"May allergy ka nga sa shrimp Shan/Angela!" Sabay na sigaw nung tatlo.

Napangisi naman si Angela. "Sinong may sabing ako ang kakain? Ano ako, tanga?"

Napataas naman ang kilay no'ng tatlo, kalaunan ay nanlaki ang mata at napaatras.

"There's no way I would eat that food!" Kaagad na angal ni Christian.

"Maski naman ako! Ayokong malason no?" angal naman ni Sebastian.

"Hindi pa ako handang sumakit ulit ang tiyan ko."

Napanguso si Ian sa ginawang pagtutulakan ng mga kapatid.

"Tch!" Singhal muli ng dalaga bago kinuha ang niluto ni Ian at umupo sa upuan sa may mesa. Papasubo na ang dalaga nang sabay na sumigaw ang tatlo.

"Kakain na!"

Nakangising tumayo si Angela. "Kumain na kayo. Enjoy." Sarkastikong saad ng dalaga.

Excited namang kumuha ng mga plato si Ian. Pagkabalik sa dining, kaagad niyang nakita ang sama ng tingin ng magkakapatid.

Nagsiiwasan ng tingin ang magkakapatid nang makita na nakatingin na sa kanila si Angela.

Nakatingin na ang tatlo sa nakahaing shrimp sa harap nila.

"I can't stand to eat this kind of food." Nakangiwing saad ni Christian.

Napasimangot naman sina Lucian at Sebastian.

"Humanda ka sa'kin kapag sumakit ang tiyan ko." Pagbabanta ni Sebastian kay Ian.

"Sebastian." Saway ni Angela. Bumuntong-hininga ang dalaga. "Kumain na kayo."

Nagdadalawang-isip ang tatlo kung kakainin ba nila ang niluto ni Ian o hindi.

Nakangiwing nagsalok ng pagkain ang tatlo at inamoy iyon.

Mas lalong napangiwi ang tatlo, nag-iba pa ang timpla ng mukha nang malasahan ang niluto ni Ian.

*ubo* *ubo* *ubo*

Kaagad na binigyan nina Angela at Ian ng tubig ang mga kapatid.

"Masarap ba?" Excited na tanong ni Ian.

Kaagad na sinamaan ng tingin ng tatlo ang nakababatang kapatid.

"Maalat---"

"Pwede na." Nakangiting saad ni Lucian na ayaw lamang masaktan ang kapatid.

"'Wag ka nang magluto---" Napatigil sa pagsasalita si Christian nang makita ang uri ng pag tingin ni Angela sa kanya. "Tsk! Marunong ka nang magluto kaya hindi mo na kailangang magluto ulit."

"Pero gusto kong pagsilbihan ang ate at mga kuya ko kaya ipagluluto ko kayo araw-araw---"

Kaagad na nanlaki ang mata ni Ian nang makita ang sunod-sunod na pag-ubo ng tatlo.

____________

"Ma'am, hindi talaga pwedeng pumasok sa subdivision nang walang imbitasyon mula sa mga nakatira rito." Paliwanag ng guard.

"Manong guard, kaya nga surprise, 'di ba? Kung magpapaalam kami, edi hindi na surprise?"

Kanina pa nagpapaliwanag ang magbabarkada na kailangan nilang pumasok sa loob para i-surprise at dalawin si Angela. Hindi naman pumapayag ang mga guard na nasa guard house.

"Hindi ho talaga pwede mga ma'am, sir. Kung gusto niyo, tatawagan ko ngayon ang mga taga-Del Mundo residence---"

"'Wag!" Sabay na sigaw ng magbabarkada na siyang dahilan para mapatigil sa ginagawa ang guard.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now