37

330 11 2
                                    

Henry Carpio
Feb. 18, 2019 at 7:03 PM

Henry:

Hey

Are you okay?

Keena:

huhu paano mo po nalaman?

grabe friends na rin ba kayo ni Mika at sinabi niya sayo yung kapabayaan ko sa school??

pero promise di ko naman sinadya yung nangyari

I may be stupid but that not stupid naman huhu :(

Henry:

What?

Something happened in your school?

Keena:

hala akala ko alam mo na yung nangyari don sa food booth nong highschool days?

nagtanong ka kasi kung ayos lang ba ako kaya I assumed baka alam mo yung nangyari kasi dinaldal ni Mika sayo

mahihiya na sana ako sayo, sabi mo pa naman non ang responsible kong officer tapos...

Henry:

No, but I saw you tweeted "huhuhu" multiple times

That's why I asked... but what happened?

Keena:

wala lang yun hahaha

solved na yung problem ser, masyado lang akong dramatic sa twitter wag mo na lang pansinin

Henry:

Are you sure?

Ano ba talaga ang nangyari?

Keena:

nahihiya ako e

Henry:

If you can't tell me, okay, I won't force you to speak up.

Keena:

ang bait, nakakakonsensya ka naman!

Henry:

Haha ayos lang talaga

But you see, I'm kind of worried why you keep mourning in twitter

Wait, you deleted your tweets?

Keena:

tinanggal ko na kasi ayos na ako ngayon as in hahahaha

thanks for asking and for worrying, that really means I'm your friend na

Henry:

Were you still doubting me being a friend of yours? You were doubting my intentions?

Keena:

hala ser masyadong nega, e di naman sa ganon!!

I mean, parang kahapon lang kasi nong nagsimula tayong mag-usap kaya hindi ko masyadong inexpect na maging concerned ka sakin lalo na dahil hindi mo naman alam yung buong nangyari

pero promise, there's nothing to be worried about na kasi totoong bumubuti na pakiramdam ko

tsaka magku-kuwento ako bukas, wag lang ngayon baka ma-bad trip ako lalo hahaha kailangan ko muna mag-move on

Henry:

Okay, if that's what you want. I hope you'll be completely alright very soon.

Anyway, have you eaten?

Keena:

hinihintay lang namin ni Kuya Kian ang order, tinamad kasi magluto

hindi rin naman ako masyadong marunong sa pagluluto huhu takot ako sa mantikang tumatalamsik akala mo malaki galit sakin

kaya both no choice kami ni Kuya, wag lang malaman ni Daddy kasi ayaw pa naman non na nagde-depend kami sa iba

Henry:

Sa pagkaalala ko, nasa abroad ang Daddy mo, right?

So it's probably only you and your brother left in your home?

Keena:

uu, kami lang dalawa pero kapit-bahay lang naman namin ilan naming kamag-anak kaya hindi masyadong boring yung life

may isang kasambahay din kami na iniwan ni Daddy para samin pero umuwi sa probinsya nila kasi may emergency

Henry:

What about your Mom? Nasa abroad din kasama ang Daddy mo?

Keena:

hahahaha curious ka ah

may ibang pamilya na mommy ko e, wala rin kaming communication eversince pinanganak ako

Henry:

I'm sorry I asked...

Keena:

ayos lang para namang alipunga to

yan yung #GetToKnowEachOther

first stage as friends

saka di naman beyond the line yung tanong mo, wala rin naman akong issues sa Mama ko kasi pareho naman naming hindi hinahanap ang isa't-isa

Henry:

It's a relief to hear you're contented on your father alone, that you didn't seek love to others to fill the gaps in your heart.

Also, you're brave enough to live with the situation. Some people couldn't put up with that diba?

Keena:

sa totoo lang, naranasan ko din namang mangulila sa ina ko, lalo na nong bata pa ako kasi syempre who wouldn't want a Mother? Who wouldn't want to be loved and to be taken care by your Mother?

pero noong lumalaki at nagkakamulat nako sa realidad, that was when I've come up with some realizations.

I don't need to settle with someone who didn't even ask for my presence

Henry:

I'm sorry. I won't ask again if it makes you uncomfortable.

Keena:

hindi ah! tanong ka lang

Henry:

Hmm later.

You eat first, kakain na rin ako ngayon.

Keena:

okayyy

kakarating lang din ng food

balik lang ako!

So This Is Love (Day6 Series #1)Where stories live. Discover now