! Bababa na sana ako ng hagdan para makarating sa room ng may humila sakin! Di ko namalayang nakapasok na ako sa isang classroom na walang tao. Napalingon ako sa pintuan dahil sumara ito at nakita ko si Bansot na kakaharap lang sakin.


"B-bansot"

---

:>

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now