Chapter 22

269 13 1
                                    

Paglabas nila sa kubo ay may nakaset up ng mahabang mesa malapit sa ilog at inayos na rin ang pinggan at baso sa mesa, pati mga pagkain ay halos naayos na din, iniihaw naman ang liempo,bbq chicken at kung ano ano pang seafoods, may mga prutas din at higit sa lahat ay iba't ibang klase ng inumin.

Ang mga lalaking kasama ni Miguel ay halos magaganda din ang katawan at di rin nagpatalo si Pat at ang kasama nitong babae. They are both wearing a two piece bikini, bagay naman nila dahil sa mga modelo nilang katawan. Ang iba ay lumalangoy na at ang iba ay nakaupo at umiinom. Lumapit si Pat kay Miguel at nagsimula silang magusap siya naman ay umiwas at tiningnan na lamang ang mga iniihaw pa na pagkain. Di niya maiwasang tingnan sila Miguel at Pat.

Seeing Pat with Miguel na naguusap at malapit sa isa't isa ay ramdam niya ang sakit o kaya selos, they look good together at ang mga halakhak ni Miguel na naririmig niya breaks her heart more. Para silang nasa date na walang pakialam kung nandoon man siya, ilang beses hawakan ni Pat si Miguel, minsan haplos at minsan hampas, umiinit ang ulo niya sa nakikita. Mukhang sinasadya yata ni Miguel. Nang nakahanda na lahat ang pagkain ay Isa isang lumapit ang mga ito sa lamesa at umupo, si Miguel naman ay hinapit siya sa harap ng kanyang mga kaibigan, showing them maybe that they are a happy couple, tinulak din ang isang upuan para umupo siya saka umupo ito sa tabi niya. Pakitang tao. Yun ang iniisip niya.

Nagsimula na silang kumain ng paunti unti ng nagtatanong ang mga kaibigan ni Miguel sa kanya. Tanong tungkol sa marriage nila pero madalas ay para tuksuhin lamang si Miguel. Nakikisama naman siya at mukhang mabait naman ang mga kaibigan nito si Pat lamang ang hindi nagugustuhan ang takbo ng usapan nila. Nang matapos ang pananghalian ay nagpahinga ang mga ito saka nagsimulang maligo sa ilog. Wala siyang balak maligo pero lumapit sa kanya si Miguel.

" let's swim." Yaya nito sa kanya.

" kayo nalang, hindi ako marunong lumangoy."

" just stay with me" sabi nito, takot man siya ay sumama siya kay Miguel, tinanggal niya ang kanyang shorts saka kumapit siya kay Miguel dahil medyo malalim na agad ang gilid ng ilog. Si Miguel naman ay mahigpit ang yakap.sa kanyang bewang, magkalapit ang kanilang dibdib at nararamdaman niya rin ang pagkalalaki nito. Medyo nasa gitna sila kaya mas lalo siyang natakot.

" you're torturing me, alam mo ba yun?" Bulong nito sa kanya.

" sabi ko naman sayo hindi ako marunong lumangoy" sagot  niya dito, gustuhin man niyang luwagan ang pagkapit dito.

" not that, this.." sabi nito at mas nilapit ang pagkalalaki nito sa kanya, dahil sa nakapulupot ang mga legs niya sa bewang ni Miguel ramdam niyang tumama rin kanyang pagkababae ang pagkalalaki nito. Ramdam din niya ang init na nagmumula sa kanyang katawan.

"I'm sorry, ipunta mo nalang ako sa gilid" sa pagiisip na nabibigatan ito sa kanya at sa init na naratamdaman.

" I won't, actually I want to feel you again but not in here" bulong nito saka lumangoy kasama siya hanggang sa gilid ng ilog kung nasaan ang waterfalls,dahil sa tubig na umaagos mula sa taas ay medyo hindi sila makita. Pinaupo siya ni Miguel sa isang bato at agad siyang hinalikan, malalim ang halik nito at napahawak na lamang siya sa leeg ni Miguel sa sarap. Natauhan lamang sila ng may marinig silang boses palapit sa banda nila. Ang mga kaibigan ni Miguel, nag eenjoy ang mga ito sa tubig at
Sa ganda ng lugar. Kumawala siya sa yakap ni Miguel at nagtampisaw sa tubig malapit sa kanya.

Buong hapon silang nagbabad sa tubig, panay ang yakap at halik ni Miguel sa kanya minsan ay wala na itong pakialam kung nasa harapan man nila ang mga kaibigan. Ramdam niyang naiinis si Pat pero di na lamang niya ito pinansin. Siya ang legal na asawa yun ang nasa isip niya kahit di niya maiwasang maasiwa. Magdidilim na ng pumasok lahat sa kanya kanyang kwarto. Ang iniisip niya baka uwian na kaya naligo siya agad sa banyo sa loob ng kwarto nila. Nagpaiwan si Miguel sa labas at kausap pa ang isang kaibigan. Nakabihis na siya ng pumasok ito.

" anong oras tayo aalis? " tanong niya dito habang hinahalungkat ni Miguel ang gamit at maliligo na din.

" pagkatapos nating kumain ng dinner we will go home."sagot nito.

Tumango tango siya saka lumabas sa kwarto, baka bumigay siya agad pag nagtagal siya sa loob ng kwarto. Pumunta siya sa labas ng kubo at umupo sa isa sa mga upuan doon, di na masyadong mainit kaya maaliwalas na ang panahon, inienjoy niya ang pag iisa. May narinig siyang papalapit na tao at mukhang may kausap sa telepono. Si Pat. Pagkakita sa kanya ay binaba nito ang telepono ni hindi yata nagpaalam.

Humarap si Pat sa kanya saka lumakad at umupo sa isa sa mga upuan.

" I don't know how do you get along with Miguel but it's not a secret to you that I'm the one who Miguel loves."

Tahimik lamang siyang nakikinig dito.

" we are happy actually very happy but you came and now we are both suffering but that's how money works, it can destroy everthingi." Patuloy nito saka umalis.

Pigilan niya man ang kanyang luha ay hindi niya mapigilan, ganon ba siya kasama? Ganon ba siya kaselfish para mas iniisip ang sarili at pamilya?. Mga tanong sa kanyang isipan dahil sa mga sinabi ni Pat sa kanya. Huminga siya ng malalim saka inayos ang sarili, mamaya na niya iisipin ang susunod na gagawin. Nakaupo pa rin siya at balak tawagan si Elisa pero dumating naman si Miguel, bagong ligo at amoy na amoy ang sabon na ginamit nito. Nakakalimutan niya ang sakit na nararamdaman.

" Hungry?" tanong nito sabay lapit sa kanya.

Tumango siya, saka tumingin dito. They look at each other, she's looking for answers sa mga mata ni Miguel pero wala siyang mabasa, she's hoping for love. He's caring again. Si Miguel naman ay naguguluhan sa tingin ni Carla sa kanya, hindi niya alam kung may problema ba ito.

" You look tired, di bale uuwi na tayo." Sabi nito saka hinila siya at pumasok sila sa loob para kumain.

Kumain sila ng maayos at sa mga oras na iyon ay ni hindi niya sinulyapan si Pat hanggang makauwi sila sa mansyon, walang imik. She just want to be alone for a while, mag isip. Naiwan sa garden si Miguel at ang mga kaibigan nito, pumasok siya sa kwarto nila ni Miguel at nahiga sa kama saka niya tinawagan si Elisa, kwinento niya ang mga sinabi ni Pat sa kanya. Elisa always believe na may pagtingin sa kanya si Miguel at minsan naniniwala siya minsan ay hindi. 

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon