Everything I do, I do it for you.

475 21 45
                                    

Suzy POV

"I'm sorry Tita" tanging nasabi ko habang umiiyak sa harapan niya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin kasama ni Alice na ngayon ay nasa harapan ko na rin.

"Its okay. We understand you, Anak. Masyado ng madaming nadadamay. I know, maiintindihan din ni Rosè to." Sabi niya sakin habang yakap ako. Hindi ko mapigilan na umiyak ng sobra.

"I'll support your decision sis. Both of you need time to think. Especially my sister. Hindi niya iniisip yung mga taong nasa paligid niya. Matatapos din lahat ng to" sabi ni Alice habang pina-pat yung ulo ko.

I'm so thankful na binigyan ako ng ganitong second family. It hurts like hell. Hindi ko kaya ng wala siya, pero dapat kong kayanin para samin dalawa. Para sa ikabubuti rin ng lahat. Maya maya ay dumating na rin si Lisa, Jisoo at Jennie to comfort me.

"Sigurado ka na ba dito Unnie?" tanong ni Lisa at nag nod naman ako.

"Ayoko madamay kayo. Besides, nahihirapan na rin ako kausapin si Roje. Talagang desidido siya na umalis para lang samin dalawa, at ayoko mangyari yun. I'm not selfish. Malalaman ko rin kung sino yung gumagawa nito samin. But please, ingatan niyo siya." sabi ko ng umiiyak at nalungkot naman silang tatlo dahil sa sinabi ko. Lumapit sila at niyakap rin nila ako.

"Promise iingatan namin siya. Ikaw rin Unnie ha? Lagi kang magiingat" naiiyak na sabi ni Jen.

"Yup, dito lang naman ako eh. Lagi siyang titignan sa malayo. But for now, sigurong kailangan na nga muna namin ihinto for the sake of her." Malungkot kong sabi sakanila.


Flashback...

"Suzy, sasama ka ba later? Dadaan kaming chicken shop"

"Aww, hindi na muna. May iba kong pupuntahan next time na lang, okay lang ba?" Pagtatanong ko at nakita ko naman yung diappointment sa mukha niya.

"Okay lang, gf duties ba?" nakangiti niyang sabi at nag blush naman ako. Yup, alam ni Seung-gi yung samin ni Rosé. Na kwento ko sakanya, kada break ko kasi or after ng shoot ay nag p-phone ako para mag update kay Roje.

"Sige sige, mag ingat ka! Sabihin mo meet kami soon ah?" Nakagiti nitong sabi at naglakad na papasok sa set. Alam kong malungkot siya ngayon kaya nagtext ako sakanya. Lately rin kasi napapansin ko na parang sobrang stressed niya, pero kapag tinatanong ko siu ang palagi niyang sagot ay okay lang siya. Kaya nagaalala na ko sakanya.

To; My Baby Chip 🤍

I miss you, Roje. Sure ka na okay ka lang? Let me know okay? Pag maaga kami natapos sa shoot pupuntahan kita diyan. Pakamusta kila Mom! I love you so much, honey! 😙

Nakangiti kong tinignan yung message ko at naglakad na ko pabalik sa set. Habang naglalakad ako ay bigla naman lumapit sakin yung Manager ko at kinausap ako.

"Suzy, nag set ng appointment sayo si Mr. Yang ng YG Entertainment. Gusto ka daw niyang makausap."

"For what daw? May sinabi ba siya?" Tanong ko kay Oppa, pero ngayon pa lang ay hindi na maganda ang kutob ko.

Maya maya ay biglang nag ring yung phone ko at nakita ko si Jisoo na tumatawag.

"Unnie, kasama mo ba si Rosé? Sorry tinawagan na kita hindi kasi siya sumasagot sa call namin." Pagpapaliwanag niya sakin dahilan para lalong sumikip yung dibdib ko.

Eto na nga ba yung araw na kinatatakutan ko?

"Nope, nasa set ako. Sige, isend mo sakin yung Address ako na lang ang pupunta."

Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now