CHAPTER 11: SINGLE

Start from the beginning
                                    

Walang buhay akong tumango. "I understand."

Habang paakyat ako sa kwarto ko ay parang bumalik ako sa dati kong pagkatao. Yung pagkatao ko nung hindi pa ako namamasukan bilang babysitter ng triplets. Malungkot, walang pag-asa at yung depression na pilit kong tinatakasan sa bahay na 'to.

Habang paakyat ako ng hagdan ay sumagi sa isip ko ang mga alaga ko. Kamusta na kaya ang mga bata? Napatulog kaya sila agad ni Xenon?

Nang makapasok na ako sa sarili kong kwarto ay agad kong nilapitan ang picture frame na medyo malaki kung saan nandoon ako, at ang dalawa ko pang kakambal. Like Lancelot, Lanaia and Landon, triplets din kami ng mga kakambal ko. I'm in the middle while Qeena and Queenie is on my both sides hugging me with a big smile on our faces. This pictures was taken three years ago. A year before Qeena and Queenie died.

Yes, mag-isa na lang ako ngayon. Kung dati tres marias kami, ngayon unica hija na lang ako. I'm the youngest. Qeena died from car accident because police mobile was trying to get her. While Queenie died from ambush. Apat na buwan lang ang pagitan ng kamatayan nilang dalawa.

Para akong baliw na natawa ng walang dahilan. "Bakit iniwan niyo ako?! Ikaw Queenie, sabi mo mag-iingat ka at binilinan mo rin akong mag-ingat sa lahat ng negosasyon natin para hindi tayo sumunod kay Qeena. Pero ano ginawa mo? Apat na buwan lang ang binilang mo tapos sumunod ka na rin sa kanya. Hindi niyo pa ko sinama. Ang dadaya niyo."

Malungkot akong naupo sa kama ko at tumulala sa kawalan. Wala na kaming iba pang kapatid kaya naman nang mawala silang dalawa ay sobrang lungkot ko. Bago pa sila mamatay ay may mga kinaharap akong pagsubok na halos hindi ko na makayanan pero dahil sa tulong nilang dalawa ay lumaban ako. Kaya naman nang mawala sila ay hiniling ko na mamatay na rin ako pero hindi ako pinagbibigyan ng tadhana.

Kaya naman si Cassandra humanap ng paraan para matakasan ko ang bangungot ng buhay ko. Inalok niya ako na maging babysitter dahil alam niya kung gaano ko kahilig ang mga bata. Ayaw ni Cassandra na maging malungkot ako dahil natatakot siya na baka maisipan ko nga raw na sumunod sa mga kapatid ko.

Dahil mukhang hindi naman ako makakatulog ngayong gabi ay lumipat ako sa paborito kong couch malapit sa bintana nitong kwarto ko at inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro at paggamit ng cellphone hanggang sa sumikat na nga ang araw.

Walang lakas akong nagtungo sa banyo para maligo at nang makabalik na sa bahay nila Xenon. Pagkatapos kong gumayak ay umalis na rin ako ng bahay namin. Hindi pa gising si mommy at daddy kaya sigurado na hindi nila alam na maaga akong umalis. Mas mainam na nga na hindi ako magpaalam sa kanila dahil sa tuwing nakikita ko sila ay ang bigat ng pakiramdam ko lagi.

Mabuti na lang at may malapit na taxi sa bahay namin kaya mabilis lang akong napuntahan ng sundo ko. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng taxi habang nilalamon na naman ng mapait na buhay ko ang isip ko.

Si mommy at daddy ay nabaon sa malaking utang. Wala kaming maibayad at muntik na ngang mauwi sa massacre ang pamilya namin. Nagkautang sila ng malaki kay boss. 'Yon ang tawag namin sa kanya. Nakita ko na siya ng ilang beses pero hindi ko alam ang tunay at buo niyang pangalan. Ilang beses ko na ring tinanong sila mommy sa identidad ng tao na 'yon pero hindi talaga nila sinasabi.

Anim na taon na rin ang nakakaraan. Fresh graduate kaming triplets sa iba't ibang kurso at nagtuturo na ako sa isang school non. Ako ang pinakaunang umuwi sa aming tatlo dahil sa 7 pa ang uwi ni Qeena at Queenie sa mga trabaho nila.

Naabutan ko sa bahay ang nasa sampung kalalakihan at saka yung boss nga na kung tawagin namin. Mugto ang mga mata ni mommy non habang si daddy ay may ilang pasa sa mukha.

Hindi pa ako nakakapagtanong kung anong nangyayari non nang abutan ako ng isa sa kanila ng papel na may kontrata. "Alam mo ba kung gaano kalaki ang utang sa akin ng mga magulang mo dahil sa pagkalulong nila sa casino? Kung hindi, sige sasabihin ko sayo. Higit kumulang 20 million lang naman ang utang nila sa akin. Binalaan ko na sila na kapag hindi sila nakapagbayad sa akin ay papatayin ko kayong isang pamilya at ito dapat ang araw na 'yon."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now