MFBF: Eighty-seven

Magsimula sa umpisa
                                    

I love you...





Muli kong iminulat ang mga mata ko at isang nakasisilaw na liwanag ang tumambad sa mukha ko. Mariin akong napapikit kasabay nang muling pagbalik nang mga pangyayaring yun sakin


"X-xynon..."

I love you...

Unti unting pumatak ang mga maiinit na luha mula sa mga mata ko habang nakapikit. Namamanhid ang buong katawan ko at hindi ko na halos maramdaman ang hapdi at kirot nang mga pasa at gasgas na tinamo ko dahil sa sobrang sakit na namamayani sa puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwala...ayokong maniwala...

"L-Lex..."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ang pamilyar na boses na yun

Muli kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa kaliwa upang maiwasang masilaw sa liwanag nang ilaw na nalatutok sakin, at dun nakita ko ang isang lalaking nakaluhod habang nakabitin ang parehong kamay sa ere. Muli akong napapikit dahil sa pagdilim nang paningin ko sa pagsalubong nang ilaw sakin kanina, muli akong dumilat para makita sya nang maayos at nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kung sino ang taong yun...




S-Shawn...




"Buti naman at gising ka na" nabaling ang atensyon ko kay Hilberyo na may suot nang disposable gloves at mask, pero kahit na may takip ang mukha nya ay kitang kita ko pa din ang malademonyo nyang mga ngiti habang papalapit sakin "nakalimutan ko kasing itanong kung sa kaliwa o kanang tagiliran mo ba nakalakat ang chip...pero kung tutuusin pwedi ko namang hatiin na lang nang buo ang tyan mo, hindi na nga lang masa kung ganun" dagdag nya pa



"T*ng*na mo,wag mong gagalawin ang kapatid ko!" Muli akong napalingon kay Shawn nang sigawan nya si Hilberyo

Wala na syang pangitaas na damit at bakas sa mukha at katawan nya ang mga pasa at naglalakihang mga sugat. Putok na putok na ang labi nya at kitang kita ko pa ang natuyong dugo mula sa Ilong nya

"Ah, nakalimutan ko nanjan ka pala...enjoyin nyo na ang reunion nyong to, dahil tinitiyak kong ito na ang huling beses na makikita nyong humihinga ang bawat isa" mapang asar na banta nya, muli naman akong nakaramdam nang galit


Hayop sya! Wala syang puso!



Nanatili akong tahimik at ginala ang paningin ko sa paligid, nakatali ang parehong kamay at paa ko dito sa operating table na kinahihigaan ko ngayon. May isang napakalaking puting ilaw ang nakatutok sakin, at sa tabi nang paanan ko ay may isang bakal na table kung saan nakalagay ang samu't saring gamit sa pango-opera. Saka ko na lang din napansin na may  makapal na tela na din palang nalatali sa pagitan nang bibig ko kaya naman hindi ako makapagsalita nang maayos


"Ginamitan na kita nang X-ray kanina habang natutulog ka pa para naman pareho tayong hindi na mahirapan pa" patuloy lang sya sa pagkwento habang pinupunasan ang isang maliit na kutsilyo, napalunok naman ako at nagsimulang magpumiglas nang dumako sakin ang tingin nya at unti unti akong lapitan


"Layuan mo sya Hilberyo! Wag mo nang idamay pa ang kapatid ko!" Namamaos pa ring sigaw ni Shawn, pero hindi sya pinansin nito


"Wag kang malikot,dahil baka magkamali ako't sa leeg mo mismo ko maitarak ito" nakangiti nyang banta habang nakatutok sa tagiliran ko ang talim ng kutsiyo, kaya wala akong nagawa kundi ang manigas sa kinalalagyan ko "Medyo mapurol na kasi ang Scapel ko kaya ito na lang muna ang gagamitin ko ha?" Kunwaring paalam nya pa, halos malagutan naman ako nang hinga nang maramdaman ko ang unti unting pagbaon nang kutsilyong yun sa tagiliran ko




"MMMMMMMM!!!" Mariin akong napapikit at napakagat nang todo sa telang nasa pagitan nang bibig ko nang maramdaman ang mas pagbaon nun sa tagiliran ko, nanginginig ang mga tuhod at buong katawan ko dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Unti unti akong kinakapos sa hangin at pakiramdam ko'y anomang oras ay malalagutan nako nang hininga



"Taaamaaaa naaaa!" Dinig ko pang sigaw ni Shawn.


Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa namumuong luha rito ay pinilit ko pa din syang tinignan habang tinitiis ang sakit.

Naaaninag ko pa ang pagpatak din nang luha nya at pagpupumilit na kumawala hanggang sa unti unting nawala ang boses nya kahit na kitang kita ko pa ang pagsigaw nya. Unti unti na ding manhid ang buong katawan ko at napapapikit na ang mga mata ko, naging sunod sunod ang paglunok ko dahil sa unti unting panlalamig na nararamdaman. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari at tanging liwanag na lang ang nakikita ko


Eto na ata ang katapusan ko...dito na ata ako mamatay... Sorry mom,dad...




Unti unting nanlabo ang paningin ko pero pinilit kong hindi pumikit hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang pang tapik nang kung sino sa pisngi ko. Ramdam ko ang pagbuhat sakin nang kung sino pero masyado nang nanlalabo ang paningin ko, sa huli ay napaubo na 'ko nang dugo bago tuluyang magdilim ang lahat









__________________________

Ey yow pips! Sorry ngayon lang naka update! Matapos nang ilang dekada sa wakas! Naka update na din hahahaha charot

Nyapiii reading,alabyows all mwahhh! 😘💖✨


My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon