"Alam mo Unnie, parang s-"

"Sssssh" pagpipigil ni Soohyun kay Hyeri.

Ngumiti ako ng mapait sakanila at nagpatuloy lang sa pagkain. Mula maghiwalay kami tinigil ko na makibalita sakanila. Sinabi ko na rin na ayoko na makakarinig ng tungkol sakanya. Ayoko.....

Kasi baka hindi mapigilan ng puso ko na bumalik sakanya....


"Wait lang mag cr lang ako"


"Sama koooooo!"


"Ang clingy mo naman Joy!!" iritang sabi ni Seulgi at tumatawa naman si Yeri sa tabi niya.


"Hello Hyeri!" masayang bati ni Jisoo pagkapasok niya, pero nagulat siya ng makita niya ko.


"Unnie...."


"Oh bat di pa kayo umuupo?" tanong ni Rosè kila Jisoo na nakatingin sakin. Pagkalingon niya kung san nakatingin sila Jisoo ay biglang nagbago yung expression ng mukha niya. Para bang biglang nandilim at diring diri siya sakin.


"Ayoko na pala ng Chicken. Nakakadiri dito. Lets go" diretso niyang sabi at lalabas na sana siya ng pinto ng hawakan siya ni Soohyun.


"May problema ka ba Park Chaeyoung?" diretsong sabi niya at tumayo naman si Jieun para awatin si Soohyun.


"Ikaw may problema ka ba?" Walang buhay niyang sabi. Parang hindi na siya yung Roje na kilala ko :(


"Lets go." dire-diretsong sabi nito at lumabas na siya. Napansin ko si Joy na dire-diretsong lumapit sa table namin. Hinawakan ko naman si Jieun na biglang napatayo.


"I'm sorry, Unnie." sabi niya at tumango naman ako sakanya sumunod na rin siya palabas kila Rosè.


"Hindi naman ako na inform na may attitude pala yang kaibigan mo Hyeri." inis na sabi ni Soohyun.


"Believe me, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Hayaan mo kakausapin ko na lang."


"No, its okay. Hayaan niyo na. Kumain na lang tayo. May shoot pa ko later for Dior." sagot ko sakanila at di na sila umimik pa. Wala na rin ako sa mood.


After ng not so good lunch namin ay napahiga ako sa kwarto ko. Kinuha ko yung unan ko na nakalagay yung shirt niya. 2yrs ago na to, hindi ko pa rin nalalabhan. Eto na lang yung natitirang bagay na makakapag paalala sakin sakanya.


Niyakap ko yun, at nagsimula na kong umiyak ulit. Kinuha ko yung phone ko at nag play ako ng random song sa list ko. At sa nakakatuwang pagkakataon ay yung Gone na naman yung nag play.


"Sobrang laki talaga ng galit mo sakin no? Pati sa kanta pinatay mo ko." Natatawang sabi ko sa unan ko kung san nakasoot yung shirt niya.


"I can feel the pain, can you?"


Ramdam mo rin ba Rosè? Malamang hindi. Ang sakit sakit kasi. Its been fvcking 2yrs. Pero yung pain, parang kahapon lang. Parang laging kahapon lang ngyari ang lahat.


"Hate to see you with someone new, I'll put a curse on her and you."


Yeah, gusto ko nga kayong saksakin ni Joy eh. Ang sakit niyo sa mata. Napapagod na ko, gusto ko na lang nga mag suicide. Kaso, baka ma double dead ako kay Jieun kaya huwag na lang.


Ang lifeless ng ganitong buhay, kung tutuusin pwede ko naman piliin na bumalik sayo. Kaso hindi ko magawa. Mula naman ng mawala ako sa buhay mo, umayos ka na. Siguro nga ako yung pinaka malaking pang gulo. Kasi, okay ka naman kahit nung wala pa ko.


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now