"Ay ganon po ba, sorry po" sabi agad ni Daryl at hinawakan ang kamay ko at hinila ako napasunod na lamang ako. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin habang umuulan.

"Oy ang lakas ng ulan"sabi ko pero parang hindi niya ako naririnig, nanatili kaming tumatakbo sa ulan. Magkahawak pa rin kami ng kamay habang tumatakbo.

Hindi ko alam pero para akong kilikilig sa ginagawa namin. Am I correct, na inlove na naman ako?

Parang ayoko siyang bitawan, ang sarap hawakan ng kamay niya. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

Buglang lumingon sa akin si Daryl at nagulat ako dahil ambilis niya. Nakita niya na nakangiti ako. Napastop siya sa pagtakbo pati na rin ako.

"Kinikilig ka?" Tanong niya habang nakangiti.

Hindi ko mapiligilan ang magiging reaksyon ko, nanatili akong nakangiti. Hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko.

Tang ina traydor ng mukha ko.

Hindi ko namalayan na basang basa na kami dahil sa ulan. At nasa gitna kami nang ulan nakatayo.

Natawa kami sa isa't-isa dahil para kqming basang sisiw.

"Sabi ko kasi sayo magpayong tayo " sabi ko sa kanya habang nagatatawa dahil basang basa kami sa ulan.

"Eh ayaw ko nga" sabi niya

"Sige na nga" sabi ko at inenjoy nalang ang pagligo sa ulan. Medyo magdidilim na pero nagsaya lang kami. Nagsayaw sayaw kami sa ulan habang naglalakad.

Sinusundan pa rin ako ni Daryl hanggang sa makarating kami sa tapat nang building ng tinitirhan ko.

Pumasok kami sa building nang condo ko. Basang basa pa rin kami dahil ayaw tumila ng ulan.

"So dito ka pala" sabi nang katabi kong si Daryl.

"Good evening po maam, basang basa po kayo ni Sir" sabi ng guard sa amin. Nginitian ko lamang 'yon at binaling ang tingin kay Daryl.

"Bakit andito ka pa? Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko sa kanya. Dito siya sakin makikistay?

"Pinapaalis mo agad ako basang basa na nga ako, tsaka d'yan muna ako sa'yo, papatila lang ako nang ulan" sabi niya.

"Hindi naman sa ganon, kasi pwede ka dumaretso papunta sainyo" sabi ko

"Mukha ba akong stranger? Tsaka hindi mo ba na alala na Ano-" hindi niya na natuloy ang sinasabi niy nang nagsimula na akong maglakad.

"Oy teka lang" sabi niya habang hinahabola ako. Hinayaan ko na lamang siya at pumasok na sa elevator. Mabilis siyang nakasunod sa akin, kaya nakapasok agad siya.

Hindi na lang siya kumibo at sinundan nalang kung saan ako pupunta.

Bumukas na ang pinto ng elevator ay lumabas na agad ako.

Binuksan ko ang pinto ng condo ko. Sumunod siya sa akin.

"Ang ganda pala dito sa unit mo, bagay na bagay pang dalawang tao" sabi niya at linibot ang pangingin.

"Oo"sabi ko nalang at dumaretso agad sa Cr. Pagkapasok ko tinanggak konna agad ang saplot ko, nagulat ako dahil meron ako ngayon.

Agad kong sinilip ang stock ko pero wala na akong stock. Shet!

Sumilip ako sa pinto, dahil wala na akong saplot. Nakatapis nalang ako ng tuwalya.

"Daryl..." bulong ko. Agad siyang lumapit sa pinto, napalunok lang siya nang makatapat siya sa pinto.

"Tinawag mo ba ako para sabayan kang maligo?" tanong nito sa akin. Pagkasabi niya non ay binato ko siya ng kung ano man nakita ko.

"Hindi, kasi ano..."nahihiya kong sambit.

"Ano yun mahal, joke lang" sabi niya habang natatawa.

"Ahm, ano kasi pwede mo ba akong bilhan ng ano..."sabi ko.

"Ng ano babe? Jollibee?Mcdo?pizza? Ano?" Sunod sunod niyang tanong, umiling lamang ako.

"Napkin"sabi ko ng mahina, dahil nahihiya ako.

"Ano paki ulit nga" sabi niya habang nakangiti halatang ina asar ako.

"Eh naman! Ayokong ulitin"

"Eh bahala ka wala ka nang kailangan mo"sabi niya sa akin habang nakangiti tuwang tuwa na ina asar ako.

"Sige nq nga, napkin po" sabi ko at nagpacute.

"Sige para sa binibini ko, pero teka lalabas ako ng basa?" Tanong niya.

"Hmm...Oo yata"sabi ko

"Eh ayaw ko lumabas ng basa ako, sabay nqlqng tayo maligo" sabi niya sa akin habang tumatawa.

"Gago"sabi ko nalang.

"Sungit mo naman, sabay na kasi tayo maligo, tsaka hindi mo ba na alala yung dati" sabi niya habang nagpapacute.

"Sige ikaw nalang unang maligo, magbibihis nalang ako" sabi ko.

"Ha ayoko nga baka magkasakit ka" angal niya sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko.

"Sabay nalang kasi"sabi niya.

"Fine" nagulat ako nang masabi ko yan. Napatakip ako sa bibig ko.

"Gusto mo ren pala" nakangisi niyang sabi. Bigla niyang binuksan ang pinto at pumasok.







You're My Favorite ModelWhere stories live. Discover now