Chapter 6

266 7 1
                                    

Umagang umaga palang ay nakaparada na ang sasakyan sa harap ng bahay nila, isang van para sa kanila at mga konting gamit na pwede nilang dalhin.

Tinulungan nila ang kanyang itay na makaupo sa van saka siya umupo sa tabi nito, si Clyde naman ay umupo sa likod ng van. Atubli man itong sumama. Alam niyang may prinsipyo ang kanyang kapatid kahit bata lamang ito pero sa ngayon ay wala silang pagpipilian.

Pagdating sa bahay sa likod ng malaking bahay, kahit medyo maliit ay maganda at maayos, kumpleto ang gamit at may mga tagasilbi na naghihintay.

"Ako ang tagapag alaga ng iyong itay, kaya huwag kang mag alala. " sabi ng isang babae medyo matanda na rin na nakatayo sa pintuan.

Si Clyde naman ay dumiresto sa isang kwarto saka umupo sa kamang nandoon.

" ate salamat at tinutulungan mo kami ni itay."

" gagawin ko ang lahat makaahon man lang tayo, sa susunod na buwan ay babalik ka na sa eskwelahan at ako ay ganon din." Sabi niya dito.

" talaga ate? Mag aaral na tayong dalawa?"

"Oo naman, magpapakasal ako pero mag aaral pa rin ako"

" oo ate, mag aaral ako ng maayos." Sabi ni Clyde saka siya nagpaalam dito dahil alam niyang hinihintay siya ni mam Helena.

Pagpasok niya sa malaking bahay ay agad sinalubong siya ni mam Helena.

" hinihintay talaga kita, halika at ipapakita ko sayo ang kwarto mo saka tayo lalabas para bumili ng ilang bagay sa bayan na kelangan mo." Sabi nito.

Pumunta sila sa pangalawang palapag ng bahay at binuksan nito ang isang kwarto. Maganda nag kwarto at may mga gamit na pang babae na din doon.

" ito ang kwarto mo, sa kabila ay kwarto ni Miguel, nagpabili na ako ng ibang gamit para sayo at mamaya ay darating pa  ang iba, nagustuhan mo ba?"

" maganda po, sobra sobra na po itong tulong niyo sa amin."

" magiging asawa ka na ni Miguel, pamilya ka na din namin saka pupunta tayo sa bayan para magpaparlor at magpaspa. Sa linggo na ang kasal niyo ni Miguel."

"Po? Hindi po ba sa susunod na buwan?"

"Babalik si Miguel sa Amerika sa susunod na linggo, gusto mo bang sumama sa kanya? pwede nating ayusin ang papers mo ng mabilisan para makasunod ka sa kanya."

" hindi po, ok lang po akong dito na maghintay saka gusto ko pong mag aral sa bayan. Di ko po kayang iwan si itay at si Clyde." Sagot niya.

" alam ko iha, oo mag aaral ka pero sa Manila na, mas madali kang matatapos at mas magandang university ang papasukan mo, balak ni Miguel itutuloy ang pag aaral doon, aalagaan namin ang iyong itay kaya huwag kang mag alala."

" iilang taon po saka matatapos si Miguel?"kabado niyang tanong dito.

" isang taon yata iha di ako sigurado mula ng bumukod na siya eh hindi na namin masyado pinapakialaman ang mga desisyon nila, pero dahil mag aasawa na siya ay dapat lang na pababalik na siya dito sa pilipinas"

" opo. Gusto ko din po kilalanin si Miguel bago po kami bubuo ng pamilya."sabi niyang nagulat din sa sinabi, bubuo ng pamilya? Ano bang naiisip niya.

" oo iha, gusto ko na ring magka apo ng maaga, o siya, pumili ka ng damit diyan sa closet at lalabas tayo. Iwan muna kita ng makabihis ka ng maayos. " sabi nito saka umalis.

Sinunod niya ang sinabi ni Helena, ang gaganda ng damit na nasa loob ng closet, pinili niya lamang ang isang dress na above the knee, kulay blue saka sandal, lahat ay kasya sa kanya. Saka siya lumabas ng kwarto at pumunta sila agad sa bayan ni Helena.

Sa parlor sila unang pumunta, pinabawas ang kanyang buhok saka nirelax para malambot ito. Pagkatapos ay pumunta sila sa spa, buong katawan niya ay halos nabinat sa kung ano anong pinahid sa balat niya. Halos umabot siya ng limang oras sa loob dahil sa facial at skin care na ginawa sa kanya. Pati kuko niya nilinis din. Pagkatapos ng lahat ng skin treatment na ginawa ay gumaan ang kanyang pakiramdam.

Paglabas niya sa clinic ay hindi siya makapaniwala sa sarili ng tiningnan niya sa sarili. Kuminis ulit at kanyang balat, hindi dati na sunog ng araw.

"Nakapakaganda mo iha, mag snack tayo bago tayo mamili ng iba pang gamit na gagamitin mo sa pang araw araw."yaya nito.

Tumango siya at kumain sila sa isang fast food chain, pagkatapos kumain ay nagtake out pa ang ginang para sa kanyang itay at kapatid.

Napakabait ni Helena sa kanilang pamilya, ni hindi siya nito hinusgahan at maukhang tuwang tuwa pa yata sa kanya, maswerte siya kung sakaling mabait talaga ito. Pagkatapos nilang kumain ay nagshopping sila konti at umuwi.

Sa pagod ay nakatulog siya agad sa malaking bahay. Dumaan ang isang linggo na mabilis dahil sa paghahanda sa kasal nila, sa mga oras na yun ay kung ano ano ang tinuturo sa kanya ni Helena, gaya ng paglagay ng make up at pananamit, pinapaala nito parati sa kanya na minsan ay kelangan niyang mag ayos pag may pagtitipon ang pamilya o para sa negosyo, sunod lamang siya ng sumod dito, simple at hindi magarbo ang kanilang kasal dahil yun ang hiling ni Miguel sa magulang, sunod sunuran lamang siya sa sinasabi ni Helana.

Dumating na ang sabado ng gabi, bukas na ang kanilang kasal, darating si Miguel pero hindi nila alam kung anong oras. Di siya makatulog, iniisip niya paano bukas, ikakasal na siya, walang siyang karapatang humindi kung gusto ni Miguel na maghoneymoon sila, iniisip niya pa lamang ay kabado na siya.

Paano pagmabuntis siya agad? Marami pa siyang pangarap. At handa na ba siyang mag alaga ng bata? Paano sila ni Miguel?, paano pagiiwan din siya at may anak pa? Mga dapat niyang ayusin bago sila magkakaanak.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon