Concern But Unknown To Me

1 0 0
                                        

Nakatingin ako sa labas nang sasakyan, galing kami sa Mansiyon upang kumuha ng iilang gamit para dalhin sa bahay sa Westview. Wala si Don Mariano dahil binisita daw nito ang matalik niyang kaibigan, hindi na namin siya naabutan. Ang nadatnan na lang namin ay si Lola na nagbabasa ng aklat sa paborito niyang tambayan, ang kanyang garden.

Hindi na kami nagtagal dahil may plano pa kaming mamili ng iilang gamit na kakailanganin namin sa bahay.

Pumasok kami sa isang kilalang mall. Habang namimili kami ni Kira may nakita itong kakilala, isang College mate. Hinayaan ko na lang muna silang makapag usap habang patuloy naman ako sa pamimili.

May inangat akong isang mug na sobrang cute ang design, sinipat ko ito kung merong sira. Maya maya may nahagip ang aking mga mata, isang tumatakbong babae. Sumulpot naman ang mga kalalakihang naka suit, mukhang hinahabol nang mga ito amg babae.

Napakunot noo ako, I cannot explain how I feel kung bakit na curious ako. In fact, hindi ko namalayang nakalabas na pala ako habang nakasunod nang tingin sa direksiyon kung saan pumaruon ang mga ito.

Binilisan ko ang paglalakad, nang hindi ko na makita ang mga ito. Napahinto ako, nag palinga linga ako. Pinilit hanapin kung saan pumunta ang mga ito. I don't know how to name sa urge ng curiosity ko? First time ko ang magkaganito.

Hindi ko na alam san ako papunta. Honestly, I'm not new to this place. Nakailang balik na ako dito, this place is the business center. But because of my sense of orientation minsan nawawala pa rin talaga ako. But I'm not worry or something, I have my phone sa bag. Pwede akong tumawag kay Kira, but mas pinili ko ang maglakad lakad. 

Go with the flow lang ako sa mga taong naglalakad, hanggang nakita ko ang isang kilalang mall na pag aari ng aming pamilya. And I decided na pumasok nalang muna don.

Habang naglalakad ako, may narinig akong sumigaw. Bigla akong napalingon at nagulat ako dahil sa isang lalaking tumatakbo. Wala sa daan ang mga mata nito kundi nakalingon ito sa likuran.

"Oh G! What on earth is happening? Bat parang andaming naghahabulan ngayon?"

Buti nalang talaga lumingon ako para makaiwas. Kasi kung hindi? Disgrasya ang kinalabasan. Pansin kong medyo malayo layo pa ang mga humahabol dito.

Biglang may idea na pumasok sa isip ko, nagpalinga linga ako. Kaso wala akong makitang mga camera man or equipments. 

"Kala ko may shooting." napapangting iling ko na lamang.

Nagpatulay siyang maglakad, napakunot noo siya ng makita niya ang babaeng hinahabol pa kanina na inalalayan nang lalaki na muntikan akong mabunggo.

After a while, hinila ng lalaki ang babae at patakbong pumunta sa right side ng lalaki. Bumalik ang hindi niya mapaliwanag na concern, kaya naging mabilis ang paghakbang niya. Nang medyo makalapit sa hinintuan nang mga ito kanina, nakita ko ang isang cellphone na nasa daan. Pinulot ko ito at humarap sa direksiyon kung saan ang mga ito.

Naabutan pa niya ang mga ito na pumapasok sa isang old telephone booth. Akmang lalapit na sana siya ng matigilan at mapahinto sa paghakbang. Nahagip kasi niya sa kanyang mga mata ang papalapit na mga bulto ng kalalakihang humahabol sa babae.

A Force To Be Reckoned WithWhere stories live. Discover now